KABANATA 022

310 16 0
                                    

022

"Ma'am, ano bang ginagawa mo diyan, bumaba ka nga dito, nasan na ba si Bianca at Nadia, bakit ka nandiyan, baka mahulog ka"


Sabay sabay kaming nagtawanan tatlo nila Nadia dahil kay Ate Nancy na kabado sa baba, nandito kami sa taas ng mangahan, malapit ito sa bahay ni Nadia, hinog na kasi ang mga manga kaya kukunin na namin, wala naman kasing gustong kumuha, masasayang lang.


"Nandito din kami Ate Nancy" Kaway ni Bianca na nasa kabilang sanga malapit sakin. Napahampas sa nuo niya si Ate Nancy kaya lalo pa kaming natawa, akala namin tatlo ay hahayaan niya na kami dahil tumahimik siya pero ilang saglit ay hinubad nito ang tsenelas niya.


"Ate Nancy, anong binabalak mo?" Aking tanong.


Walang sabi ay itinabi niya ang hinubad niyang tsenelas niya at nagbalak na umakyat din dito sa mangahan, bigla naman kaming natarantang tatlo dahjl mataas itong puno at nasa matandaan na rin siya, nakakatatkot baka kung anong mangyari kung aakyat siya.


"Kung ayaw niyo bumaba, eh sasamahan ko na lang kayo diyan, sama sama tayong manguha ng manga, iyan ang gusto niyo diba" Sagot niya na amin namam kinataranta.


"Wag na, eto na po baba na" Ani Nadia na sonra ang pagaalala sa mukha, sino ba naman ang hindi. Nauna ng bumaba si Nadia dahil siya ang mas nasa mababang sanga, sumunod na ako at ganuon din si Bianca, pagbaba namin ay agad kaming nakatangap ng tagiisang kurot mula kay Ate Nancy.


"Sa susunod na gawin niyo iyan, hindi na talaga ako magdadalawang isip na sundan kayo, pag nakita ko ulit kayo, walang sabing susundan ko kayo" Bulyaw ni Ate Nancy. "Oh siya, tutal kayo anv kumuha ng mga manga na iyan, damputin niyo iyan at sumunod na kayo sa kubo, naka handa na ang pagkain duon"


Lumakad si Ate Nancy palayo patungo sa kubo na nasa malapit lang, kahit nanduon siya ay makikita niya kami, panigurado. Isa isa na namin dinampot nila Bianca ang mga manga na hinulog namin, wala kasi kaming sisidlan nung umakyat kami, wala naman kasi sa plano, basta nakita namin yung puno ay nagyayaan na kaming tatlo.


"Bianca, asan na pala si Cassandra? Isang lingo ko na siyang hindi nakikita dito sa Isla" Tanong ko habang nagdadampot.


Oo, isang lingo na ang lumipas, ang tagal na din mula ng umalis si Khai ng Isla at hangang ngayon ay wala parin akong balita tungkol sa kaniya, isang gabi nga ay sinubukan ko ng umuwi ng manila para lang malaman kung anong nangyayari pero hindi ako pinayagan ni Ate Nancy at ng dalawang ito dahil nung pinlano ko iyon ay malakas ang unan at alon ng dagat.


Sa lumipas na araw ay sinubukan ko na lang na gugulin ang sarili ko sa mga bagay bagay dito sa Isla kasama sila Ate Nancy, Bianca, at Nadia na laging nandiyan pag kailangan ko ng kasama, ewan ko ba pero pakiramdam ko hindi nila gusto na maiwan akong magisa sa sulok, alam siguro nila ang nasa isipan ko.


"Oo nga pala, ako din, ilang araw ko ng hindi nakikita si Cassandra, nasan na iyon, kilala ko ang babae na iyon, hindi yon marunong magkulong sa kwarto niya, hindi niya nga alam pano mag lock ng door sa room niya" Pati si Nadia ay mukhang gusto din na malaman kung nasan na si Cassandra.


Nang makuha na namin lahat ng manga na amin hinulog kanina ng nangunguha kami ay lumakad na kami, ang dami din pala namin nakuha at paniguradong hindi namin ito mauubos baka ipamigay lang din namin ito sa mga tao dito sa Isla.


"Magkakasama silang tatlo nila Khai at Rafael na umalis ng Isla, sapilitan nga lang ang pagsama ni Cassandra, ewan ko ba sa pinsan ko na iyon, wala din sinabi sakin" Sagot ni Bianca.


Pagdating namin sa loob ng kubo ay inilapag namin sa kahoy na lamesa ang mga manga na aming nakuha, may mga nakahanda na din na pagkain pero wala dito si Ate Nancy baka nasa bahay iyon, hindi kasi napapakali iyon pag walang ginagawa.


Embracing his Trapped Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon