KABANATA 021

315 10 0
                                    

021

"I like it here, I'm with her, I see you here, honey​"


Agaw ko ang bawat paghinga ko ng bigla akong magising sa isang panaginip, kahit na isa lang iyong likha ng kaisipan ko ay ang luha ko ay tulo ng tulo, pinunasan ko iyon pero patuloy iyon na dumaloy, hindi ko maalala kung anong klaseng panaginip iyon pero ang bigat ng pakiramdam ko para akong namatayan.


Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama, ang dilim ng buong silid kaya binuksan ko muna ang ilaw, sinuot ko ang slippers ko saka lumabas ng kwarto, pinabayaan ko ng nakabukas ang pinto dahil iinom lang naman ako ng tubig.


"Uhhh" Kumuha ako ng malalim na paghinga ng makainom na ng malamig na tubig galing ng fridge, lumabas na ako ng kusina pero walang sigla ang katawan ko na pumanik pa sa taas, ang lamig din ng panahon pero wala akong reklamo dahil ang sarap sa katawan niyon. "Hi Ate Eva"


"Oh, bakit gising kapa? Hating gabi na" Ngiting pagkasabi ni Ate Eva na nakasalubong ko sa daan ng lumabas ako ng bahay, gusto kong tumungo sa dalampasigan, gusto kong makaramdam ng pag re relax na hindi ko magawa sa sala sa hindi ko alam na dahilan. "Wala ka pang suot na jacket baka magkasakit ka, ang hangin pa naman"


"Ayos lang po, sanay na ako" Sagot ko. Ngumiti sa akin siya at nagpaalam na na uuwi, pinanood ko pa siya ng saglit ng lumakad ito palayo sakin at ng mawala na siya sa paningin ko ay dumeretso na ako sa paglakad. "Ahhh, I really like the weather tonight"


Pagdating ko sa may dalampasigan ay naupo ako sa may palapit lang, slipper ko na ang aking ginamit na upuan, wala naman kasi akong dala na kahit anong tela ngayon, pinagdikit ko ang aking binti saka ito niyakap na normal lang, sobra nga ang lamig kaya ginagawa ko na lang painitan itong sarili kong katawan.


"Come back" Ani ko habang nakatitig sa dagat na ang alon ay tumatama sa aking paa. Mag-iilang araw na mula ng umalis si Khai pero hangang ngayon ay wala parin akong balita tungkol sa kaniya, kung alam ko lang na matatagalan siya ay sumama na sana ako papunta sa manila. "Oh"


Ganuon na lang ang aking gulat ng may biglang tela ang pumatong sa aking balikat, pag tingala ko ay lalo lang akong nagulat, napangiwi pa ako sa nakita ng aking mata, pilit akong ngumiti sa kaniya pero walang ganuon ang bumalik sakin, taas ang kilay niya, hinubad niya ang suot niyang tsenelas, itinabi niya iyon sakin saka naupo sa aking tabi.


"Wala si Khai dito sa Isla, walang magbabantay sayo pag nagkasakit ka, susuot ka lang naman kasi ng jacket o kahit anong makapal na tela, hindi mo pa magawa" Pagsusungit niya. Mataray ang bawat bigkas niya ng mga letra pero himbis na mainis ako ay natawa pa ako na agad niya naman napansin. "Anong nakakatawa!?"


I turned to look at her. "Ang sungit mo talaga, bitter bitter, pinaglihi kaba sa ampalaya" Pang aasar ko na kinaasar niya naman talaga, lumingon siya patingin sakin na ang kilay ang nakataas bago siya magsalita ay inirapan niya pa ako.


"Concern ang tawag duon, hindi pagiging bitter at anong problema mo sa ampalaya? Ang sarap kaya niyon lalo pag hinaluaan ng itlog, paboritong ulam ko iyon" Umirap siya ulit bago ibalik ang tingin sa harap, ang karagatan.


"Concern pala iyon, may ganyan ka palang ugali sana inugali mo na nuon, kung concern ka nuon baka nung pinatid mo ako, Ikaw din ang nagtayo sa akin, kung ganuon ka baka friends tayo—" Wika ko na kinahiya niya. Nakita ko ang pagpula ng mukha niya, isama na pati pagkagat niya sa ibabang labi niya habang nakaiwas ng tingin sakin.


"Pwede ba huwag mo na ipaalala ang nangyari satin nuon. Kalimutan mo na iyon, nahihiya ako ng sobra dahil sa ginawa kong kabaliwan sayo. Ang sinabi kasi ng isipan ko ng panahon na iyon na kontrabida ka sa love story namin ni Khai, na kailangan mong mawala para maging akin siya, humihingi ako ng tawad, pinapangako ko na hindi na mangyayari ulit iyon, cross my heart" Itinaas niya sa hangin ang isang kamay niya tanda ng pangangako. "Ano wala ka bang sasabihin? Nangangalay na ako"


Embracing his Trapped Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon