033
"Hey, Ms Dixon, coming home? Do you want me to take you? Or maybe you have a free, we can go for a walk"
Napatigil ako sa pagbukas ng pinto ng kotse ko ng marinig si Mr Samson. Isa siya sa mga guro na kasama ko na nagtuturo dito sa middle school.
"No" Mahinahon kong pagtangi sa alok niya. Hindi ko na yata mabilang sa sampung daliri ko ang mga pagaalok niya sa'kin ngayon araw, ilang beses ko na siya tinangihan pero ang kulit kulit niya, kung nasa sarili ko lang akong bansa, sinapak ko na ito. "I'm going to pick up my daughter from her friends' house so I'm going to decline your offer, I'll go first, I hope you get home alive, bye Mr Samson"
Padabog kong isinara ang pinto ng kotse ko saka minaneho ito palabas ng school. Susunduin ko na si Ellie sa bahay ng kaibigan niya na si Francine, kahapon kasi ay inihatid ko siya duon dahil invited siya sa birthday ng kaibigan niya, balak ko sana na sunduin siya before 4 pero nakiusap si Mrs Jones sa'kin na ipagpabukas na lang dahil iyon na ang last day ni Francine, iuuwi na raw kasi nila ito sa Philippines para duon tapusin ang primary school life nito.
"Ms Dixon" Pagbaba ko ng kotse ay sumalubong sa akin ang Mommy ni Francine si Mrs Jones. Isa siyang full blooded Filipina habang ang asawa niya ay isang Norwegian. "Nasa loob si Ellie kasama si Francine, tuloy ka muna"
"Uh, hindi na" Pagtangi ko. "Kunin ko na lang si Ellie, may pupuntahan pa kasi ako, sa susunod na lang, uuwi ka pa rin naman dito, diba?"
"Oo, pero matatagal kasi duon sa pilipinas ko pagtatapusin ng pagaaral si Ellie, kung hindi lang kasi kailangan ay gusto ko sana dito na lang pero wala, kailangan ko umuwi, hindi ko naman pwede iwanan si Ellie at ang asawa ko dito baka kung anong mangyari, matitigas pa naman ang ulo ng dalawa na iyon" Natatawang sabi niya kaya ay sinabayan ko siya.
Kilalang kilala ko na ang pamilya nila Mrs Jones, sa 9 years ay nakasama ko sila kay alam ko na ang sinasabi ni Mrs Jones ay totoo.
"Tita Mommy" Napangiti ako ng makita si Ellie na kumakaway na tumatakbo papalapit sakin.
"Honey" Pumantay ako sa height niya para mayakap siya. "Oh, did you borrow these pajamas from Francine?"
She nodded. "Yes, my clothes got dirty while Francine and I were eating in her bed and Tita Mommy, I broke Francine's sister's phone"
Nanlaki ang mata ko sa inamin ni Ellie, kita ko sa mata niya ang takot. Tumayo kaagad ako para kunin ang bag ko sa car, babayaran ko na lang ang phone na nasira ni Ellie kesa naman magalit pa sila kay Ellie.
"Mrs Jones, pasensya na sa nangyari, hindi ko alam pano nasira ni Ellie iyon pero babayaran ko na lang, magkano ba yung phone?" Tanong ko ng mailabas ang wallet ko.
"Ano ka ba Ms Dixon, okay lang yun saka yung phone na iyon ay luma na rin naman, ginagawa na lang laruan ni Francine, hindi na kailangan ng bayad bayad na iyan" Nakahinga ako ng malalim dahil duon. "Uh, may ibibigay nga pa lang ako sayo, kahapon ko sana ibibigay kayo umalis ka kaagad pagkahatid mo kay Ellie"
Nagmamadali na tumakbo si Mrs Jones papasok sa bahay niya, hinintay ko naman ito para kunin ang ibibigay niya at habang wala ito ay natuon ang pakikinig ko sa usapan nila Ellie at Francine sa aking gilid.
"Ellie, I will miss you, I'll be leaving later, I'll be studying in the Philippines, we won't be able to play and see each other anymore because we're in different countries" Malungkot na pagkasabi ni Francine kay Ellie na nalulungkot din.
Bigla ko na lang tuloy naalala ang tatlo kong matalik na kaibigan sa pilipinas hangang ngayon ay wala pa rin akong contact sa kanila, hindi ko man lang nasabi sa kanila na aalis ako at wala ng balak na bumalik, biglaan ang nagyari at isa iyon sa pinagsisisihan ko, bigla na lang akong nawalan ng mga kaibigan na kasama ko mula nuon pa.
BINABASA MO ANG
Embracing his Trapped
RomanceCrazina Brae Dixon, she just wants to have a good married life with the only man she ever loved, she is ready to give everything for this man but does this man deserve her love. Photo is from Pinterest, credits to the rightful owner