038
"Zin baba na, mahuhuli na tayo sa klase baka magalit nanaman si Sir Maliano sayo"
Paulit ulit ko na siyang pinakiusapan na bumaba ng puno dahil mahuhuli na kami sa klase pero ayaw niyang makinig, nagbibingibingian siya at wala akong magawa kung hindi paulit ulit na paki-usapan siya.
"Huwag ka nga kj, samahan mo kaya ako dito, ang lamig lamig, ang saya kesa diyan sa baba saka huwag ka mag-alala kay Sir Maliano, hayaan mo siya na magalit" Sagot niya saka tumawa ng maligalig. Kahit kailan ay wala siyang pakealam sa mga tao na gusto lang mapabuti siya.
Madalas lang siyang pagtuunan ng galit ni Sir Maliano dahil sa pagiging pasaway niya, ilang ulit na pinatawag ang magulang niya pero hindi niya ginagawa, sinubukan siyang puntahan ni Mr nuon sa bahay nila pero niligaw niya ito.
"Tara na" Yaya ko dahil kung hindi pa siya bababa ay baka pati ako ay mahuli na sa unang klase ko, may new lesson pa naman baka mahuli ako kung hindi ko sisiputin ang unang klase baka maging epekto pa iyon para bumaba ang grade ko sa subject na yon. "Magdahan-dahan ka"
Masama niya akong tinitigan ng makababa siya, inabot ko naman ang bag niya na kanina ko pa bitbit mula ng umalis kami ng bahay. "Sobrang panira ka ng kasiyahan ng ibang tao, nakakainis pero dahil gwapo ka naman ay mag-sorry ka lang at patatawarin kita"
"Pero wala naman akong ginawang mali" Sagot ko kaya nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
She rolled her eyes. "Pasalamat ka talaga at may itsura ka, oh bitbitin mo bag ko" Inihagis niya sakin iyon na sinalo ko.
Pagkarating namin sa school ay hinatid ko muna siya sa room niya bago tumungo sa room ko na nasa pangatlong palapag pa. Isa isa ng iniabot sa amin ang mga paper para sa quiz about sa lesson kahapon at ngayon, biglaan ito kaya parang ang hirap.
"Anong score mo, Khai?" Kumalabit si Reghan sa akin. Nilingon ko siya saka ipinakita ang score ko na hindi ganuon kataas. "Ayos uh 21/30, mabuti ka pa, tignan mo nakuha ko 5/30 multiple choice pa yan"
Parehas na nagtawanan ang mga katabi namin ng marinig ang scores ni Reghan at dahil pikon siya ay pinaglaban niya pa iyon, sobrang nag-ingay sila kaya natuon ang atensyon ni Ms Flor sa kanila at isa isa na binawasan ng puntos ang mga score nila dahilan para lumugmok ang buong araw ni Reghan.
"5 na nga, ginawa pang 4"
Pagtapos ng klase ay nagsabay na kami ni Zin, hindi pa kami dumeretso sa pag-uwi dahil gusto niya na bisitahin ang puntod ng Lolo niya sa malapit na sementeryo. Nilagay niya sa puntod ang pinitas niyang bulaklak nung patungo kami dito.
"Hi Lolo, naalala niyo pa ba itong kasama ko? Si Khai, siya madalas kong isama dito dahil sila Mommy at Daddy ay laging busy, wala na nga silang oras na sabayan akong mag almusal o ihatid man lang sa school pero ayos lang kasi nandito naman si Khai" Kwento niya sa puntod ng Lolo niya.
Ganito ang laging eksena namin sa tuwing magkasama na dumadalawa dito pero ngayon ay kakaiba siya, sobrang lungkot niya na ngayon ko lang napansin dahil okyupado ang utak ko mula ng lumabas kami ng school.
"Dalawin niyo nga po sila sa panaginip, nakakainis kasi, nung isang araw nangako sila na ang buong oras ng weekend nila ay para sa family bonding namin pero hindi nila tinupad, sabi din ni Daddy na tuturuan niya ako mag bisekleta pero busy na daw siya kaya kay Yaya Madel na lang daw, i hate them" Paglalabas niya ng sama ng loob.
Nagugulat ako sa lumalabas sa bibig niya pero wala akong magawa dahil baka magalit siya at malaman nila Mommy at maulit ang nangyari nuon.
"Ba-bye Lolo" Paalam niya bago kami sabay na umalis duon. "Khai, tutal ikaw na lang ang lagi na nasa tabi ko baka gusto mo ng pumayag sa kasal natin"
BINABASA MO ANG
Embracing his Trapped
RomansaCrazina Brae Dixon, she just wants to have a good married life with the only man she ever loved, she is ready to give everything for this man but does this man deserve her love. Photo is from Pinterest, credits to the rightful owner