020
"Gising kana pala, siguro ay hindi kapa nakakain, pagdating ko ay walang plato na lilinisin, wala din akong nakita na kahit ano sa fridge, ano ba ang kinain mo kanina? Hindi ka naman siguro nag palipas ng gutom, masama iyon, alam mo ba pag natulog ka na gutom ay hihiwalay ang kaluluwa mo sa iyong katawan"
Napakuraprap ako ng makita ang isang matandang babae na naghahain ng pagkain sa lamesa, hindi ko siya kilala, ngayon ko lang nakita ang mukha niya dito sa Isla, lumakad ako papunta sa lamesa, tinitigan ko siya ng ilang minuto, kinuskus ko pa ang mata ko para masigurado kung tao yung nakikita ko ngayon, nakakaloka naman kasi, kakagising ko lang tapos isang matandang babae na hindi pamilyar sakin ang una kong makikita.
"Tapos kana bang titigan ako? Oh, ito pinaghanda na kita ng makakain mo, mabuti ay malakas ang pakiramdam ko kung hindi baka pinaglulutuan pa lang kita, sabi ko na nga ba at maaalingpungatan ka, kahit sino basta gutom" Natatawa niyang sabi habang inaayos ang plato sa harap ko.
I sat. "Mawalang galang na po pero sino po kayo? Kilala niyo po ba ako o baka yung asawa ko ay kilala niyo, Khai oh ang pangalan niya"
"Ano bang klaseng tanong iyan Iha pero sasagutin ko iyan, ako si Nancy, katulong ako ng magulang ng asawa mo na si Khai, kapatid ko si Carol na siyang madalas mong makita dito" Paliwanag ni Aling Nancy. "Oh siya, kumain kana muna at may aasikasuhin lang ako sa taas"
Lalakad na dapat paakyat si Aling Nancy pataas pero napatanong pa ako sa kaniya, wala naman kasing kaanong gawain sa taas, mga kwarto na hindi gamit ang nanduon kaya baka wala lang din siyang malinis, masayang lang oras niya.
"San po kayo pupunta?" Pagtatanong ko.
"Sa itaas, maglilinis ako ng mga kwarto duon at kung sasabihin mo na huwag na dahil hindi naman madumi dahil nga hindi nagagamit at huwag na, kailangan na linisin iyon, alikabukin ang mga yon" Ngumiti siya sakin saka umakyat na papunta sa taas, hindi man lang niya ako hinintay na makasagot pero siya na mismo ang nagsabi na huwag na, ego ibaba.
Sumamdok na ako sa mga pagkain na hinanda ni Aling Nancy, hindi naman ito madami tulad ng ginagawa ni Khai, sakto lang ito, mas mabuti na ang ganito kesa sa ginagawa ni Khai, madami nasasayang pag ang asawa ko ang nagluluto dito, ayaw niya kasi ako hayaan na magluto, hindi ko alam kung dahil sa konti lang ang alam ko at puro pirito pa o dahil ayaw niya lang na may mangyari sakin sa loob ng kusina.
Nang matapos akong makakain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan ko ang dali lang pala nito, bakit ayaw ni Khai na gawin ko? May sapak ba sa utak iyon? Nevermind.
"Oh tapos kana?" Paglabas ko ng kusina ay sakto na nakasabay ko si Ate Nancy na pababa na ng hagdan, may dala dala itong trey na may laman na ilang piraso ng bed sheets at mga punda ng unan.
Napatingin ako sa trey at mukhang nabasa niya ang iniisip ko. "Maalikabok na kaya lalabhan ko muna, napalitan ko na rin pala ang bed sheets ng kama niyo ni Sir" Kaniyang sabi.
"Gusto niyo po tulungan ko kayo?" Mukhang madami dami ang lalabhan ni Ate Nancy, wala naman akong gagawin kaya mas maganda kung tulungan ko na lang po siya, mahaba pa naman ang gabi at dahil nga kakagising ko lang ay imposible na makatulog din ako kaagan.
"Huwag na Ma'am, kaya ko na ito at saka hindi ko pa naman siya lalabhan, ibababad ko muna siya, uh siya nga pala may dala akong Leche flah, ang akala ko ay nandito si Sir, wala pala" Pumasok siya sa kusina, binuksan niya ang fidge at may kinuha na dalawang piraso ng microwavable container na may laman na leche flan. "Ito, matamis ito pero sobrang sarap, paboritong pabiroto iyan ni Sir"
![](https://img.wattpad.com/cover/314045977-288-k378086.jpg)
BINABASA MO ANG
Embracing his Trapped
RomanceCrazina Brae Dixon, she just wants to have a good married life with the only man she ever loved, she is ready to give everything for this man but does this man deserve her love. Photo is from Pinterest, credits to the rightful owner