014
"Hindi ko akalain na pag-uwi mo dito Khai may kasama kang magandang babae"
Pagpupuri sakin ni Aling Vicy habang pinaghahainan kami ng pagkain. Ang dami ko ng nakain mula kaninang Umaga pero kahit anong kabusugan ko ay hindi ko magawang ayawan ang pagkain na hinain ni Aling Vicy samin ni Khai.
Yung isda din na nahuli namin ni Khai sa dagat kanina ay si Aling Vicy na ang nagluto. Hindi naman ganon kadami ang aming nahuli, sakto lang, hapon na rin ng bumalik kami dito sa Isla at dito kami sa bahay ni Aling Vicy dumeretso.
"Oh kain na habang mainit pa ang mga nakahain" Pagyaya ni Aling Vicy samin ni Khai. Kukunin ko na dapat ang sandok para kumuha ng kain na nasa harap ko pero naunahan ako ni Khai, akala ko ay pagsasandukan niya ang sarili niya pero nung makasandok siya ng kanin ay dineretso niya iyon sa plato ko. "Nakakatuwa naman kayong dalawa, kung nandito lang si Nestor sigurado ay natutuwa iyon sainyo"
"Nestor? Asawa niyo po?" Maingat na tanong ko kay Aling Vicy. Malay ko ba kung sino iyon, hindi ko naman kilala ang mga tao na malalapit kay Khai dito sa Isla, kung meron iyon ay sila Nadia at si Bianca. "Patay na po ba siya?"
Biglang nabilaukan ng sabay si Aling Vicy at si Khai. Napatingin ako sa kanilang pareho dahil sa pagtataka, may pigil na tawa si Khai sa kaniyang labi habang si Aling Vicy naman ay napa-inom ng tubig dahil sa pagkaubo.
"Hija, nakakagulat ka magtanong baka ako ang mamatay sa tanong mo na iyan. Buhay pa ang asawa ko na si Nestor, wala siya dito ngayon dahil nagtatrabaho ito sa Manila, sa bahay ng magulang ni Khai, hardenero siya duon, wag ka mag-alala, buhay na buhay pa ang asawa ko" Paliwanag ni Aling Vicy sakin.
Nahiya akong napangiti kay Aling Vicy bago tumuon sa pagkain na nasa harap ko, kumain nalang ako ng tahimik baka kasi madulas nanaman ang dili ko habang kumakain. May paguusap na nagyari kay Aling Vicy at Khai, may ilang tanong si Aling Vicy at kinakumusta rin niya ang magulang ni Khai na sila Mama Olivia at Papa Fael.
Naging pangalawang magulang ko na Ang magulang ni Khai, talagang sobra akong malapit sa mag-asawang Ortiz, bago ko sila maging Mama at Papa ay naging Tita Ninang at Tito Ninong ko sila, madalas kasi nung bata ako ay bumibisita sila sa bahay, kaibigan kasi ni Daddy si Papa Fael at naging magkaibigan na din sila Mommy at si Tita Olivia.
Wala pa akong kaalam-alam nuon na may anak si Mama Olivia at Papa Fael dahil tuwing bibisita sila sa bahay ay wala silang Kasama bukod sa sarili nila, hindi din sila nagkukwento tungkol kay Khai kaya wala talaga akong idea nuon.
"Gaano na ba kayo katagal na nagsasama?" Tanong ni Aling Vicy sa amin ni Khai.
"Hiwalay-" Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng biglang magsalita si Khai. Ang lakas ng boses niya, talagang sinandya niya na harangin ang aking sasabihin para hindi marinig ni Aling Vicy, may katandaan na rin si Aling Vicy, humihina na din ang pandinig niya.
"Dalawang taon na rin" Tumingin sa aking mata si Khai bago bumalik kay Aling Vicy na halatang nagulat din sa lakas ng boses ni Khai. "Dalawang taon na rin kaming nagsasama at magtatagal pa iyon"
Ngumuwi nalang ako at binaliwa na lang ang pagsisinungaling ni Khai, bahala siya sa gusto niya, alam naman namin pareho ang katotohanan na wala na kami, hiwalay na kami, korte na mismo ang nagdesisyon niyon, wala na akong magagawa.
"Hindi naman ako ganuon kabingi Khai, rinig parin naman kita lalo't malapit ka lang sakin, hindi mo naman kailangan na sumigaw pa, rinig pa kita" Paalala ni Aling Vicy kay Khai. Humingi naman ng tawad si Khai dahil sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Embracing his Trapped
RomanceCrazina Brae Dixon, she just wants to have a good married life with the only man she ever loved, she is ready to give everything for this man but does this man deserve her love. Photo is from Pinterest, credits to the rightful owner