Pahina XXIV

156 9 2
                                    

"Magsisimula na po, ang palabas subalit kanina pa po kayo nakatulala." sabi ni Paz sa akin. Napatingin na lamang ako sa entablado na inihanda at pinanood ang mga kabataan na magpalabas. Nang matapos ang palabas ay tuwang-tuwa si Heneral Cortez sa mga bata at nagtungo sa entablado.

"Hanggang ngayon ay hindi ninyo pa rin ako binigo, aking mga kababayan. Nagpapasalamat ako dahil ako na nama'y ginawan na ninyo ng palabas subalit kinalulungkot ko na sabihing ito na ang huling palabas na inyong gagawin para sa akin."

Nang sabihin niya iyon ay nagsimula nang magbulong-bulungan ang mga tao. Bakas sa kanilang mukha ang pagkabigla sa sinabi ng heneral.

Isang binata ang mula sa likuran ang umuna at nagsalita. "Heneral, anong ibig ninyong sabihin?"

"Bukas ay pormal na akong bibitiw mula sa aking pagiging heneral..." saglit siyang natigil nang mag-awwwwe ang mga tao.

"Huwag kayong mag-alala, kilala ninyo ang papalit sa akin." nakangiti niyang pagbabalita.

"Sino po iyon, heneral?" tanong muli ng binata.

"Ang panganay ng Monteveros, si Ginoong Mateo Monteveros." sagot niya at lahat ay napatingin kay Mateo. Muli silang magbulong-bulungan nang dahil doon.

"Ano po ang dahilan ng inyong pag-alis, Heneral?" tanong ng isang ginang.

"Nais ko nang lumagay sa tahimik at magkaroon ng pamilya. Sana'y igalang ninyo ang aking desisyon. Maraming Salamat!" sabi ng heneral bago niya tuluyang lisanin ang entablado.

Pagkatapos niyon ay pinatawag kami ni Heneral Cortez. Kasama ko sila Mateo, Paz, Melvin, Nene, Esmeralda, Ezperanza, ang kambal na Famodulan, Dante, Ate Solana, Cecilia, Ginoong Blythe at ang iba pang mga binata at dalagang anak ng mga mayayamang pamilya dito sa San Jose.

Ipinagtaka ko ang dahilan ng pagtawag sa amin ngunit napalitan iyon ng pagkasabik nang malaman kong magpapakuha kami ng larawan. Gusto ko sana silang turuang magselfie at mag-pose pero baka magtaka sila sa akin. Maisipan pa akong sinasaniban katulad kay Carmela.

"Dito lamang po ang tingin. Huwag po munang gagalaw. Pagbilang ko ng tatlo...isa...dalawa...tatlo."

--

Nang matapos ang palabas, lahat ng maharlikang pamilya ay nagtungo sa munisipyo para roon gawin ang inihandang malaking handaan ng gobernadorcillo maliban sa amin nila Paz, Manang Iza at Mateo. Manonood kasi kami ng parada.

Lahat ng nanood ng parada ay tuwang-tuwa sa kani-kanilang nakikita. Maging si Paz ay panay turo sa mga pinaparadang rebulto pero pinalo ang kanyang kamay ni Manang Iza dahil daw masama daw ang magtuturo dahil baka maputol ito. Hindi ko na lang sinita dahil sa ganitong panahon ay uso ang mga pamahiin.

Sabay sa saliw ng paawit na dasal ay ang nakikisabay na mga tao. Halos 'di na mahulugang karayom ang daan. Lahat kasi ng tao ay nagsisiksikan at halos mag-aaway naman ang ilan.

Sa aking panonood ay isang tao ang pumukaw ng aking atensyon. Nagtaka ako dahil baka guniguni ko lamang. Paano nakalaya si Mang Abner?

Kukulbitin ko sana si Mateo pero agad niyang hinawakan ang aking kamay at umalis kaming apat sa parada. Kailangan na daw naming magpalit ng damit dahil kailangan na naming magtungo sa munisipyo.

Sa aming paglalakad papalayo ng parada ay nakapako pa rin ang aking tingin kay Mang Abner na noo'y nakatingin sa akin nang masama. Naglaho na lamang siya aking paningin nang bigla akong masagi ng isang ginang.

Bigla ring tumunog ang kampana ng simbahan at napatingin na lamang ako sa krus na nasa itaas nito. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang madre na nakabitin dito.

If You're Real ElegiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon