006
"Crazina, anak, anak buksan mo itong pinto. Hulyo, ang anak mo, kausapin mo"
Rinig ko ang bawat pagtawag sakin ni Mommy pero hindi ako sumasagot, nakatulala lang ako sa litrato namin ni Khai habang tumutulo ang luha.
"Crazina, buksan mo itong pinto, wag mong ikulong ang sarili mo" Sigaw ni Daddy. Tumingin ako sa doorknob, pilit nila itong binubuksan.
I stood up and opened the door. "You worried too much, balak niyo bang sirain ang pinto ng kwarto ko"
Kita ko ang gulat sa mga mukha nila ng buksan ko ang pinto, sa pag-aalala nila ay bigla nila akong niyakap, sa higpit ng yakap nilang dalawa ay muntik pang tumigil ang paghinga ko.
"Hija, ano bang nangyayari sayo? Pag uwi mo dito ay nagkulong ka nalang sa kwarto mo, mag kwento ka nga kung may problema ka, gusto mo ba kaming patayin sa pag-aalala sayo" Bulyaw ni Mommy pero may pag-aalala sa tono ng boses.
"Tell me, what is your reason para ikulong mo ang sarili mo sa madilim na kwartong ito" Seryosong tanong ni Daddy, wala akong makitang ibang emosyon sa mukha niya kundi galit.
Mukhang kahit hindi ko sabihin sa kaniya ay parang may alam na siya, sa tono ng boses niya ay may hinala na siya kung sino ang rason, gusto ko man na sabihin sa kaniya ang rason ko ay hindi pa ako handa at walang kasiguraduhan kung kailan ako magiging handa.
Khai is the man I have dreamed of since I was a child, lahat ay ginawa ko para maikasal kaming dalawa, totoo na naging makasarili ako nuon, inuna ko ang kagustuhan ko, pumasok ako sa buhay niya kahit ayaw niya, dinamay ko pa pati magulang niya.
"Pagod lang ako at saka hindi naman ganon kadilim ang loob ng kwarto ko, may liwanag parin naman, wag na kayong mag-alala, okay lang ako" Sabi ko kahit kabaliktaran ang aking nararamdaman ngayon.
Bumuntong hininga si Mommy mukhang naniwala siya sa palusot na gawa gawa ko lang pero iba si Daddy, ramdam ko na hindi siya naniniwala.
"Mabuti naman kung ganon" Humawak si Mommy sa bandang puso niya tila nakahinga ito ng maginhawa.
"Hindi ako naniniwala sa sinabi mo Crazina, kilalang kilala kita, may malalin kang problema, ginago ka nanaman ba ng lalaking iyon" Tama nga ang hinala ko. "Anna tawagin mo sila Franco at ipapapatay ko na talaga ang lalaking iyan"
"DAD!" "HULYO!" Parehas na sigaw namin ni Mommy.
"Dad, wala kang ipapapatay, hindi ipapatawag sila Franco" Madiin na sabi ko.
"Tama ang iyon anak, walang ipapapatay, pag may nangyari lang talaga kay Khai, Ikaw yayariin ko" Galit na sabi ni Mommy bago nito talikuran kami.
Nagtitigan kami ni Daddy at mukhang nagising na siya sa reyalidad, humingi ng tawad sakin si Dad bago nito sundan si Mommy na umuusok ang ilong sa galit.
Nang umalis sila sa aking harap ay bumalik na ako sa loob ng kwarto, sa pagbalik ko ay nawala na kahit papaano ang sakit na kanina ko naramdaman, dumeretso ako papunta sa harap ng cabinet ko pero ng bubuksan ko ito ay nag ring ang phone ko na nasa kama.
"Hello Elias" Pagumumpisa ko. Si Elias ang tumawag, nakailang tawag na pala ito, kung hindi ko nakita ay baka nagpatuloy ang pag missed ko sa mga calls niya.
"Zin, may problema" Sumeryoso ang aking mukha ng magsalita sa kabilang linya si Elias.
I sat on the side of the bed. "Problema? Ano namang problema iyan?"
BINABASA MO ANG
Embracing his Trapped
عاطفيةCrazina Brae Dixon, she just wants to have a good married life with the only man she ever loved, she is ready to give everything for this man but does this man deserve her love. Photo is from Pinterest, credits to the rightful owner