Kinabukasan, labis na nagtaka sina Lyra at Sapphire, dahil malapit ng magsimula ang mga klase ngunit wala pa rin sina Jared at Rynn. At dala ng labis na pag-aalala ay sinubukan ni Lyra na tawagan si Jared, ngunit hindi ito sumasagot.
"Bakit hindi sumasagot si Jared? Nakakapagtaka namang umabsent siya. Hindi kaya mayroon siyang sakit?" Sambit ni Lyra derekta sa kaniyang isipan.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang kanilang guro, si Zinon. Agad itong nag-check ng attendance matapos nitong makapunta sa kaniyang lamesa. At sa pagkakataong ito ay napansin ni Lyra na tila may problema si Lai, ngunit hindi na niya itong nagawang matanong, dahil natawag na ang kaniyang pangalan.
Samantala, tanghali na ng nagising si Rynn at dahil nakasanayan na niyang may gumigising sa kaniya ay hirap na siyang gumising ng maaga. Halos inaatok pa siya ay bumangon, subalit mabilis nagising ang kaniyang diwa matapos makita ang oras sa kaniyang telepono.
"Hala! Tanghali na pala!" Sambit ni Rynn.
Matapos magsalita ay biglang naalala ni Rynn si Jared, kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng sandali at dali-dali itong tumakbo palabas ng kaniyang kwarto at kalaunan ay pumasok sa loob ng kwarto ni Jared. Dito ay nakita niyang natutulog pa rin ito, ngunit hindi tulad kagabi ay mukhang mas mabuti na ang kalagayan nito ngayon. Subalit nag-aalala pa rin siya, dahil dapat ay may malay na ito. Sa pagkakataong ito ay tinawagan na niya si Warren, upang ipaalam dito ang kalagayan ni Jared.
"Hello tito?" Sambit ni Rynn.
"*Oh ikaw pala, Rynn. Kamusta na ang batang 'yon? Tulog pa rin ba siya?" Sambit ni Warren.
"Opo! Hindi po ba ito masama? Hindi pa rin po kasi siya nagigising." Sambit muli ni Rynn.
"Natural lang yan, kaya wag kang mag-alala. Kinakailangan kasi ng katawan niya ang mahabang pahinga, dahil maraming lakas ang nawala sa kaniya." Sambit muli ni Warren.
"Ganon po ba, sige po tito, marami pong salamat." Sambit muli ni Rynn.
Matapos maibaba ni Rynn ang tawag ay agad niyang tinitigan ang mukha ni Jared at dito ay naalala niya ang ginawa niya kaninang madaling araw.
"Ano ba ang pumasok sa utak ko at nagawa ko ang bagay na 'yon?" Tanong ni Rynn derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay lumabas na siya ng kwarto at kalaunan ay nagtungo sa may kusina upang maghanda ng kaniyang almusal. Samantala, hindi maalis ang pag-aalala ni Lyra dahil kanina pa niya napapansin si Lai na panay lingon kay Krysel.
"Nag-away kaya silang dalawa?" Tanong ni Lyra derekta sa kaniyang isipan.
Nang matapos ang klase ni Zinon ay agad kinausap ni Lyra si Lai, dahil nag-aalala pa din siya para dito.
"Nag-away ba kayo ni Krysel?" Tanong ni Lyra.
"*Huh? Hi..hi..hindi naman, pero may nangyari kasi kahapon at siguro dahil don ay absent sina Rynn at Jared ngayon." Tugon ni Lai.
Labis na nagulat si Lyra, dahil may kaugnayan pala ang problema ni Lai sa pag-absent nina Jared at Rynn, kaya muli siyang nagtanong.
"Ba..bakit? Ano ba ang nangyari kahapon sa inyo?" Tanong muli ni Lyra.
"Sa totoo lang ay mahabang kwento, pero mukhang nalagay sa panganib ang buhay ni Jared dahil kay Krysel." Tugon muli ni Lai.
"Ano?!" Sigaw ni Lyra.
Biglang napalingon kay Lyra ang lahat at kasabay nito ang labis nilang pagtataka. Agad naman itong pinakalma ni Lai, subalit dali-dali itong tumakbo papalabas ng classroom. Muli ay labis na nagtaka ang lahat at dahil dito ay agad nilapitan ni Sapphire si Lai upang tanungin.
BINABASA MO ANG
School of Myths: Ang ikatlong aklat
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Eup...