KABANATA 031

232 6 0
                                    

031

"Anak, puntahan mo ako sa Hospital, Honey, ang papa mo, your dad had an car accident"


Tila nabingi ang magkabila kong tenga matapos na marinig ang pagiyak ng aking Ina mula sa kabilang linya ng cellphone na hawak ko, ang mundo ko ay panandaliin na huminto dahil sa takot sa kalagayan ng aking ama.


Nagmamadili ay niligpit ko ang gamit ko, hindi ko na nasama ang mga importante kong papel dahil sa aligaga. Paglabas ko ng school ay nagpara na agad ako ng taxi para makarating na mabilisan sa malapit na hospital dito, nangako ako kay Khai na aalis lang ako ng school kung susunduin niya ako after class ko pero hindi ko iyon napanghawakan.


"Mommy" Nangingiyak na tumakbo ako palapit sa Mommy ko ng magkita kami, luhaan at hinang hina niyang isinandal ang ulu niya sa aking balikat kaya nasasalo na pangitaas kong kasuotan ang kaniyang luha. "Ma, s-si daddy" My voice broke.


Kahit na luhaan at hirap na hirap ay tumingin siya sa mata ko na tila sinasabi na malalagpasan ni Daddy ito. "Kaya ng Daddy mo ito, gagaling siya, hindi niya tayo iiwan, malakas pa ang Daddy, okay lang, magiging maayos ang lahat, oo, aayos ang lahat, lalabas si Daddy mo"


Sabay kaming naupo ni Mommy habang hawak ko siya sa bewang niya, inaalalayan dahil nga sa kita ko na pagod na pagod siya, may trabaho rin naman siya at sa pagkakaalam ko ay sobrang busy niya ngayon.


Sumisinghot kaming pareho dahil sa parehas kaming mabilis na sipunin pag naluluha ng sobra, marahan ko siyang tinatapik para kumalma siya na kahit ako ay hindi naman talaga kaldamo pero kailangan isa samin maging matatag dahil yung isa ay luhaan na.


She wiped her tears that were still falling. "Bakit magisa ka lang nagtungo dito? Nasan ang asawa mo? Hindi ka niya sinamahan?"


"Hindi niya alam ang tungkol dito" Sagot kasabay ng pagtango niya habang nakahiga parin ang ulo sa aking balikat. Sobrang tahimik ng paligid namin dalawa, may mga dumadaan at napaptingin sa amin pero baliwala iyon dahil hindi naman namin sila kailangan pansinin. "Ipapaalam ko sa kaniya mamaya para makapunta siya dito pero ikaw ba Mommy?"


"Tumawag sakin kanina yung hospital na nandito nga raw ang daddy mo dahil naaksidente ito, ang dami ko pang trabaho pero wala na yata akong ganang gawin iyon" She sighed. "Dito muna ako sa tabi ng Daddy mo, dito muna tayo, kailangan niya tayong dalawa, tayo na lang pamilya niya"


"Kahit na hindi niyo sabihin, manantili ako" Aking palalim na sagot kasabay ng mahinang paiyak dahil sa aking luha na pumapatak, pinunasan ko ito para hindi mapansin ni Mama, alam ko na sa pagpigil ko ay namumula lang ang mata ko.


"D-doc, kumusta ang kalagayan niya" Kabado na nauutal ma tanong ng Mommy ko ng lumabas ang isang babaeng doktor mula sa loob ng solid kung nasaan ang Daddy ko.


"Kamag-anak ba kayo ng pasyente sa loob?" Unang tanong ng Doctor sa aming dalawa ni Mommy.


"Yes, kamag-anak niya kami" Sagot ko. "Doctora, kumusta ang Daddy ko? May masama bang nangyari? Anong kalagayan niya? Maayos na ba siya?"


Ngumiti ang Doctora kaya tila makakakahinga ako ng paluwag dahil pakiramdam ko ay meron siyang magandang ibabalita. "Maayos na ang kalagayan ng iyong Ama, he's stable now"


Hindi nga ako nagkamali, parehas kaming ni Mommy na nakahiga ng maayos, tila natangal ang tinik sa aming lalamunan. Pagkaalis ni Doctora sa aming karapan ay tumungo kami agad ni Mommy sa loob ng silid at duon ay muli akong napaluha ng makita ang kalagayan ng aking ama.


Ang buong katawan niya ay napupuno ng mga galos, sukat at ang isa niyang paa ay nakapenda na. Nangingiyak na yumakap si Mommy sa katawan no Daddy na mahimbing nanatutulog habang nakikita ko ang aking Ina ay lalo lang akong naluluha.


Embracing his Trapped Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon