KABANATA 034

238 10 1
                                    

034

"Crazina! Ellie! Honey, dito, nandito ako! Here, Ellie! Darling"


Napasapok ako sa nuo ko ng makita si Elias na kumakaway kaway samin, hindi ko alam kung matatawa ako sa itsura niya, may pa banner pa kasi siyang hawak at ang lakas lakas pa ng boses niya kaya agaw atensyon sa ibang nadadaan sa paligid.


"Daddy!" Sigaw ni Ellie ng makalapit kami kay Elias. Masayang masaya ang mag-ama habang yakap ang isat isa. Kinuha ko ang camera ko sa bag saka sila kinuhanan ng litrato ng hindi nila alam, dinampot ko na din ang banner dahil nabitawan iyon ni Elias sa tuwa saka ko tinupi.


Paglabas namin kanina sa Airport ay kumain muna kami sa isang resto, tuwang tuwa si Ellie sa mga pilipino food na nakahain, ganuon din naman si Elias, nakangiti habang pinapanood ang anak na masayang masaya. Nang natapos kaming kumain ay tulog na tulog na si Ellie dahil sa pagod.


"Ihatid na kita, huwag ka na mag commute" Yaya ni Elias ng maisakay niya ang tulog na tulog na si Ellie sa sasakyan.


"Hindi na, okay lang talaga saka malayo pa ang babyahiin mo kung ihahatid mo ako, unahin mo na si Ellie, mahaba haba yung byahe namin kaya pagod na pagod yan" Saad ko


Bumuntong hininga si Elias ng hindi ako mapilit, bago siya sumakay ng kotse ay nagpaalam na siya muna, pinanood ko lang ang sasakyan niya na lumalayo sa kinaruruonan ko. Nang mawala na ito ay nagpara na ako ng taxi para makauwi sa bahay ng parents ko, panigurado tulog na ang mga iyon.


"Saglit lang, sino ba nag dodorbell ng ganitong oras?" Inis na sabi ni Ate Tessy habang naglalakad palapit sa gate para pagbuksan ako. "Sino ba iyan? Wooo! Ma'am!?"


"Surprised" Gulat na gulat siya ng makita ang ako ng mabuksan niya ang pinto ng gate. "Sila Daddy at Mommy? Tulog na sila?"


"Ma'am?! Ikaw ba talaga iyan?" Hindi pa rin siya pakapaniwala na nasa harapan niya ako. Natawa na lang ako at pumasok sa loob, hila hila ko ang lounge ko at bitbit ko rin ang bag ko. "Ma'am, ako na diyan"


Kinuha niya ang lounge ko para tulungan ako, hindi ko na inabot ang bag ko dahil kaya ko naman na buhatin ito, nakalagay lang naman ang passport at nga important things ko dito sa loob kaya walang gaanong bigat.


Pagpasok namin sa loob ng bahay ay nagulat ako, walang nagbago sa desenyo at pagkakaayos ng mga gamit ng huling apak ko dito, sampung taon pero walang nagbago sa mismong bahay ng akin magulang, sa bahay kaya namin ni Khai? Agad ko na hinampas ang nuo ko ng dumaan ang tanong na iyon sa aking isipan.


"Bakit ko iniisip iyon?" Tanong ko sa sarili ko.


"Po? May sinasabi po kayo Ma'am?" Lumingon ako sa gilid ko kung nasan si Ate Tessy.


Lumakad ako patungo sa sofa, inilapag ko ang bag ko sa lamesa saka naupo. "Uh? Ang sabi ko, pakihanda na yung kwarto ko sa taas, matutulog na rin ako, pagod kasi ako, ang layo kasi ng byahe pauwi ng pinas" I awkwardly laugh.


Tumago siya at sinunod ang utos ko. Nang maiwan ako magisa ay kinuha ko ang bag ko para bukas ang social media account ko na matagal kong hindi nagamit dahil inilayo ko ang sarili ko sa pwedeng magduktong sa amin ni Khai, hindi ko gustong gawin iyon nuon pero iyon ang maganda para makalimutan siya, masaya na kasi siya, buwan lang ang lumipas.


"The hell?" Pagbukas ko ng facebook account ko ay nataranta ako sa sunod sunod na tunog ng notification dahil sa mga message, tags na galing sa ibat ibang tao pero nakakuha ng atensyon ko ay ang gc namin nila Yva na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin. "Missing our best friend Crazina"


Embracing his Trapped Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon