032
"Ms, Ma'am, Ma'am Crazina, nandito ako"
Napalingon ako sa may madilim na sulok dito sa parke ng marinig ko na may tumatawag sa aking pangalan. Niliitan ko ang aking mata para naman makita ko na maayos ang tao na nakatayo at nakatago sa may gilid.
Lumakad ako ng papalapit sa kaniya ng hindi ko maaninag ng maayos ang kaniyang mukha at sa aking paglapit ay nagulat ako dahil hinawakan niya ako sa aking pulsuhan at hinatak sa may gilid na walang masyadong tao na nakakakita sa amin.
Lumingon lingon siya tila kabado na may ibang tao na makarinig. "Ayoko ng magpaliligoy ligoy, Ma'am, kilala yung tao na gumawa niyon.. Yung tao na iyon ay si Mr Ortiz ang asawa mo, siya ang gumawa, nakita ko"
Ang aking magkabilang tenga ay tila pareho na nabingi ng marinig ang pangalan ng isang tao na akin pinaghihinalaan pero ayokong isipin na siya iyon. Nilakasan ko ang loob ko, hindi ako agad pwedeng maniwala sa sinasabi ng babae na ito, wala siyang ebedensya na ang asawa ko ang may gawa niyon, hindi ko kayang tangapin, hindi ko ito matatangap.
"Imposible" Binawi ko ang aking kamay sa mahigpit niya na pagkakahawak duon. "Hindi ako naniniwala sa nilalahad mo, wala kang ebedensya na siya ang may gawa niyon"
"M-meron" Panginginig ng boses niya. "Hindi ko nga nakita ang mukha niya—"
Pinutol ko siya sa kaniyang balak na sabihin nang marinig ang salita na lumabas sa bibig niya.
"Hindi mo nakita tapos ang kapal mo na sisihin ang asawa ko? Gusto mo bang matapos ang buhay mo? Wala akong oras sa mga walang silbing kasinungalingan mo" Ani ko. Balak ko na dapat na talikuran siya dahil nagagalit ako na nasayang ang aking oras sa walang kwentang bagay na ito, muntikan ko pang masira ang maayos namin relasyon dahil sa babae na ito.
"Dahil iyon ang pangalan na narinig ko, Cauis Khai at saka may ilan akong ebedensya" Pamimilit niya. Gustuhin ko man na umalis ay pinakingan ko parin siya. "Yung polo, may dugo ang polo ng lalaki na gumawa niyon dahil bago mawalan ng malay ang ama mo ay nakita ko na hinawakan niya ang damit ng gumawa niyon, duguan ang kamay ni Mr Dixon kaya panigurado na may mansta ng dugo ang sikong polo niya"
Hindi, impossible, baka nagkataon lang na may mansta ng pulang kulay ang sikong polo ni Khai, nagkataon lang iyon, iniisip ko na baka may iba na ginawa si Khai kaya may ganuon sa polo niya pero ano? Buong oras lang siyang nasa opisina niya.
"At may kinuha siyang kwintas kay Mr Dixon bago niya iwan ito sa loob ng kotse na duguan at walang malay, lahat iyon ay nakita ko kaya sana ay paniwalaan mo ako dahil kailangan na makalayo kayo baka bumalik pa siya at kunin ang buhay niyo" Binalot ng kaba ang aking katawan sa huling sinabi ng babae.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Baka nagkakamali ka lang, sabihin mo na hindi iyon totoo, kilala ko ang asawa ko, hindi niya kayang saktan ang tao na mahal ko"
"Sinasabi ko lang kung ano yung mga nakita ko, hindi na ako pinapatahimik ng konsensya ko" Inilis niya ang aking pagkahawak sa kamay niya. "Ma'am, wala akong magagawa kung ayaw niyo na paniwalaan ako pero ma'am, huwag niyo sayangin ang panahon, gawin niyo na ang dapat"
"Ano? Anong gagawin ko? Hindi mo naman alam kung anong sitwasyon ko ngayon, asawa ko yung sinasabi mo na nanakit sa Daddy ko, hindi ko kaya na ipagkalulung ang mahal ko" Ang boses ko ay nanghina kasabay ng pagtulo ng luha ko. "Ayoko naman na masaktan ang isa sa dalawang tao na mahal ko"
Hinimas niya ang aking balikat para pagaanin ang aking nasasaktan na kalooban. "Sa oras na ito ay ang iyong magulang ang piliin mo"
"Hindi yon ganuon kadali!" Hindi ko na napigilan na mapasigaw. "Anong gusto mong gawin ko, ipakulong ang asawa mo? Kung ikaw ako, tingin mo kakayanin mo!? hindi mo naman kasi alam ang pinagdaanan namin dalawa kaya ganyan ka magsalita"
BINABASA MO ANG
Embracing his Trapped
RomanceCrazina Brae Dixon, she just wants to have a good married life with the only man she ever loved, she is ready to give everything for this man but does this man deserve her love. Photo is from Pinterest, credits to the rightful owner