June 19, CS262. Kinabukasan, magaang gumising si Jared at mabilis na rin siyang naghanda ng kanilang almusal. Nang matapos siya ay agad na niyang ginising si Rynn, subalit tulad ng kaniyang inaasahan ay mahihirapan siyang gawin ito. Hindi kasi ito tumutugon sa kaniya, kahit paulit-ulit siyang sumisigaw at kumakatok.
"*Tsk! Mukhang mantika talaga kung matulog si Rynn." Sambit ni Jared.
Matapos magsalita ay agad kinuha ni Jared ang mga susi at matapos nito ay mabilis siyang nagbalik sa kwarto ni Rynn. Dito ay binuksan na niya ang pinto gamit ang susi at tulad muli ng kaniyang inaasahan ay makikita niya itong mahimbing na natutulog.
"*Tsk! Hoy Rynn! Gumising ka na dyan!" Sambit ni Jared.
Nagpalit lang ng kaniyang posisyon si Rynn at kalaunan ay nagtalukbong ng kaniyang buong katawan. Agad nakaramdaman ng pagkainis si Jared, kaya agad na siyang lumapit at kalaunan ay hinila ang kumot nito.
"Guimising ka na dyan, Rynn!" Sigaw ni Jared.
Biglang natigilan si Jared at ilang sandali pa ay agad siyang napatakip sa kaniyang ilong, dahil muntik ng tumulo ang dugo mula dito. Mukhang t-shirt lang kasi ang suot ni Rynn at sobrang sexy ngayon nito habang natutulog.
"Shit! Ang sexy niya! Bwisit! Hindi ko talaga mabasa ang kung anong klaseng personalidad ang meron siya. Ang mabuti pa ay ibalik ko na itong kumot!" Sambit ni Jared derekta sa kaniyang isipan.
Walang pag-aaksaya ay agad ibinalik ni Jared ang kumot at matapos nito ay agad siyang huminga ng malalim.
"Okay!" Sambit ni Jared derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay lumapit na siya kay Rynn at dito ay sinubukan niya itong gisingin sa pamamagitan ng pagtapik-tapik sa pisngi nito. Hindi naman nagtagal ay unti-unti ng nagigising si Rynn, kaya napangiti si Jared.
"Hoy Rynn! Mukhang ang sarap ng tulog mo ah! Wala ka na naman bang balak pumasok?" Sambit ni Jared.
Hindi tumugon si Rynn, bagkus ay marahan itong bumangon at kalaunan ay naghikab. Kasunod nito ay nag-inat siya at nagkusot ng mata.
"*Huh? Jared? Anong oras na ba?" Sambit ni Rynn.
Hindi magawang magsalita ni Jared sa mga sandaling ito, dahil na rin sa kalagayan ni Rynn ngayon.
"Wow! Sa tingin ko okay lang na gisingin ko siya araw-araw kung ganito naman ang makikita ko! *Gulp!" Sambit ni Jared derekta sa kaniyang isipan.
Sa mga sandaling ito ay unti-unti ng nagigising ang diwa ni Rynn, hanggang sa mamula na ang kaniyang buong mukha, dahil sa nakikita niyang ekspresyon sa mukha ni Jared.
"Jared.. Euphemia!" Sambit ni Rynn.
Bakas ang galit sa tono ng pagkakasambit ni Rynn at dahil dito ay labis na kinabahan si Jared.
"Rynn?" Sambit ni Jared.
"*Raaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Sigaw ni Rynn.
*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***
Mabilis na tumilapon papalabas ng kwarto si Jared, samantalang malakas na isinara ni Rynn ang pinto. Sa mga sandaling ito ay hindi na napigilan ni Jared ang kaniyang sarili, dahil sa kabila ng kaniyang ginagawa ay siya pa itong palaging nasasaktan.
"*Tsk! Kung lagi kang ganiyan, mas mabuti pang umalis ka na lang sa bahay! Tutal mas okay pa nung mag-isa lang ako!" Sigaw ni Jared.
Galit na tumayo si Jared at kalaunan ay agad nagtungo sa kusina at mabilis na kumain. Matapos nito ay agad na siyang naligo sa banyo. Samantala, hindi alam ni Rynn ang kaniyang gagawin, dahil batid niyang siya ang may pagkakamali at pagkukulang. Kung tutuosin ay tama ang lahat ng sinabi ni Jared kanina, kaya hindi na alam ni Rynn kung papaano hihingi ng paumanhin.
BINABASA MO ANG
School of Myths: Ang ikatlong aklat
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Eup...