Pahina XXXII

112 7 3
                                    

"At anong ginagawa ninyo rito?" tanong sa amin ni Ginoong Blythe nang kanya niya kaming makita sa kadahilanang kapwa kami nagtago ni Nene sa mga gamit ni Ginoong Blythe. Sabi niya kasi, may pupuntahan daw siya kaya nakisabay na kami. Nagtago na lang kami sa isa sa mga kahon niya na kasya ang tao. Tiniis namin ng sikip at kakaunting espayo kahit na halos hindi na kami makahinga, kapwa nagpapalitan na ng mga hangin para lang makatakas sa San Jose.




"Sige na Ginoong Blythe, isama mo na kami." pagmamakaawa naming dalawa ni Nene sa harapan niya. Nagpalinga-linga ako at mabuti'y walang tao. Baka kasi may makakilala sa amin, isumbong pa kami.


"Alam nyo bang ako ang malilintikan nito kapag nalaman nilang nawawala kayo?" sabi niya.



"Ito naman, parang hindi pinsan." sabi ko. Napatingin na lamang siya sa kawalan at tumingin sa amin. Kami nama'y walang tigil sa pagmamakaawa na makasama kami.


"Tsaka, mas malakas ka naman kina Don Edward at Donya Rosa, hindi ba?" may mangilan-ngilang kurap pa ng aking mga mata ang aking dinagdag, makagawa lamang para sa aking kalandian. I mean, para sa aming kalandian. Gusto rin ni Nene makita bebe nya e kaya hindi lang ako.
  

"Oo na, sige na. Huwag na kayong magtago riyan. Babayaran ko na ang pamasahe ninyo. Basta't ikubli lamang ninyo ang inyong mukha sa ibang tao hangga't hindi pa tayo nakakaalis sa San Jose. Nauunawaan nyo ba?" kundisyon ni Ginoong Blythe. Buti na lang mabait ang may-ari ng bahay.


Kapwa kami nagtakip ng aming mukha ni Nene gamit ang mga pamepe o pamaypay na aming dala. Hindi ko mapigilang hindi kabahan sa bawat sandaling tumitingin sa akin ang bawat taong madaanan namin. Animo'y mga matang may kabayarang kapalit sa oras na makadagit.


Pasakay na kami sa barko nang bigla kaming harangin ng isang lalaki. Bilugan ito at may kapusyawan ang balat. May katakangkaran din ngunit mas nangingibabaw ang tindig ng aming kasama. Napatigil naman kami sa kanya nang dahil doon. Si Nene nama'y napadikit sa akin at ramdam ko ang kaba sa kanyang dibdib.


"Ginoong Blythe! Saan ang lakad natin ngayon? " tanong ng  lalaki na nagbabantay sa bawat daraang mga pasahero. "Tila, kay rami ng inyong mga babae, este, bagahe."


"Ginoo. Ang pananahimik ang siyang mas nakabubuting ginagawa dahil may mga taong nasa amin pang likuran, naghihintay sa inyong serbisyo." sagot ni Ginoong Blythe. Nabaling naman ang tingin ng lalaki sa amin.



"Sila ba'y kasama ninyo?" dagdag na tanong pa nito kay Ginoong Blythe. Napagilid siya at ang kanyang pag-ismid ay kanya nang ginawa, tanda ng aming drama.


"Ganoon nga. Si Milagros na aking kasintahan at ang kanyang ina."

Ano? 

Ako, ina?


Mukha ba akong gurang?


Humanda sa akin itong mokong na 'to mamaya. Tiningnan ko siya nng masama at tiningnan naman niya ako ng makisakay-ka-na-lang-look.


"Mauuna na kami, Kapitan. May lamay pa kaming dadalawin. " pagsisinungaling ni Ginoong Blythe at kami'y nagsimula nang humakbang. Napayuko na lamang kami ni Nene nang mapadaan kami sa kanyang walang tigil pa rin sa pagtitig sa amin.


"Sandali lamang ginoo't mga binibini." Ang kaba'y mas tumindi habang ang mga tuhod ko'y napapirmi. Tila hinahawakan ako sa aking mga paa ng daanang kahoy, pinipigilang makagalaw papasok ng barko.


Napahawak sa aking braso si Nene at katulad ko ay ramdam ko ang kanyang takot. Bago kami makasakay ng barko ay nabalitaan namin na pinaghahanap na ako ng mga Wilson. Maging si Nene ay nasabay na rin sa paghahanap.


If You're Real ElegiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon