012
"Nasaan si Khai?"
Balak ko na dapat na tumayo para bumalik sa loob ng bahay, nandito kasi ako sa dalampasigas para magpahangin, malamig namam sa loob ng bahay pero mas gusto ko dito saka nakakatuwa din kasi pagmasdan yung hampas ng alon saka yung kalangitan.
Pagtayo ko ay nakita ko si Bianca, mukhang nag hahanda na itong matulog dahil sa kasuotan niya ngayon na mukha naman komportableng komportable siya.
"Bakit mo siya hinahanap? May kailangan ka ba sa kaniya? Kung may sasabihin ka kay Khai sakin mo nalang sabihin, ako nalang magsasabi sa kaniya, pabalik narin naman ako ng bahay" Sabi ko pero mukhang hindi niya nagustuhan ang plano ko na iyon.
Mataray siyang nakatingin sakin, parang lait na lait ako dahil sa tingin niya, mula ulo hangang paa ko ay tinitigan niya, sarkastiko siyang ngumisi saka inikot ang mata, pinagkruss niya ang braso niya at muling mataray na tumingin saking mata.
"Si Khai ang kailangan ko, hindi porket asawa ka niya ay dapat marinig mo din ang sasabihin ko sa kaniya" Matalim na pagkakasabi niya. Himbis na inis ang maramdaman ko ay gulat, ibang iba siya sa pagkakalarawan sa kaniya ni Khai.
Kanina lang nung kumakain kami ni Khai ay naitanong ko sa kaniya si Bianca dahil na din sa kuryusidad ko, nagkwento si Khai tungkol sa pagkakaibigan nilang dalawa. Ang pagkakalarawan ni Khai kay Bianca ay isang mabuting kaibigan, walang bahid ng sama sa katawan, matulungin sa magulang at palangiti para bang anghel siya ng ikwento ni Khai.
"Kung hindi ka komportable, okay lang naman sakin, suggestions palang naman iyon, hindi naman kita pinipilit" Nakangiti na sabi ko pero tila lalo lang siyang nainis sakin. Hindi ko alam ano ang mali sa sinabi ko, totoo naman na hindi ko siya pinipilit, suggestions pa lang iyon.
"Ang yabang mo" Nagulat ako sa kaniyang biglang sinabi. Hindi ako nakaramdam ng sakit sa sinabi niya na iyon dahil alam ko na hindi ako nagyayabang, kinakausap ko siya sa mahinahon siya lang naman itong may problema sa existence ko.
"Mayabang? Paano ako nagyabang? Saglit, ano ba kasi talaga ang problema mo sakin, wala naman akong ginawang mali sayo, bigla bigla mo nalang akong susungitan. If you have a problem with me, say, I am not a fortune teller" Hindi ako galit sa kaniya sadyang may nararamdaman lang ako na ayaw niya sakin.
"Makasarili ka, bakit ba ayaw mo pang pakawalan si Khai, hindi pa ba sapat na pinagtutulakan ka niya, may mata ka naman, bakit hindi mo makita na ayaw sayo ni Khai, napakamakasarili mo, pinapahirapan mo si Khai, manang mana ka sa magulang mo na matapobre, ang spoiled brat mo, lahat nalang kayo. Lahat nalang kayo ay pinapahirapan si Khai" Sigaw niya. Sobrang galit na galit siya, kitang kita ko iyon sa mata niya.
"You bitch. Did you just call my parents matapobre? You don't know my parents, you don't know what their Behavior is so you have no right to say that to them" I stared at her badly, I wanted to slap her but I restrained myself.
Ayokong makaruon ng pagtatalo kami ni Bianca, sapat na sakin na malaman na may galit siya sakin, gustuhin ko man na ipamukha sa kaniya na mali lahat ng sinabi niya ay mas pinili ko nalang na huwag na, hindi na ako nagsabi pa ng mga salita.
Humakbang ako palayo kay Bianca pero bigla nalang bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa gulat. I felt Bianca pushing me hard from behind, natakot ako dahil maari akong sumubsob sa basang buhangin, napapikit ako dahil sa takot na masubsub.
"Ehh?" Nagtaka ako ng maramdaman na walang nangyari sa akin, walang buhangin na dumikit sa aking mukha. Idinilat ko ang mata ko at ang nakita ko ay isang lalaki.
BINABASA MO ANG
Embracing his Trapped
RomanceCrazina Brae Dixon, she just wants to have a good married life with the only man she ever loved, she is ready to give everything for this man but does this man deserve her love. Photo is from Pinterest, credits to the rightful owner