027
"Welcome Back, Crazina!"
Nakakabinging tawanan ang sumalubong sa akin pagkabukas ko ng pinto, sabay sabay na nahulog sa uluhan ko ang mga makukulay at maliliit na papel galing sa party pooper's na pinasabog ni Rose, sabay sabay silang nagsilapit sa akin at pinaliguan ang mukha ko ng mga halik saka binigyan ako ng mainit at mahigpit na yakap.
Halos matumba na ako dahil sa kalikutan nilang tatko habang yakap yakap ako, hindi ko maibalik ang yakap dahil parehong kamay ko ay may hawak na paper bag sa loob ay mga pagkain na binili ko bago tumungo dito sa Bahay ni Rose, hindi ko alam pano napilit ng dalawa na ito na dito sa bahay ni Rose gawin ang celebration na ito.
"Namiss ka namin, sobra" Paguumpisa ni Telih ng tumungo kami sa sofa. Si Yva na ang kumuha ng paper bag na dala ko at isa isang inalis ang nasa loob niya, pagkaupo ko ay duon ko napansin ang sobrang kulay ng paligid, ang daming balloons sa sahig at may welcome letter balloons na nakadikit pa sa wall.
"Grabe effort niyo, welcome celebration lang naman ito" Sabi ko dahil hindi ko expected na ganito nila ako sasalubungin, kanina pa lang sa bahay ay magtataka na ako dahil himbis na sa labas na lang kami kumain ay pinapunta pa nila ako dito sa bahay ni Rose.
"Anong grabe? Konti pa nga lang ito, mabilisan lang kasi yung preparation, ito kasing si Yva, late nagsasabi, mabuti na lang nasa mood si Rose kaya nagamit natin bahay niya" Sagot ni Telih kasabay ng pagtapik sa binti ni Rose na nasa tabi niya. "So, kumusta experience sa Island?"
"Honestly, I like it there, it's quiet, happy and the people there are kind at saka may nakilala ako na tao duon na naging kaibigan ko na din, enemy at first" Kwento ko. Bigla ko na lang naalala sila Nadia at Bianca, kung magkikita kami ulit ay ipapakilala ko sila kila Telih, Yva at Rose, they can also be friends.
"That's a good experience pero bakit wala ka man lang pasabi? Nananakot ka" Inis na sabi ni Yva habang isa isang nilalagyan ng coke ang apat na baso sa table. "Akala ko na kidnap ka tapos makikita ko na lang text ni Tito Hulyo na nasa bakasyon ka with your Ex Husband"
"Wait, wala akong alam? Wala sinabi no Tito Hulyo sa akin" Singit ni Telih.
"Paano ka sasabihin ni Tito kung ang daldal mo, baka makarating pa kay Tita Anna" Pag tataray na sagot ni Rose kay Telih kaya napabuntong hininga na lang si Telih sahul miski siya ay alam iyon.
Sabay sabay na lang kaming nagtawanan dahil sa ekspresyon ni Telih, halatang nagtatampo, hindi ko alam kung dahil iyon sa pagtataray ni Rose na kakaiba sa akin dahil hindi naman ganuon su Rose o dahil sa hindi siya sinabihan ni Daddy.
"Let's take a picture of us for my social media update" Inilabas ni Yva ang phone niya at nag handa naman kaming tatlo sa pag post at nang kukuha na ng litrato ni Yva ay may malakas na kumatok sa pintuan, inis naman si Rose dahil ang lakas ng katol tila gusto sirain pintuan niya.
"Saglit!" Malakas na sigaw ni Rose at agad naman na tumigil ang tao sa likod ng pinto. Galit na tumayo si Rose para pagbuksan iyon habang kaming tatlo ay nagtitigan at nagtataka.
"Nag order kaba?" Bulong ni Telih kay Yva pero pinarinig niya din iyon sakin pero umiling iling naman si Yva. "May ininvite ka?" Muling umiling ito.
"Wala, ikaw Zin?" Napabuka ang bibig ko sa tanong ni Yva. "Ay baka lang naman syempre, wala samin dalawa ni Telih kaya baka ikaw, nevermind"
Tumingin na kami sa pinto ng buksan iyon ni Rose at ganuon na lang ang gulat naman tatlo ng makita ang dalawang magkapatid na Defuente na si Rafael Zeus at Lander with isa pang Rafael at sa tabi ni Rafael ay isang babae na asul ang buhok pero ang napansin ko ay ang nasa dulo na walang iba kung hindi si Khai.
![](https://img.wattpad.com/cover/314045977-288-k378086.jpg)
BINABASA MO ANG
Embracing his Trapped
RomanceCrazina Brae Dixon, she just wants to have a good married life with the only man she ever loved, she is ready to give everything for this man but does this man deserve her love. Photo is from Pinterest, credits to the rightful owner