Thank you po Leanderson Flores, hindi ko alam username mo rito sa wattpad e. Salamat po sa pagpromote ng kwento ko.
Dahil mahal na mahal ninyo si Lucas, mga ka-TEAM SANL (Sana Ako Na Lang) kayo, handog ko ang pahina na ito para sa inyo.
—————————————————Pagmulat ko ng aking mata ay tuluyan na akong nakabalik sa San Jose. Narito akong muli sa lugar kung saan ako unang lumitaw. Nakadamit ng baro't saya at kaharap ang nasunog na taniman ng ubas. Naawa ako kay Ginoong Blythe dahil ang laki ng ikinalugi niya rito.
Naglakad-lakad akong muli at napatigil nang sandaling makarinig ako ng ingay. Ingay na parang may nakatingin sa akin. Binilisan ko ang aking lakad patungo sa mansyon ni Ginoong Blythe. Naramdaman ko na lamang na may kung sinong sumusunod sa akin.
Nasulyapan ko na may hawak siyang itak kung kaya't kumaripas ako ng takbo at napunta ako sa mapunong bahagi ng Hacienda Wilson. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa marating ko ang isang malaking puno.
Doon muna ako nagpalipas ng ilang minuto dahil ako'y hinihingal pa. Mukhang hindi na niya ako nasundan. Napaupo ako at napaisip kung sino ang lalaking may balak sa akin ng masama. Marahil ay isa iyong rebelde na kasapi ng rebolusyon.
Habang ako'y nagpapahinga ay nakaramdam ako ng tila patak ng likido sa aking pisngi. Napahawak naman ako nang dahil doon at nang makita ko ay kulay pula ito. Nanlaki ang aking mga mata nang maagtantong dugo ito. Napapikit ako habang dahan-dahang tumitingala at nang imulat ko ang aking mata ay tumambad sa akin ang nakabigting katawan ni Dante!
Napatayo kaagad ako at napahawak sa aking bibig. Patay na si Dante Teodoro! Pero papaano? Sino ang may gawa nito sa kanya?
Nakarinig ako ng nagtatakbuhan at napapaluha na lamang ako habang tumatakbo. May kung sinong muntikan na akong tamaan ng palaso (arrow). Buti na lamang at tumama ito sa katawan ng puno. Muli ay nagpakawala siya ng palaso at dumaplis ito sa aking pisngi dahilan upang mahulog ako sa bangin.
Hindi ko na alam ang sumunod pang nangyari sapagkat parang umiikot ang mundo ko nang mga sandaling ito. Ang tangi ko na lamang na nakita ay kadiliman.
Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko ang isang lalaki na parang may binabalnawan. Pinilit kong bumangon ngunit kanya akong inalalayan para makahiga. Nasa hindi malamang silid ako at napakalabo ng aking paningin. Muli akong nakaramdam ng antok.
Muli kong iminulat ang aking mata at napansin kong parang pamilyar ang silid na ito. Ito ang silid sa tahanan ng mga Famodulan. Pagbangon ko ay nakita kong natutulog si Lucas habang hawak ang aking kamay.
Mukhang mag-aalas-siete na kung kaya't ginising ko na siya. Ngumiti siya sa akin at napansin ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Nagagalak akong gising ka na, bInibini."
"Salamat, Lucas." sabi ko sa kanya na kanya naman ikinagulat. "Paano mo naman nalaman ang aking ngalan, binibini?" tanong niya. Natawa naman ako nang sabihin niya iyon.
"Seryoso ka ba?" natatawa kong tanong sa kanya ngunit nahinto ang aking pagtawa nang mapansing mukhang seryoso siya. "Ako ito, si Binibining Catalina Wilson." pagpapakilala ko.
"Binibining Catalina? Isa kang Wilson? Ngunit, ang pagkakaalam ko'y wala na ang anak na babae ng mga Wilson. Huwag mo na akong biruin pa, binibini. Ano ang iyong ngalan?"
Dahil sa kanyang sinabi ay nagtaka ako. Bakit hindi niya ako matandaan? Dahil ba umalis ako sa kwentong ito? Isip Cathy...isip...
"Ako si Catalina, isa ako sa katulong ni Ginoong Blythe." pagsisinungaling ko. Napatango naman siya at mukhang nakumbinsi ko na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/221989239-288-k793504.jpg)
BINABASA MO ANG
If You're Real Elegiac
Ficción históricaRemorse and wakes up on the book she dreamed to be summoned. Date Started: February 1, 2020 Date Published: April 9, 2020 Date Finished: July 31, 2020 Date Completed: August 1, 2020 ©All Rights Reserved 2020 -Pahimakas: If You're Real-