Pahina XLIII

141 8 4
                                    

Dedicated to: zeighrian_asymptotic

Pagmulat ko ng aking mata ay nasilayan ko ang dalawang taong nasa magkabilang bahagi ko at tila naghihintay sa aking paggising.

"Mahlabs / Gitara ko!" sabay nilang sabi nang iminulat ko ang aking mga mata. Pinilit kong magsalita kahit na hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako at sumasakit ang tiyan ko. "Huwag ka munang gumalaw, lalo ka lamang mahihirapan." nag-aalalang sabi sa akin ni Mateo. Napatango naman ako.

Nang muli kong iminulat ang aking mata mata ay tuluyan kong nasilayan ang buong silid. Wala sila Mateo at Lucas. Pinagmasdan ko ang silid kung saan ako nananatili, nakabalik na pala kami ng San Jose. Nasa silid na akong muli ni Vionne. Sa wakas at nakabalik na ako sa dati.

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Manang Iza dala ang pagkain. Naramdaman kong masakit pa rin ang syang ko at nakabenda/gasa pa. "Magandang umaga, binibini." ang sabi sa akin ni Manang Iza. "Naaalala mo na ba ako?"

"Syempre naman po. Nagtataka lamang ako sapagkat hindi ko kayo kilala noong nasa San Pascual tayo." sagot niya. Marahil ay dahil naalala na ni Mateo ang lahat kaya pati sila ay naalala na rin ako.

"Anong araw na nga po pala ngayon." tanong ko sa kanya. "Araw ng biyernes, Mayo a-siyete (1897)." sagot niya. Tatlong araw akong tulog? "Kumain na po kayo nang lumakas kayo't gumaling na. Kung hindi po ninyo alam, kayo po'y tinamaan ng bala sa inyong tiyan at si Ginoong Mateo ang umasikaso sa inyo't nagtahi ng inyong sugat." sabi niya sabay alok sa akin ng pagkain.

"Nasaan po sina Lucas at Mateo?" tanong ko sa kanya. "May pinuntahan lamang po silang dalawa kasama si Ginoong Blythe." napatango naman ako. "May bumabagabag lamang sa aking isipan, nais kong sayo ko mismo marinig."

"Ano po iyon, binibini?" tanong sa akin ni Manang Iza.

"Isa ka bang Monteveros?" tanong ko sa kanya.

"Naku, hindi po. Ako po ay isang Montecillo, mula sa mga naunang lahi ng San Jose. Nawala na lamang ang aming apelyido dahil ako na lamang po ang nag-iisang anak at ako po ay isang babae. Ngunit kay Karding ko ipinalagay ang apelyidong iyon nang manatili ang aming apelyido."

"Bakit sinabi ni Carlo o Karding na isa kang Monteveros?" tanong ko sa kanya.

"Dahil po noong nabubuhay pa ang Señor Simon at naririto pa si Heneral Cortez ay ipinagamit nila sa amin ang kanilang apelyido nang manatili kaming malayo at ligtas sa mga Villanueva. Nabanggit ko po noon sa inyo na nais akong patayin ni Donya Dolores kung kaya't humingi ako ng tulong kay Heneral Cortez. Ipinayo niyang Monteveros ang gamitin namin at binigyan niya kami ng pera patungo sa San Diego, San Alfonso at San Lorenzo upang makapagtago mula sa Donya."

"Ano na ang nangyari kay Dante?" tanong ko pa. "Nailibing na po siya at napag-alamang siya mismo ang tumapos sa kanyang sariling buhay. Marahil ay dahil sa sakit na naramdaman buhat nang hindi siya nais pakasalan ni Binibining Cecilia at hindi nito ipinapaako ang kanilang magiging anak."

"Paano mo nalaman na si Dante ang ama ng dinadala ni Cecilia?" tanong ko pa sa kanya.

"Alam ko po noon pa man na nagkikita na sila ng aking unica hija kung kaya't hindi na po kataka-takang siya ang ama niyon. Nakausap ko na po noon tungkol sa bagay na iyon subalit ang aking anak na lamang ang hindi gusto.

Noon pa man ay alam ko nang tapat sa inyo si Ginoong Mateo at kailanman ay hinding-hindi niya magagawa sa inyo ang bagay na iyon. Hindi ko lamang sukat-akalaing darating sa puntong may mamamatay nang dahil sa pag-ibig."

Ngayon, malinaw na sa aking ang lahat. "Magpahinga na po muna kayo, Binibini..." hindi na natapos ni Manang Iza ang kanyang sasabihin nang makarinig kami ng ingay mula sa labas. "DEMONYITANG BINIBINI, YOHOW! LUMABAS KA NA RIYAN!"

If You're Real ElegiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon