KABANATA 024

308 12 1
                                    

024

"Did you really visit me? Are you real? Can I squeeze your cheek or can I just kiss you on your lips?"


Gulat na gulat si Khai ng makapasok ako sa loob ng opisina niya, napagkamalan niya pa akong si Secretary Josephine, kung hindi ako nagsalita ay baka nag titimpla na ako ng kape tulad ng kaniyang inuutos sa akin kanina.


"Mukha ba akong card board? Nasobraban ka yata sa pag imihinasyon" Pangaasar ko. Naupo ako sa chair sa may harap ng table niya. "Saka anong kiss sa lips, gusto mo tadyakan kita"


He Pouted. "Argg" Tumayo siya, sinundan ko ang pagalis niya sa kinauupuan niya, tumingala ako ng huminto siya sa harapan ko at ganuon na lang ang aking pagkagulat ng bigla niya akong kargahin at paupuin sa lamesa, ang kamay niya ay nakahawak sa aking bewang dahil sa gulat ko ay hindi ako maka pag react. "There is something wrong with your face now"


kabado akong napahawak sa aking mukha, takot na baka nabura ang isang oras na make up na nilagay ko, hindi pwede, ang hirap gawin niyon at minsam lang ako magsuot ng make up, bakit kailangan pa magkaganito, for sure dahil ito sa pagbilad ko sa traffic kanina, ang init kasi ng panahon kahit na hapon na tapos ilang oras din akong na stuck sa traffic.


I suddenly felt so shy that I couldn't look into his eyes. "Uh, ano, sobrang init kasi ng panahon ng umalis ako ng bahay, na stuck ako sa traffic, ano sobra akong napawisan—"


"Ang ganda mo" I suddenly felt so shy that I couldn't look into his eyes. "Ang ganda ganda ng asawa mo" He squeezed my cheek.


I pointed myself. "A-ako maganda?" Paninigurado ko. Tila ako ay nabingi ng ilang segundo dahil sa papuri na iyon, I assumed that he would say that my face is ugly because the make up is gone.


Tumango tango siya. "Sobra, ang ganda, ang bango, ang sexy, ang talino at ang bait bait. Uh, sobrang perfect naman nito" Tinapik tapik niya ang chin ko. Sinubukan ko na pigilan ang ngiti na pinipigilan kong ilabas pero hindi ko kinaya kaya tumingin ako sa gilid at pasimple na napangiti, hindi ko alam kung napansin niya iyon pero mukhang oo dahil titig na titig siya.


"Tigilan mo nga ako, alam ko naman na maganda, mabango, matalino, mabait at sexy ako, no need to compliment na" Ani ko sabay irap sa kaniya at napataas ang kilay ko ng tumawa siya pero mahina lang. "Anong nakakatawa?"


"What a confident woman" Kumindat siya sabay karga sakin. Ang inakala ko ay iuupo niya ako sa sofa sa gilid pero ay direksyon na nilakaran niya ay palabas ng opisina niya, sa takot ko na baka may mga empleado niya na makakita samin at nag pumiglas ako pero ayaw niya akong bitawan.


"Sir, ito nga po pala yung" Dahan dahan akong napalingon sa likuran ko ng may marinig na boses ng babae, ang mata namin ay nagkasalubong kaya isiniksik ko ang ulo ko sa leeg ni Khai na nakangisi. "Y-yung paper po"


Katahimikan ang bumalot, walang nagsasalita, hindi ko magawang makatingin sa babae sa aking likuran dahil sa kahihiyan, tinapik tapik ko ang braso ni Khai para mag react ito dahil hindi ko na matagalan ang nakakabinging katahimikan na ito.


"Gosh, bakit ko kinakausap ang sarili ko, uh, baliw na ako, akala ko may tao dito, nasan kaya si Sir, need ko pa naman ng pirma niya. Nevermind may bukas pa naman, oo, bukas" Narinig ko ang takong ng babae na paatras. Lumingon ako sa kaniya at papaatras na siya. "Nasaan na kaya si Sir"


Lumabas ang babae na parang wala itong nakita kanikanina lang. Pumiglas ako sa pagkarga sa akin ni Khai at maayos naman akong nakababa, inayos ko ang aking suot, taas nuo na tumayo at binuksan ang pinto, nauna akong lumabas ng opisina, sa paghakbang ko ay rinig ko ang hakbang ni Khai sa aking likod.


Embracing his Trapped Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon