"Binibini......ang aga pa po...." sabi ni Nene habang nasa higaan pa. Bumangon ako upang salubungin ang napakagandang araw. Tumayo ako at nagtungo sa durungawan upang buksan ito. Laking gulat ko nang aking buksan ang bintana ay madilim pa. Pero ayos lang yun.
Agad akong nagtungo sa ibaba upang magsaing at naabutan ko si Ginoong Blythe sa kanyang silid, nagkakape at may binabasang kung anuman sa diyaryo. Napatigil ako nang tawagin niya ako.
"Naalimpungatan?" tanong niya sa akin. "Hindi po, maaga lang nagising. Magsasaing na po ako." sagot ko. "Anong maagang magising? Alas-onse palang ng gabi, magsasaing ka na? Umakyat ka na roon at matulog muli."
Alas-onse palang pala, gosh! Ang aga ko namang nagising. Hayysss... Umakyat nga ako sa aming silid at humiga. Pinipilit kong makatulog pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok.
Napahawak ako sa aking labi at naalala ko kung paano ako hinalikan ni Mateo. Emeygesh! Nekekeleg ang nagbabasa nito. Napatakip ako ng unan at doon sumigaw para di maabala si Nene sa pagtulog.
Ang mga labi niyang dahan-dahan niyang nilapat sa aking mga labi. Naramdaman ko ang kanyang pagmamahal at ako'y napapikit na lamang nang mga sandaling iyon. Siya ang first kiss ko. Ang my beloved fictional character! Napakaswerte ko naman. Dati napapanaginip ko lang 'yun e. Iniimagine tapos mag-isa akong kinikilig sa aking silid. Akala ko dati lasang ink yung labi niya kasi nasa libro siya. Ay hindi, nasa Wattpad siya na ginawang libro.
Nagpagulong-gulong ako sa aking higaan at hindi ko mapigilang hindi kiligin. Nasisipa ko na nga si Nene dahil sa sobrang kilig ko. Napatakip akong muli ng aking ulo gamit ang unan at sumigaw.
Napabangon na lamang ako nang makarinig ng ingay. Pagbangon ko ay nakita ko si Nene na nalaglag sa sahig at iniinda ang sakit ng pagkakahulog. Agad ko siyang inalalayan pabalik ng higaan at bumangon muna ako at umupo sa tumba-tumba. Madilim ang paligid at tanaw mula rito ang karagatan. Malalim na ang gabi at tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa paligid.
Nakakita ako ng lumilipad na alitaptap at ito'y dumapo sa aking kamay. Pinagmasdan ko ito at naalala ang mga sandaling una akong makakita nito sa San Jose. Muli itong lumipad papalayo habang ako nama'y pinagmamasdan siya. Nakamamanghang nilalang, napakaganda rin ng iyong kwento.
Sumagi sa aking isipan ang kahihiyan ko kanina. Haysss habang naaalala ko yun nahihiya ako para sa sarili ko e. Nang halikan kasi ako ni Mateo ay napatigil siya at nagulat nang umiiyak ako. Naapakan niya kasi ang paa ko kaya napapaiyak ako sa sakit. May sugat kasi akong nakuha nung tumakas ako ng San Jose. Antanga ko!
Agad naman niyang tinanggal ang kanyang paa at humingi ng tawad. Kapwa na lang namin dinaan sa pagtawa sa aking nangyari at muli, muli akong niyakap ni Mateo nang napakahigpit.
"Alalahanin mo ang iyong misyon. Kung hindi, alam mo na...."
Kinilabutan ako nang marinig ko ang boses ni Mr ios. Oo nga pala, kailangan ko na nga palang malaman kung anong gusto niyang ending. Pero sino naman kaya yung iba pang bida? Ilan kaya sila? Dalawa? Tatlo? Si Nene at Melvin kaya? Si Lucas at Cecilia kaya? Sino?
-•••-
Hindi na ako nakabalik pa sa aking pagtulog. Maaga akong nagsaing at nagluto ng almusal. Gaya ng inaasahan ay nagulat sila nang magising silang nakapaghanda na ako. Pati ang mga katulong ay nagulat dahil mas nauna ako sa kanilang magising.
"Basta talaga kapag humaharot, maagang nagigising." puna ni Ginoong Blythe. Inirapan ko na lamang siya dahil doon.
"Tila maganda ang iyong gising binibini." sabi ni Nene. Ngumiti na lamang ako. "Hoy!" pagtawag ko kay Ginoong Blythe. "May mga damit ka bang paplantsahin? Ilabas nyo na lahat. Paplaantsahin ko na."
BINABASA MO ANG
If You're Real Elegiac
Historical FictionRemorse and wakes up on the book she dreamed to be summoned. Date Started: February 1, 2020 Date Published: April 9, 2020 Date Finished: July 31, 2020 Date Completed: August 1, 2020 ©All Rights Reserved 2020 -Pahimakas: If You're Real-