Ako, sobrang close ko talaga kay Papa lalo na noong hindi pa siya pumunta sa abroad para magtrabaho. Tuwing linggo ay nakakapagsimba kami nang sobrang aga, kahit madilim pa. Sobrang excited nga ako noon kasi linggo, ibig sabihin, kumpleto kami, Sama-sama. Nakikinig talaga ako sa pari kapag nagsisimba kami kasi palagi kaming tinatanong ni Papa kung anong mga natutunan namin sa simbahan at kapag nakasagot kami ay dinadala nila kami sa fast food chain.
Tuwang-tuwa na agad ako noon kasi hindi lamang sa masaya kaming kumakain ay nakikita at nararamdaman ko ang tunay na kahulugan ng isang pamilya.
Ngunit gaya ng mga nababasa, napapanood at nalalaman ko, lahat nagbabago. Lumipas ang ilang taon, kinailangan ni Papang magpunta sa ibang bansa dahil malapit na ako noong mag-college at kakapanganak pa lang noon ni Mama kay Note.
Hindi na kasi sapat ang kinikita ni Papa rito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung anong meron sa Pilipinas kung bakit kulelat pa rin ito pagdating sa pagpapasahod gayong marami ang talentado at masipag na mga manggagawa.
Noong unang mga buwan ay nahirapan kami lalo na si Mama. Nakita ko kung paano magbago ang ugali niya. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kanya kung kaya't nag-iba ang trato niya sa akin. Galit na galit siya sa akin pero tuwang-tuwa naman siya kay Art.
Ni minsan hindi ako nagtanim ng galit sa kanya kahit ako'y durog na durog na sa mga masasakit na salitang sinasabi niya. Umiiyak na lang ako sa aking kwarto at nagkukulong. Humiling pa nga ako noon sa mga bituin na sana ay umuwi na si Papa. Naalala ko pa noon, may kuya ako na palagi kong kalaro tuwing hapon.
Siya yata yung first crush ko. Ang tawag ko sa kanya Kuya Harley Luke kahit na isang taon lang ang pagitan namin. Noong nag-abroad si Papa ay lumipat kami ng bahay at hindi ko na nakita pang muli ang Kuya Luke ko.
Gusto ko sanang magpasalamat sa kanya kasi pinapasaya niya ako kahit na palagi akong pinapagalitan ni Mama at nang dahil sa paglalaro namin ng basketball ay nakilala ko si Med.
Nang tumagal ay tila naging bato na ang puso ko. Hindi na ako nakakaramdam ng sakit sa mga sinasabi ni Mama. Ewan ko ba, sadya yatang nagbabago ang tao kapag nakakaramdam ng sakit.
Sa mga tragic stories ko na lang nararamdaman ang lungkot at pagluha. Mas iniiyakan ko pa ang fiction kaysa reality.
——
Nanlulumo, nanginginig ang aking sarili sa tuwing pinagmamasdan ko ang kalagayan ni Don Simon. Parang silang walang awa sa kilala nila. Para silang walang delikadesa. Parang walong utang na loob.
Puno nang bugbog ang katawan ni Don Simon. Nakagapos ang kapwa kamay at paa. Wala siyang damit pang-itaas, tanging ang kapirasong tela ang bumabalot sa kanyang pribadong bahagi.
Puno nang pasa ang mukha at lalong umigting ang aking nararamdamang galit nang makitang bali ang kanyang binti.
Nahabag ako sa tuwing pinagmamasdan ang duguan niyang katawan. Agad kong kinuha ang dala kong panyolito at agad na pinunasan ang kanyang mukha na balot na balot ng naghahalong dugo't pawis.
"Bakit nila sayo ito ginawa?" mangiyak-ngiyak kong bulong sa kanya habang pinupunasan ang kanyang mukha. Sa tuwing dumadampi ang tela sa kanyang mukha ay nararamdaman ko ang pag-impit at paghiyaw niya sa tindi ng sakit na kanyang nararamdaman.
Agad kong kinuha ang tubig at pinainom siya nito. Nararamdaman kong tila wala pa siyang almusal at mukhang hindi pa rin siya kumakain simula kagabi.
Napapaluha na lamang ako sa tuwing gagalaw siya dahil kada galaw niya ay naririnig ko ang pagtitiis niya ng matinding kirot at sakit na nararamdaman. Nilabas ko ang dala kong pagkain para sa kanya at maingat kong isinubo sa kanya ang pagkain.
BINABASA MO ANG
If You're Real Elegiac
Narrativa StoricaRemorse and wakes up on the book she dreamed to be summoned. Date Started: February 1, 2020 Date Published: April 9, 2020 Date Finished: July 31, 2020 Date Completed: August 1, 2020 ©All Rights Reserved 2020 -Pahimakas: If You're Real-