Sa mga sandaling ito ay kasalukuyang nasa ilalim ng sumpa si Xela ng sandatang hawak niya ngayon, ang Shadow fang. Bagamat mahigpit na siyang binalaan ng kaniyang ama tungkol dito ay napilitan pa rin siyang tawagin ito, sa pagbabakasakaling makatakas sila sa tubig na pader na nagkukulong sa kanila ngayon. Subalit isang pagkakamali ang nagawang disisyon ni Xela, dahil imbes na sila ay makatakas ay mas lalo pa silang nalagay sa panganib, lalo na ang kaniyang mga kaibigan.
Sa mga sandaling ito ay halos hanggang bewang na ang tubig at pilit na pinipigilan nina Sera at Ryna si Xela sa pagwawala nito. Hirap namang makipaglaban sina Raziel, dahil hindi sila makagalaw ng malaya. At kahit sugatan na ang isa sa kanilang mga kalaban ay nasa hindi mangandang kalagayan sila, dahil kung hindi nila magagawang masira o matalo ang kalaban sa natitira nilang sandali ay tiyak na ang kanilang pagkatalo.
Samantala, nananatili lang sa isang gilid sina Jared, habang pinanood nila ang mga nagaganap.
"Ano ba talaga ang nangyayari kay Xela, Sapphire?" Tanong ni Lyra.
"Hindi ko rin alam, pero nabanggit na sa'kin ni Xela na matagal na niyang gustong subukang tawagin ang sandata ni tito Jigo, kahit ipinagbabawal ito sa kaniya. Masyado pa daw kasing bata si Xela, para subukang hawakan ang Shadow Fang." Tugon ni Sapphire.
"'Yun ba 'yung sandatang gamit niya ngayon?" Tanong ni Jared.
Patugon na sana si Sapphire, ngunit hindi na niya ito natuloy dahil labis siyang nagulat sa kaniyang nakita. Isang malakas na pag-atake mula kay Xela ang derektang tumama kay Ryna na nagresulta sa malakas nitong pagtilapon at kalaunan ay humapas sa tubig na pader.
"Ryna!" Sigaw ni Lyra.
At dahil malalim na ang tubig ay mas mabuti ang lumangoy kaysa sa tumakbo, na siyang ginawa ni Jared upang makalapit kina Xela. Hindi ito napansin nina Sapphire, dahil nakatuon ang kanilang atensyon kay Ryna. Subalit ilang sandali pa matapos makalapit ni Lyra sa kaniyang kapatid ay agad napalingon si Sapphire kina Xela at dito ay laking gulat niya matapos makita ang gagawing pag-atake nito sa kanilang kaibigan, si Sera. Samantala, dala ng labis na pagkagulat ay nanatiling tulala si Sera sa kaniyang kinatatayuan, habang pina-pananood ang gagawing pag-atake ni Xela sa kaniya.
"Sera!" Sigaw ni Sapphire.
Halos kasabay nang pagsigaw ni Sapphire ay isang bagay ang biglang lumabas sa tubig at kalaunan ay tumulak kay Sera. Hindi ito inaasahan ni Sera at sa kaniyang pagbagsak sa tubig ay ay nanumbalik na siya sa kaniyang kamalayan. Ngunit isang bagay ang labis na gumulat sa kaniya. Agad kasi niyang natukoy ang bagay na tumulak sa kaniya at kasalukuyan na itong lumulutang sa kaniyang harapan, kasabay nang pagpapalit ng kulay ng tubig sa pula.
"Hindi!" Sigaw ni Sera.
*** SFX: WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOSH! ***
Labis na kinabahan si Raziel, dahil ramdam niya ang presenyang pinapakawalan ni Sera ngayon. Kasabay nito ay may napansing kakaiba si Jeanne sa babaeng kalaban nila, si Ella. Tila nahihirapan kasi ito sa dahilang hindi niya matukoy.
"Hindi ko na kayang panghawakan pa ang barrier!" Sambit ni Ella.
Matapos magsalita ay tuluyan nang nasira ang barrier na tubig, ngunit ang tubig na nagmula dito ay kasalukuyan ngayon pumapalibot kay Sera.
"Masama ito! Jeanne! Zymone! Priority natin ang kaligtasan ng mga bata, maliwanag ba?" Sambit ni Raziel.
Agad napatugon ang dalawa, subalit nanatili lang sila sa kanilang kinatatayuan at hindi inalis ang kanilang atensyon sa dalawang kalaban na hindi kalayuan sa kanila.
BINABASA MO ANG
School of Myths: Ang ikatlong aklat
FantasíaGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Eup...