039
"Nagsisi ako na pinakasalan ko ang isang katulad mo"
Hingal na hingal ako ng mabuksan ko ang aking mata, napupuno ng pawis ang buong katawan ko, paulit ulit na bangungot pa rin, hindi na natapos.
Sampung taon na ang nakalipas, paulit ulit parin akong dinadalaw ng parehong bangungot na iyon. Hindi ko alam pano alisin sa utak ko iyon pero alam ko na kaya meron akong ganuon dahil sa hindi ko parin maalis sa isipan ko ang babaeng nawala na lang ng parang bula sa buhay ko.
Ang asawa ko.
"Kailangan na ba kitang dalhin sa hospital dahil sa sobrang pamamawis ng buong katawan mo kahit na sobrang lamig naman ng buong sulok ng silid na ito?" Napalingon ako sa may pinto ng banyo ko ng marinig ang pamilyar na boses duon.
"Anong ginagawa mo dito?" Bumangon ako sa pagkakahiga saka binalot ng puting tuwalya ang bewang ko. Sa sobrang pagod ko kagabi ay hindi ko na nabihisan ang sarili ko matapos maligo.
Sumunod siya sa'kin ng lumabas ako ng aking madilim na silid. Dumeretso ako sa harapan ng fridge para kumuha ng malamig na tubig para mahimasmasan, sobrang dilim ng condo ko parang walang buhay na nakatira.
"Paulit ulit lang naman na nag c-cycle ang schedule ko dahil sayo, napapraning ako dahil sa pagiging loner mo sa lumipas na taon" Nasilaw ako ng isa isa niyang buksan ang mga kurtina na humaharang sa liwanag papasok. "Magbago ka na pwede? Wala parin bang katiting na progress, nasan na yung Khai, 10 year's ago?"
Natahimik lang ako. Simpleng tanong lang iyon pero wala akong maisagot, nasan na nga ba ang dating ako? Parang nawala ko na ang sarili ko, nalamon na ako ng kalungkutan na hindi ko malabasan kahit na ano pang gawin ko.
"Hindi niyo naman kailangan mapraning sa nangyayari sa buhay ko" Isinandal ko ang likuran ko sa sofa. "Buhay pa ako kahit na sampung taon na akong nasa parehong posisyon, hindi pa ba sapat iyon?"
Padabog siyang naupo. "Buhay ka nga hindi ka naman masaya. Looked concerned lang kaming lahat sayo"
"Edi thankyou" Sarkastikong sagot ko. Gusto ko na lang maidlip ng buong araw, halos lagi na lang akong pagod, kahit anong pahinga ang gawin ko, walang parin akong siglang nararamdaman. Nawala kasi yung sandalan ko.
"Seryoso ako. Lahat kami ay nagaalala na sayo, nakikita mo ba ang sarili mo sa salamin?" Tunog na nagaalala siya na may kaunting panlalait. "Hindi ako nanlalait, I'm just telling the truth"
I stood up and scratched my body. I looked at her with a smirk. "thank you because I have a friend like you, don't worry, I will try to go back to the way I used to be but maybe it would be better if the person I lean on also comes back"
"Uh?"
Tinapik ko ang braso niya bago lumakad patungo sa silid ko. May schedule ako kay Mariana ngayon at sa anak niya na si Brylle, late na ako sa tamang oras na dapat kaming magkita kaya kailangan ko na talaga siyang puntahan duon.
"Nasan ka na ba!? Kanina pa kita hinihintay dito sa Kids Park! Huwag mo sabihin na idi- ditched mo ulit ako?"
Rinding rindi ang tenga ko sa mga sigaw ni Mariana. Nangako ako sa kaniya week ago na sasamahan ko siyang alagaan si Brylle dahil hindi niya ito matutuonan ng atensyon kaya kailangan niya ng sasama na pwedeng alagaan ang anak niya.
"Nandito na ako sa street patungo diyan, huwag mo akong minamadali, dadaan pa ako sa cafe para bumili ng coffee, hindi pa ako nag uumagahan" Sagot ko sa kaniya dahilan para huminahon siya.
BINABASA MO ANG
Embracing his Trapped
RomanceCrazina Brae Dixon, she just wants to have a good married life with the only man she ever loved, she is ready to give everything for this man but does this man deserve her love. Photo is from Pinterest, credits to the rightful owner