KABANATA 018

380 16 0
                                    

018

"This is bullshit, ngayon ka pa talaga nagbiro Khai? Hindi ko alam kung dapat akong matuwa dahil sa biro mo o mainis"


Muli akong tumapat sa harap ng salamin, inayos ko ang aking buhok na tuyo na habang ako ay may ginagawa sa aking sarili ay isang maingay na katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng silid na ito, hindi mawala sa aking isipan ang salitang binitawan ni Khai, malaking biro lang iyon, hindi ba.


I sighed. "Matutulog na ako"


Nagumpisa akong humakbang papanik sa kama pero pagkaupo ko sa dulo ng kama ay hindi pa ako naupo, nakatalikod ako kaya hindi ko alam kung nakatingin siya sakin, gusto ko ng matulog pero may bumubulong sakin na hindi pa dapat at kahit na anong pagligaw sa aking isipan ay hindi mawala ang salita na iyon, may katotohanan ba talaga iyon.


Paano nga kung totoo iyon? Anong dapat ang maging reaksyon ko? Magalit dahil nasayang ang paghihirap ko o baka matuwa kasi I am still his wife, our marriage is still legal. Bakit nakita parin ba yung nararamdaman ko? Mahal ko parin ba siya o baka masaya lang talaga ako.


"Hindi iyon totoo, hindi ba? Nagbibiro ka lang, oo nagbibiro ka lang kasi imposible yon" Humarap ako pero nakaupo parin, nakatayo siya duon sa gilid ng inupuan ko kanina sa harap ng salamin.


Tinitigan ko siya sa mata, nakatitig ako sa kaniya na parang sinasabi ng mata ko na sabihin niyang nagbibiro lang siya dahil walang pagdadalawang isip na paniniwalaan ko siya agad. Lumakad siya hindi papunta sa aking harap kung hindi paupo sa kabilang gilid ng kama, nakatalikod siya na nakayuko, kitang kita ng mata ko ang pagnginginig ng daliri niya tila hindi ito mapakali.


"Khai sabihin mo lang na hindi iyon totoo kasi maniniwala naman agad ako sayo—" Hindi ko natapos ang aking sinasabi ng magsalita siya na nagpabingi sa aking tenga, hindi malakas ang boses niya sa totoo ay mahinahon lang iyon pero rinig at ramdam ko ang kaba.


"Totoo, totoo iyon" I felt like I was going crazy with the answer I got, it was not the answer I wanted to hear from him. "I lied to you, I made you believe something that wasn't true"


"Bakit? bakit mo nagawa yon? Ano apat na buwan mo akong niloko kung hindi ko pa nalaman ngayon baka nagpatuloy parin to" Mga salitang lumabas sa aking bibig. Mahinahon, hindi ako galit, hindi ko din alam kung ayos lang ba na ganito ang maramdaman ko. Immune na nga siguro ako sa sakit na binibigay niya sakin. "Ano kunwari mo lang akong pinalaya ng apat na buwan?"


"I tried to tell you but—" Hindi niya matapos tapos ang kaniyang iasasagot, naghintay ako pero hindi na nasundan iyon.


"Pero ano? Tangina Khai... Bakit ba ang hilig mo na gaguhin ako? Ano ba ako sayo laruan mo?"


I feel betrayed by what Khai did to me. Apat na buwan niya akong pinaniwala pero bakit ganito, hindi ko magawang magalit, ang nararamdaman ko lang ay disappoinment, pati yata emosyon ko ay pinaglalaruan na lang din ako.


Napatingin ako sa kamay ko ng maramdaman ang pagdampi ng palad niya duon, tinitigan ko siya sa mata, kita ko ang napupunong takot sa mata niya, anong dapat niyang katakutan, anong tumatakbo sa isipan niya ngayon, wala akong mabasa kahit na titigan ko na siya.


"I lied to you, I made you believe, what I did was wrong, you can do whatever you want, be angry, yell at me, slap me, you can do anything, just don't leave me, I'm begging you, Zin" Pakikiusap niya. I felt pity, I was hurt seeing him scared, this was the first time I saw Khai like this, he was so scared of losing me.


Funny, I feel joy in my heart now, it's fun when the person you love is afraid of losing you, this is what I wanted to feel before, why did he show it now? Something came to my mind, I seemed to want to know what else he was hiding.


Embracing his Trapped Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon