Pahina XV

227 16 3
                                    


Pagkatapos naming mag-usap sa kubyerta (deck) ay pumasok na kami sa loob dahil may nakahanda nang pagkain at kami na lang ang hinihintay. Naabutan naming nauna nang kumain si Paz at sarap na sarap sa pagkain. Tumabi ako sa kanya at hinawakan ko ang likod niya. Magana kasi siyang kumain.

"Paz, dahan-dahan hindi ka maaagawan. " napatigil siya sa pagkain at tumingin sa akin.

Nagtawanan naman kaming lahat nang bigla siyang umiyak. Grabe, ang cute cute niya. Antaba ng pisngi niya at may nakadikit pang momo sa pisngi niya. Tinanggal ko naman yun kaagad at pinagmasdan naman siyang kumain.

Naalala ko pa noon, ako pa ang naghahanda ng pagkain ni Note. Lalapit talaga siya sa akin tsaka magpapacute habang hinihila nang dahan-dahan ang tela ng damit ko.

Hahawakan ko muna ang malalambot niyang pisngi bago ako magtungo sa kusina para paghandaan siya. Ipinapangako ko na kahit dito, kahit dito lang talaga, ay mabubuhay ang katulad ni Note.

Hindi ako makakapayag na mamatay siya at matulad sa anak ni Aling Clarita.
Sumabay na rin ako sa pagkain dahil nakakagutom ang pagbabiyahe at hindi pa kami nagtatanghalian.

Habang pinagmamasdan ko silang kumakain, nakita ko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng komunikasyon sa hapag-kainan. Kaya pala, ito ang pinakamahalagang gawain sa isang pamilya.

Masaya kaming nagkukuwentuhan habang si Paz naman ay tila naoOP sa amin.


Breakfast is the most important meal of the day while supper is the most important meal for the family.

Sa umaga kasi, palaging nagmamadali at wala nang masyadong usapan. Sa tanghali naman, nasa trabaho ang magulang, nasa paaralan naman ang anak. Sa hapunan, doon buo dapat ang pamilya. Dapat sama-samang kumakain nang sabay-sabay. Doon dapat nakakapag-open ang isa't isa. Magulang dapat ang nangunguna doon at hindi sumbat, utos at reklamo ang isusubong isyu ng magulang.

Si Mr Blythe naman ay naiwan sa Maynila dahil may aasikasuhin daw muna siya doon kaya kaming apat ang bumiyahe pauwi ng San Jose.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas muna ako para magpahangin. Walang buwan ngayon at tanging kumikinang na mga bituin at planeta ang aking nakikita. Ramdam ko ang paghaplos at pagyakap sa akin ng malamig na simoy ng hanging Habagat.

Madilim ang paligid at tanging ilaw lamang ng barko ang siyang pasimpleng dumadampi sa kapaligiran na pilit na nakikipagtalo sa kadiliman. Nilasap ko ang sariwang hangin at sinulit ko ang mga sandali ng aking pag-iisa.

Dear Mr Ios,

Gusto ko nang magstay dito. Wala naman akong mababalikan na sa real world.

Nangungusap,
Catalina

"Ate Catalina!" cute na sigaw ng munting bata na si Paz. Papatakbo siyang lumapit sa akin habang nakasunod naman sa kanya si Mateo. Nasaan ba kasi si Manang Iza?

Nakakahiya naman kasi halos lahat ng nandito sa kubyerta ay mga lalaki. Dumagdag pa itong dalawa.

Agad kong kinarga si Paz at ipinatong sa patungan ng kamay ng barko. Hindi ko alam kung anong tawag dito basta yung pinapatungan ng kamay.

"Alam mo ba? Ang mga kumukuti-kutitap na liwanag sa langit ay mga tala o bituin gaya nun." sabay turo ng isa sa mga bituin.

"Habang ang mga liwanag na hindi kumukuti-kutitap ay mga planeta."

"Planeta? Ano po yung planeta?" tanong sa akin ni Paz.

"Ang mga planeta ay isang malaking bato o hangin na nagsama-sama at nakabuo ng anyong bola." sagot ko. Balak ko sanang sabihin sa kanya na ang tala ay a celestial body moving in a elliptical orbit around a star . Kaso naalala ko, bata pa siya kaya wag na lang.

If You're Real ElegiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon