KABANATA 036

267 9 2
                                    

036

"Unexpected answer, I thought you and Elias had a relationship and Ellie was your daughter"


Bigla akong nasinok sa sinabi niya. Inabutan niya naman ako ng malamig na tubig saka hinimas ang aking likuran, napatingin ako sa kaniya ng aking maramdaman ang kamay niya, ang mukha niya ay nababalot ng pag-aalala ng mapatingin ako dito.


"Are you okay?" Alala niyang tanong kasabay ng paulit ulit na pagubo ko.


"Kaloka ka sa rebelasyon mo" Wika ko. "Si Elias at ako ay magkaibigan lang din, kasama ko siya na nanirahan sa Norway, duon ay nakilala niya ang mother ni Ellie"


"Mabuti" Bulong niya ngunit hindi ko ito narinig dahil sa sobrang hina ng boses niya. "Tapos ka na kumain? Ang bilis naman"


"Hindi naman ako madami kumain pero sige dahil pinakain mo naman ako, ako ng bahala maglinis ng pinagkainan" Tumayo ako saka isa isa na inabot ang mga plato pero sa gilid ng aking mata ay pansin ko ang pag sunod ng mata ni Khai sa bawat galaw ko na nagpakaba sa'kin. "Wala ka bang ibang gagawin?"


"Wala, Ikaw?" Maikling sagot niya na may kasamay tanong habang patuloy pa'rin na nakatingin sa'kin.


Pinagpatong ko ang mga plato na nagamit para isahan buhatan na lang. Lumakad ako patungo sa kusina niya, ipitanong ko sa lababo ang mga plato at hinugasan na rin iyon, hindi ako sanay na iwanan ang mga dishes ng hindi iyon hugas.


"Wala din, siguro pagtapos ko dito ay uuwi na lang din ako, wala naman kasi akong pupuntahan, buti nga nautusan ako ni Tita Olivia na hatidan ka ng food, nakagala na rin ako" Sagot ko habang isa isa na sinasabunan ang mga plato.


Hindi siya nagsalita kaya lumingon ako at duon ay nakita ko siya na inurong ang inuupuan niya saka tumungo sa'kin, hindi ko na rin naman siya pinakealaman, ibinalik ko na lang ang tingin ko sa aking mga hinuhugasan


"Ako na diyan" Ani niya ng makalapit sa aking gilid.


"Hindi na, ang konti lang naman nito" Sagot ko sa kaniyang pamimilit. Hindi lalagpas sa limang daliri ko ang mga plato na hinuhugasan ko ngayon saka ang liit na bagay lang nito. "Mabuti pa, gawin mo na lang ang iba mo pang gagawin"


"There is nothing I can do, the unit is clean, what else can I do?" Kumamot siya sa kaniyang ulo kaya napangit ako ng hindi ko pansin, ang cute kasi ng itsura niya, namomoroblema sa kung ano ang lilinisin.


"Tapos na" Natuwa-tuwa na pasigaw na sabi ko ng matapos na maanlawan lahat ng plato.


"Okay ako na diyan" Kukunin niya sana sa'kin ang plato para siya na Ang maglagay niyon sa dish rack, may ngiti pa siya sa labi pero nawala iyon ng daanan ko siya at ako ang gumawa niyon.


Matapos ko maisaayos ang mga plato sa dish rack ay pinunasan ko naman ang aking basang kamay sa towel na nakalagay sa gilid sa lumingon sa kaniya at duon ay nakita ko na tulala siya at may dismeyadong ekspresyon sa mukha.


"Tapos na" Mabagal na sabi ko na Ang tunog ng tono ng boses ay konsensya dahil sa emosyon niya. "Uwi na ako"


"Uh?" The dismayed expression on his face disappeared but was replaced by a sad expression. "Ihatid kaya kita?"


Lumakad ako patungo sa couch para kunin ang sling bag ko duon at nang mahawakan ko iyon ay isinukbit ko na. "Dala ko yung sasakyan ko kaya hindi na kailangan"


Malalim niyang pinakawalan ang isang mabigat na buntong hininga, kinagat niya ang ibabanglabi niya na tila siya ay nagiisip ng kung ano, nakatayo lang ako sa kaniyang harapan, hinihintay na makapag-paalam, gustuhin ko man na sabihin ng mauuna na ako ay mukhang hindi niya iyon maririnig dahil sa malalim niyang iniisip.


Embracing his Trapped Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon