Pahina XXI

158 9 0
                                    

Ilang araw bago ang Pista

Grabeeeeeeee!!!!!!!!!!

Akala ko talaga papagalitan ako kagabi pero pinapasok lang nila ako sa aking silid at pinatulog lang. Akala ko kung ano na ang gagawin nila pero sana naman bukas PLEEEEAAAASSSSEEE!!!!

WALA PO SANANG MANGYARI SA AKIN BUKAS!!!!!!!

huhuhuhu....

Kinaumagahan, kasabay ng pagtilaok ng tandang at pagdampi sa aking balat ng nagnanasang hangin ay ginising ako ng nakakasilaw subalit nakakagaan sa pakiramdam na liwanag ng araw.


Ohhhh!!!! Solana (Sunshine)...


Nang matapos ako sa aking pang-umagang gawain ay agad akong nagtungo sa kusina at naabutan ko silang naghahain at nakaupo naman si Ginoong Blythe at ang mag-asawang Wilson na tila ba naghihintay na ipaghain sila.

Umupo ka kaagad ako at dala ko pa rin ang hiya na nangyari kagabi. Ito naman kasing si Don Sicario, 'kala mo naman tanod na naglilibot sa gabi. Hindi ko muna sila kinausap dahil baka mag-init ang ulo nila sa akin at masinturon pa ako ni Don Wilson.

"Magandang umaga, anak!" nakangiting bati sa akin ni Donya Rosa. Napansin ko sa kanyang mga mata na walang bahid ng galit o inis man lang. Hayysss salamat!

Sana magtuloy-tuloy....

"Magandang umaga rin po, Donya-este Ina." nakangiti kong tugon sa kanya.

"Galing dito kanina si Señorito Mateo, nais ka raw makita ni Paz." pagpapaalam niya sa akin habang kumakain.

Ano na naman kayang palusot ang naisin ng kumag na abnormal na iyon?

Baka ginagamit niya lang si Paz, hayysss....

Gawain ko rin iyon.

Nagtungo nga ako sa bahay ng mga Monteveros kasama si Manang Iza para hindi nila isipin ang tungkol sa nangyari kagabi.

Pagdating ko ay agad kong hinanap si Paz pero ang abnormal na si Mateo ang sumalubong sa akin.

Oh my gosh! Bakit ang gwapo niya ngayon? Kainis! Bakit parang habang tumatagal ay lalo pa siyang gumagwapo?

"S-si P-paz?" mataray na may halong utal kong tanong sa kanya. Kunwari hindi ko napansin na ang gwapo nya ngayong araw.

"Kay aga-aga napakasuplada." panimula niya pero nagpapansin na naman ang leche niyang ngiti!

"Naroon siya sa loob, naliligo." dagdag pa niya. Magpapasalamat na sana ako nang biglang dumating si Armando at napansin kong wala si Manang Iza.

"Señorito Mateo, dumating na po ang ibang sako ng bigas. Nais nyo po bang tumulong?" tanong ni Armando. Mang Armando na nga lang. Para kasing ang bastos ko sa puntong Armando lang ang tawag ko sa kanya.

"Sige!" nakangiting sagot ni Mateo at ibinaling ang kanyang tingin sa akin.

"Tutungo muna ako sa kinaroroonan ng mga sako. Ang tahanan ng mga Monteveros ay palaging bukas para sa inyo." pagpapaalam niya sa akin at tumango naman ako bilang tugon.

Pumasok ako sa loob at kataka-takang nasa likod ko na ngayon si Manang Iza.

"Saan ka nagkubli, Manang Iza?" tanong ko sa kanya habang nakaupo kami sa sala.

"Huwag nyo na lamang pong tanungin, binibini." tugon niya.

"Binibining Ganda!!" narinig kong sigaw ng munting bata. Agad siyang lumapit sa akin at agad na humalik sa aking pisngi.

"Ano pong ginagawa ninyo dito?" tanong niya sa akin.

Sabi ko na nga ba!!!

"Nais lamang kitang bisitahin." tanging sagot ko. Baliw talaga ang lalaking IYON!!!!

If You're Real ElegiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon