011
"From now on you will live in this house with me. You can go out but you cannot leave this island"
Seryosong seryosong pagkakasabi ni Khai, hindi na ako nabigla sa pagkaseryoso niya, ang aking kinabigla ay yung mga sinabi niya. Napangiwi ako at kumurap kurap.
Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ko at nakita ko ang pagkunot ng nuo niya halatang hindi ito ang ine expect niyang reaksyon ko.
"Ang funny mo din pala, a-akala ko puro kaseryosohan lang ang alam mo, napatawa mo ako, ack ang sakit sa tyan" Sabi ko habang patuloy na natatawa, napahawak na ako sa balikat niya at pinagpapalo siya duon pero parang hindi siya nasasaktan, para bang statwa siya na naka poker face.
Napatigil ako sa paghampas sa balikat niya ng hawakan niya ang aking kamay para pigilan pero patuloy parin akong tumatawa napatigil lang ako ng ubuhin na ako, nang matapos kong mailabas ang tawa ko ay inayos ko ang tayo ko, sinadal ko ang likod ko sa rail at pilit na pinipigilan ang aking pagngiti.
Hindi umimik si Khai, seryeso lang siya na nakatitig saking mata, ganun nalang ang pagseryoso ng aking ekspresyon sa mukha ng magpagtanto
na seryeso ang kaniyang sinabi, walang halos biro."Hindi nga? Seryoso ka talaga?"
He smile. "Kailan ba ako nagbiro, Zin? From now on, sa ayaw at sa gusto mo, you and I will live in this house"
Napakunot ang ang nuo ko at taas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Khai, nakatitig lang siya at nakangiti saking harap ngayon na parang okay lang ang sinabi niya, baliw na ang lalaking ito.
"Naririnig mo ba ang sarili mo ngayon Khai? Tayo titira sa bahay na ito, sa ayaw at gusto ko, baliw kaba o talaga na nakalimutan mo lang na Ex-Wife mo ako" Pangdidiin kong sigaw sa kaniya.
Nawala ang ngiti ni Khai sa labi niya, tumalikod siya ay bumuntong hininga pero humarap din agad sakin at napa atras ako at napakapit sa rail ng humakbang siya palapit sakin, nang nasa harap ko na siya ay himbis na diretsong tumingin sakin at iniwas niya ang ulo niya para bumulong sa aking tenga.
"Akin ang desisyon Zin, hindi ka makakaalis ng Isla na ito, ako ang nagdala sayo dito at ako lang din ang pwedeng magalis sayo dito" Malamig ang buga ng hininga niya ng siya ay bumulong sakin.
Hindi ako natatakot sa nangyayari sa akin ngayon, natatakot ako sa lalaki na kaharap ko, hindi ko pa ba lubos na kilala ang lalaki na ito. Kasal ako sa kaniya noon ng ilang taon, mula pagbata ay kasakasama ko na siya, hindi ba sapat iyon para makilala ko siya ng lubusan.
"Let's go, ipapakilala kita sa mga tao na nakatira dito sa isla" Inilahad niya ang kaniyang kamay pagpapakita ng paganyaya niya, kahit na hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari sa akin ngayon ay tinangap ko ang yaya niya baka sakali na may makatulong din sakin na taga isla na maka-alis dito, ano tingin niya susundin ko ang gusto niya, hindi ito ang bakasyon na gusto kong mangyari.
Lumabas kami ni Khai ng bahay na magkahawak ang kamay, ang higpit ng hawak niya sa kamay ko, kahit anong alis ang gawin ko ay ayaw niya na bitawan, napansin ko din na hindi ganon kalaki ang bahay na ito kumpara sa bahay namin nuon sa syudad, sakto lang ang sukat, tamang tama sa dalawang tao para magkita ng araw araw kahit na magkaiba ng kwarto.
Pagdating namin sa may dalampasigan ay may ilang tao na nanduon, mukhang tumatambay sila at unfairness din sa buhangin ng Isla na ito, ang komportable, purong puro ang lupa may mga bato na malalaki malapit sa dagat na natatamaan ng wave.
"Khai?" Paglingon ng babae na morena ay nagulat ito ng makita si Khai at ako din ay nagulat ng bigla niyang yakapin si Khai, kita ko sa ngiti at pagpikit ng mata niya ang saya ng mayakap si Khai. "Hala, hindi ka nagsabi na bibisita ka dito? Ano kumusta ba kayo ng asawa mo?"
BINABASA MO ANG
Embracing his Trapped
عاطفيةCrazina Brae Dixon, she just wants to have a good married life with the only man she ever loved, she is ready to give everything for this man but does this man deserve her love. Photo is from Pinterest, credits to the rightful owner