023
"Mom, pwede huminahon ka? Ayos lang ako, walang masamang nangyari sakin, hindi ako na kidnap or kahit ano, nag bakasyon lang ako sa isang Isla dito din sa pilipinas"
Pagpapaliwag ko sa aking Ina na kanina pa iyak ng iyak ng makita ako. Hindi ko akalain na sobra silang magaalala. Inabutan ni Daddy si Mommy ng tissue dahil grabe ang tulo ng iyak nito, inakala daw kasi niya patay na ako o di kaya nadukot ako ng sondikato, tilq kidnapped nga daw, totoo naman kasi na nakidnap ako pero iyom yung kidnap na hindi ko ikakasama, ang saya nga kung tutuusin.
She wiped her tear. "Kung nag bakasyon ka lang bakit hindi mo man lang nagawa na tawagan kami ng Daddy mo? Iyon ba ang bakasyon na iyong sinasab, parang tinakwil mo kami ng mahigit isang buwan"
Napailing-iling ako. Hindi talaga niya tangap na iyon ang rason ko. Kung pwede lang kasi sana ako tumawag o di kaya may sarili akong phone duon ay natawagan ko na siya pero wala, ano ang aking magagawa? Wala.
"Gusto ko kasi ng peaceful na bakasyon. Tanda niyo pa ba nung nag bakasyon ako sa Japan, hindi ba kada isang oras tawag kayo ng tawag, sige nga pano ko matatawag na peaceful vacation iyon kung kada isang oras tatawag kayo" Pagrarason ko para lang mapatigil siya sa pag-iyak.
"Bakit kasi hindi ka na lang umamin na nasa Isla ka kasama ang asawa mo" Sabay kaming napatingin ni Mommy kay Daddy ng bigla itong magsalita mula sa kinauupuan niya. Relax na relax pa ito habang umiinom ng coffee na mainit init pa sa harapan niya. "Hindi ba, iyon ang totoo?"
Tila wala lang kay Daddy pagtapos niya na sabihin iyon. Dahan dahan na tumingin sakin si Mommy at sobrang sama iyon tila maglalabas siya ng apoy galing sa bunganga niya ilang saglit lang at ako na takot at dahan dahan na lumapit sa likuran ni Daddy para siya ang mahampas ni Mommy pero hindi ako nakatakas dahil sa bilis ng kamay ni Mommy, naabot niya ang buhok ko.
"Peaceful Vacation pala ang gusto mo uh, sa langit mo ituloy iya" Malalakas na palo ang aking natangap mula sa aking Ina at kahit anong gawin kong tago sa katawan ni Daddy ay hindi ko iyon maiwasan. "Hindi ka talaga nadadala, baliw na baliw ka sa lalaki na iyan, mababaliw ka talaga sakin, pag nabugbug kita"
"Mom, stop, aray!" Kahit anong sigaw ko ay ayaw akong tigilan ng nanay ko, sobra nga siguro ang aking ginagawa, ramdam na ramdam ko iyon sa galit niyang kamay na tumatama sa katawan ko.
Daddy sighed. "Anne tigilan mo na iyan" Si Mom na ayaw paawat kanina ay tumigil pero ang sama parin ng tingin sakin. "Tara na, nakahanda na ang pagkain, sumunod na kayo"
Tumayo si Daddy para pumunta sa Dinning pero bago pa ito makaupo sa upuan ay sinigawan siya ni Mommy, ang lahat ng galit na kanina ay sakin nakatuon ay nalipat kay Daddy na handa ng kumain.
"Ikaw, isa ka pa" Turo niya kay Daddy ng maupo siya. "Alam mo na pa lang nasa Isla, kung saan man Isla iyon ay hindi mo pa sinabi sakin, alam mo naman at kita na sobra akong nag-aalala tapos ikaw itatago mo lang"
Nanahimik na lang si Daddy, ayaw niya sumagot, ayaw lang talaga niya na maingay, naupo narin ako malapit kay Daddy sa gilid, kaharap ko si Mommy na sumasandok na ng kanina. Bagong luto ang lahat ng nandito sa table, late na akong naka dating dito sa bahay at ngayon pa lang sila kakain, saan na nag pupunta ito magulang ko.
Pagtapos ko kumain ay hindi muna ako dumeretso sa kwarto ko miski ay lumabas ako ng bahay, gusto ko lang muna magpahangin sa kubo malapit sa fond sa yard. Dala dala ko ang isang mangkok ng mani at beer can ng pumunta ako sa kubo, inilapag ko sa lamesa ang aking dala.
Pagkaupo ko ay binuksan na agad ang beer na dala dala ko, pagkainom ko ay sobrang nilamig ang lalamunan ko. Kahit papaano ay komportable dito sa kubo pero iba parin talaga yung sa Isla, nasanay kasi ako na pag gusto kong mag relax o di kaya, hindi ako makatulog ay maglalakad lakad ako sa dalampasigan.
BINABASA MO ANG
Embracing his Trapped
Storie d'amoreCrazina Brae Dixon, she just wants to have a good married life with the only man she ever loved, she is ready to give everything for this man but does this man deserve her love. Photo is from Pinterest, credits to the rightful owner