Pahina IX

292 21 5
                                    


ᜉᜑ̊ᜈ 9

Pagkatapos kong isulat ang mga karanasan ko mula nang dumating ako dito hanggang kahapon ay natulog lang ako at nagising lang para kumain. Tapos natulog ulit. Wala man lang kasing TV, radyo, selpon, wifi, kuryente, o ano mang mapaglilibangan dito. 

Hindi ko kayang makatiis sa kabagutan dito. Ewan ko ba sa sarili ko, minsan gusto ko dito, minsan naman hindi. Kinabukasan ay nakatunganga ako dito sa bahay.

Wala akong magawa dahil nalinis na ng mga kasambahay ang buong bahay. Bawal din ang lumabas dahil babae ako. Napaka-conservative kase ng mga tao dito. Marami pang bawal pagdating sa karapatan ng kababihan.

Bawal dito ang mag-aral ang babae pwera na lang kung mayaman ka o magmamadre. Hindi din pwedeng kuning course ng mga babae ang course ng lalaki. Bawal ang magsuot ng maiksi, kainis! Ambanas pa naman dito lalo na't walang electric fan. No choice kundi tiisin ang mabanas na saya. Napakaboring pa!

Pinapagatsilyo ako ni Mrs Rosa e ayaw ko naman yun. Sabi nya, nakakawala ng sakit sa ulo ang paggagatisilyo pero nung pinagawa kami nun sa TLE, lalo lang sumakit ang ulo ko. Nayamot lang ako dahil sa makailang beses na pagkakabuhol ng crochet thread at sumakit pa ang mga daliri ko.

Gusto ko naman yung pagiging simple ng pamumuhay pero nasanay kasi ako sa panahon ko at sa mundo ko. Mukhang mahihirapan akong mag-adjust sa panahong ito. Matatagalan pa bago ako makauwi samin.

Wala akong ginagawa dito kundi tumunganga maghapon. Nakahiga lang ako dito at nakatitig sa kisame. Hayyyyssstttt..... Kaboring! Para na akong bangkay dito na kaburol at hinihintay na lang na mailibing.

Nakita ko ang isang butiki sa isang sulok ng kisame. Bigla naman lumapit sa kanya ang isa pang butiki. Dahil bored ako, Pinagmasdan ko lang sila at tinitigan. "Athena?" mahinang sambit ng isang butiki.

" Nakikita mo ako?" tanong kausap nyang butiki. Nanlaki ang mga mata nya nang makita ang butiking yun. 


"Buhay ka! Nagising ka!" tuwang tuwang sabi nung isang butiki. 


 "Titus, listen to me, hindi ka dapat nandidito. Mabubuhay ka pa." sabi ni Athena butiki.


 "Anong ibig mo---" hindi na natapos ni Titus butiki ang kanyang sasabihin nang mapagtanto nya na...

"Hindi ka pwedeng mamatay, mabubuhay ka pa." nag-aalalang sabi sa kanyan ni Athena butiki. " Tanggap ko na, Athena handa na ako." sabi ni Titus butiki.

"Sigurado ka ba?" tanong ni Athena butiki.

"Oo, handa na akong makasama ka." sagot ni Titus butiki sabay yakap sa isa't isa at kapwa sila nalaglag sa sahig. Tingnan ko silang dalawa at pinagmasdan ko lang sa sahig. Dumating ang isang ipis at iba pang butiki kasama na din ang katropa nilang langgam.

"Titus Hernandez Butiki. time of death, 10:30 am." at nagsimulang malungkot ng ilan. " Athena Garcia Butiki. Time of death, 10:32 am." Hayyyyyyssstttt..... Naiyak tuloy ako sa part na 'yun. Pati mga butiki nadamay sa kabagutan ko.

Naapply ko tuloy yung Stay Awake Agatha by Serialsleeper. Naisip ko kung, paano kaya kung hindi ko magawang maging happy ending ang kwentong ito? Anong mangyayari sa akin?

Nabaling ang tingin ko sa nilabhan kong saya. Patay! Nakalimutan ko na ibalik kay Cecilia yung damit nya. Agad kong kinuha ang nakatiklop nang damit at nilagay sa isang bayong.

Nagpaalam ako kay Mrs Rosa na pupunta lang ako kila Cecilia na ilang metro lang ang layo sa bahay namin. Dinaanan ko ang malawak na taniman ng kape. 


If You're Real ElegiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon