KABANATA 08

738 31 2
                                    

008

"Mukhang maganda ang mood mo ngayon Ma'am Crazina Uh"


Napatigil ako sa pagchecheck, lumingon ako sa aking gilid kung saan ng galing ang boses, ngisi na nakatitig sakin si Telih na isa ding guro na dito rin nagtuturo. Nakasalumbaba siyang nakatitig sa aking mukha.


Ibinaba ko ang ballpen na hawak ko saka inikot ang upuan ko paharap sa kaniya, ginawa niya din ang ginawa ko at mukhang maguumpisa na siya na mag kwento sa mga nangyayari sa paligid niya.


"Sige sabihin mo na ang ikukwento mo, ginamit mo pa mood ko" Inirap ko siya pero hindi sa masama. Tumayo siya at lumakad papunta sa aking harap, may isang table pa kasi sa pagitan namin, table ni Yva pero wala si Yva dito may klase pa siya.


"Wala akong chismis today, gusto ko lang malaman kung saan mo balak na magbakasyon" Pang-aalam niya.


Ilang buwan na din pala, ang bilis ng panahon, apat na araw nalang ay matatapos ng ang klase at bakasyon na, hindi ko pa iniisip kung saan ako magbabakasyon, nuon kasi ay sa pinsan ko ako sa cebu pero ngayon ay wala na siya duon, nandito na din siya sa manila kasama yung fiance niya.


"Wala pa akong naiisip na lugar, Ikaw ba?" Balik na tanong ko. Sigurado ako na may Lugar na siyang napili, hilig niya pa naman na mamasyal.


She signed. "Ask mo kaya Husband—"


Napatigil si Telih sa sinasabi niya, I think she realized something. Matalik kong kaibigan si Telih, nasabi ko na din sa kaniya na hiwalay na kami ni Khai. Matapos kong ma file sa court ang diborsyo namin ay nawalan na ako ng komonikasyon kay Khai pero sa family niya ay meron parin dahil hindi pa nila alam pati parents ko ay hindi alam.


Wala ng bisa ang kasal namin ni Khai, ilang buwan narin pero ang may alam lang ay ang matatalik kong kaibigan at kaibigan niya, hindi namin masabi sa pamilya namin pareho dahil hindi namin alam paano ipapaliwanag sa kanila lalo na sa lolo ni Khai at sa Lola at Lolo ko.


Hindi man maayos ang relasyon ng Ex Husband ko na si Khai sa magulang ko ay iba sa Lolo at Lola ko, gustong gusto nila si Khai para sakin, tinuring na nilang sariling apo si Khai at ganun din si Khai sa kanila, tinuring niyang Lolo at Lola sila, sigurado ako pag nalaman nila ang huwalayan namin ay madidismaya at malulungkot sila ng sobra.


"Sorry Zin, hindi ko sinasadyang sabihin iyon, patawarin mo ang wala kong prenong bibig, sorry sorring sobra" Paulit ulit na humingi ng tawad si Telih sakin pero wala naman sakin iyon.


Kung nahihirapan silang alahanin na hiwalay na kami ni Khai ay ganuon din ako. Kung minsan ay babangon ako sa umaga na hinahanap si Khai at litrato nalang namin ang nakikita ko, hindi naman kasi ganon kadali mawala ang pagmamahal ko sa kaniya, matagal ko itong dala dala para itong tattoo na mahirap burahin, pwede siyang mawala pero masakit.


I picked up the ballpen and continued checking the paper. "Ano kaba Telih, wala iyon, hindi mo kailangan humingi ng tawad para saan pa na magkaibigan tayo"


"Uhmmm, ang bait bait mo talaga Zin kaya mahal na mahal kita" Mahigpit ako ng niyakap niya.


"Halur aking mga Amiga, look who's here" Parampa na naglakad si Yva papunta sa harap namin ni Telih, may maarte itong galaw ng maupo. "So ito na nga kaya ako nandito para sana yayain kayo"


Nagtinginan kami ni Telih at sabay na umiling, hindi ko na tinuon ang aking atensyon Kay Yva dahil chismis lang naman ang sasabihin niya habang si Telih naman ay naglakad pabalik sa table niya, pag-upo niya ay sakto na dumating si Rose.


Embracing his Trapped Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon