Chapter 3: Hindi inaasahan - Muling pagkikita.

6.4K 213 29
                                    

Abril 04, CS262. Sa ngayon ay nagmamadali sina Mark patungo sa dating bahay nina Rain. Samantala, hindi pa rin tukoy ng mga anak nila ang tunay na nangyayari, kaya tinanong na nila si Sapphire dahil siya ang naging dahilan kung bakit biglang umalis ang kanilang mga magulang.

 

"Ano ba talaga ang nangyayari kina Mama?" Tanong ni Lyra.

"Oo nga at saan po ba sila pupunta ngayon? Wala po kasi akong maintindihan sa mga nangyayari eh." Sambit ni Ryna.

 

"Sa totoo lang, naguguluhan din ako eh." Tugon ni Sapphire.

 

"Mukhang pupuntahan nila ang nakakatanda kong kapatid." Sambit ni Zinon.

Agad napalingon ang lahat kay Zinon matapos nilang marinig ito.

 

"Siya po ba yung sinabi ni Sapphire kanina?" Tanong ni Lyra.

 

"*Uhm.. Matagal na silang hindi nagkikita, mga 20 years na din siguro." Sambit muli ni Zinon.

 

"Whoa! Ang tagal na pala! Hindi na ako nagtataka kung bakit nagtake over sina tito para lang mabilis silang makaalis." Sambit ni Dave.

 

"Siguro sobrang importante ng kaibigan nilang yon sa kanila." Sambit ni Eugeo.

 

"*Uhm! *Uhm! Ang totoo pa nga nyan ay gusto sila ng mga nanay niyo, maliban na lang kay Alex, Melisa at Annie." Sambit muli ni Zinon.

 

(Note: Gusto din ni Annie dati si Rain, pero hindi na ito naabutan pa ni Zinon, kasi sa book 2 magka-relasyon na sila ni Mark. xD)

 

"*EH?!" Gulat na pagkakasambit ng mga bata.

(Note again: Wala pa ding emosyon si Xela dito. xD)

 

"Parang hindi naman po yata totoo ang sinasabi nyo." Sambit ni Sera.

 

"*Uhm! *Uhm!" Sambit nina Eugeo at Sapphire.

"Nasasabi nyo lang yan dahil hindi nyo alam ang kabataan na'min. Hindi ko alam kung bakit naging sikat si kuya sa mga babae. *Hmm.. Bukod sa gwapo si kuya ay siguro dahil mabait talaga siya at dahil na rin sa isa siyang phoenix." Sambit muli ni Zinon.

 

"Phoenix?! Isang mythical shaman po ng Phoenix ang kuya nyo?" Gulat na pagkakasambit ni Dave.

 

"Hindi nyo ba alam? At isa ding akong mythical shaman ng Phoenix." Sambit muli ni Zinon.

Halos nagulat ang lahat matapos marinig ang sinabi ni Zinon. Ngunit batid naman na ito ni Sapphire, kaya tahimik lang siyang nakikinig sa ngayon.

School of Myths: Ang ikatlong aklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon