KABANATA 037

273 9 2
                                    

037

"Bakit? Pano? Khai, I abandoned you, I left you without explaining to you the reason and then I'm here in front of you now and I'm still not explaining everything to you. Mahal mo parin ako matapos kitang iwanan?"


Naguguluhan ako sa mga salita na binitawan ni Khai, sa lumipas na taon, paanong hindi nabago iyon, dapat kinasusuklaman niya ako, dapat ay magalit siya sa'kin, iyon ang dapat na matangap kong emosyon mula sa kaniya, hindi ganito, hindi ito.


"Hindi kita hinihingian ng paliwanag, masaya ako na nasa harapan kita, masaya ako na sa tagal ng panahon nahawakan na ulit kita, wala na akong pakialam sa nangyari nuon" His voice broke. Hindi ko alam pano magsasalita sa narinig ko. Sa sampong taon na lumipas, inisip ko na galit ang nararamdaman niya sa'kin. "Mahal kita, mahal na mahal"


Ang mata ko ay nanlabo ng mapuno ito ng luha na nagbabadyang tumulo. "Hindi pwede"


"W-why?" Humawak siya sa aking kamay, naguguluhan ang ekspresyon ng kaniyang mukha dahil sa aking sinagot. "Bakit hindi pwede? May iba na ba? Crazina, sino? Mahal mo siya?"


Sa hindi katagalan ang luha na napuno sa aking mata ay tumulo, hindi ko alam pano siya itutulak palayo sa'kin. Nakatingin ako sa mata niya na puno ng kalungkutan, katakahan.


Umiling-iling ako. "Walang iba... Hindi pwede kasi baka maulit lahat, pano pag-iniwan ulit kita? Pano kung lahat ng nangyari nuon, mangyari ulit kung papasukin natin buhay ng isat-isa. Khai, hindi ko na kayang malungkot, pagod na ako"


"That will never happen again" He said kasabay ng pagayos niya sa strand ng buhok ko papasok sa likod ng aking tenga. Humaharang iyon sa aking mukha.


"Pano ka nakakasigurado? Nakikita mo ba yung future?" Sarkastikong tanong ko pero seryoso ako dahil walang kasiguraduhan iyon, hindi namin pareho na alam kung anong mangyayari sa aming hinaharap.


"Sigurado ako" He touch both of my cheeks, our eyes were looking at each other. "Gagawin ko ang lahat, papatunayan ko sayo ang sarili ko, now stop crying, others think I made you cry"


"Totoo naman, pinaiyak mo talaga ako" Rekalmo ko.


"Yeah, it's my fault, I made you cry, stop crying, ganda ganda mo pa naman pag hindi ka umiiyak, ganda mo talaga" Tila nangaasar na sabi niya dahilan para hampasin ko siya. "Chill, totoo, ang ganda mo"


"Alam ko" Gatong ko. "Tara na nga, nagugutom na ako, ano ba binili mo? Pumila kaba? Bilis ko kasi dumating, wala man lang 30 minutes"


We sat facing each other on the bench, between us were the foods he bought at Jollibee inside the mall, including soft drinks and cold water, I took another plastic bag, inside was junk food and chocolates.


"May gagawin kaba tomorrow?" Tanong niya habang binubuksan ang water bottle para makainom. Nang mabuksan niya iyon ay akala ko iinumin niya na ngunit inilagay niya iyon sa aking tabi saka niya kinuha ang isa lang water bottle, binuksan iyon at iyon ang ininuman.


I swallowed what I was eating before answering his question. "Wala, sa bahay lang siguro ako bukas, bakit mo natanong?"


"Nothing" Nagtaka ako sa sagot niya pero hindi ko na naitanong dahil nasundan kaagad iyon ng mga bagong usapan hangang sa umabot kami ng kay tagal dahil duon.


Hindi ko alam kung anong oras na, nalobat kasi ang phone ko dahil sa kakaupdate ng social media ko, ito kasing si Khai, gusto niya ilagay ko siya sa update ko kaya ginawa ko na lang ganuon din naman ang ginawa niya sa'kin, kung hindi ko pa nakita ay hindi ko pa malalaman.


Embracing his Trapped Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon