Sa wakas at nagawa na ko ring matapos ito. Salamat sa apat na araw na hindi ako pinapasok. Hahaha! Para akong na suspend no? Pero wala kasi talagang trabaho sa ngayon sa opisina, kaya hindi muna kami pinapasok. At salamat at sa mga araw na ito ay nagawa ko na ring matapos ang SOM book 3. Kahit marami akong bagay na hindi na panindigan, dala ng wala talagang panahon para magsulat. Sa totoo lang ay balak ko pa ring gumawa ng mga extra chapters para dito, para mapunan ang mga pagkukulang ko. Pero hindi ko pa alam kung kailan ko pa 'yon magagawa. Ang dami ko na ring pending na story at hindi ko alam kung kailan ko din sila maisusulat. Halos kasabay ito ng The Crow Merchant, kaya isinantabi ko muna ang mga ideas at itinago sa mahiwagang baul sa kaibuturan ng aking isipan.
Sa mga magtatanong kung may next book pa ito, sa tingin ko meron pa. Pero tatapatin ko na kayo kasi hindi pa plantsado ang plot at kung saan tatakbo ang kwento. Walang kasiguraduhan kung kailan ko ito masusundan, kasi kung mapapansin nyo medyo nagbago na ang style ko sa pagsusulat para sa SOM. Napansin ko na nawala na yung pagiging makulit ko as a writer, kaya kailangan ko pang magbasa ulit para mabuksan ang mga acupoints ko sa kakulitan.
Sa ngayon ang magpo-focus muna ako sa The Crow Merchant, dahil sobrang haba nito at halos wala pa ako sa ¼ ng buong story. Kaya sana po ay basahin nyo rin po ito, kasi ito ang pinaka-astig na story na ginagawa ko sa ngayon. At sana ay basahin nyo rin ang mga natapos kong stories. Sure naman akong magugustuhan nyo ang mga 'yon, dahil iba't-ibang genre ang mga 'yon. At sa mga nakabasa na at sa mga malagkit kong mambabasa, sana ay ibahagi nyo ang sayang nadudulot ng mga story ko. Bawat emosyon, nadarama at pangarap ay nakapaloob sa bawat karakter na ginagawa ko, kaya sana ay wag nyo akong kalimutan sa oras na makuha ko na ang aking ikatlong bagay. Hehehe. Ayon, wala naman na akong mahihiling pa sa diyos, kundi mahigitan ang yaman ni Bill Gates, kaya sana ay ipagdasal nyo na matupad ang pangarap kong ito. Wahahaha!
"Minsan masarap isipin na wala ka na, sa katunayan nakakatulong ito para matanggap mo na ang lahat."
-chufalse
BINABASA MO ANG
School of Myths: Ang ikatlong aklat
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Eup...