Halos palubog na ang araw nang makarating sina Lina sa kanilang destinasyon. At kahit maraming pagkakataon upang tumakas ay hindi niya ito ginawa, sapagkat nais niyang malaman kung saan nagtatago o nagkukuta ang kanilang mga kalaban. Subalit labis siyang nagtataka, dahil batid niyang batid ng mga kalaban na kayang-kaya niyang tumakas, anumang oras man niya gustuhin. Gayumpaman ay hindi na niya ito masyadong inisip pa at inisip na lang na magandang pagkakataon ito, kung minamaliit ng kaniyang mga kalaban ang kaniyang kakayahan.
Sa ngayon ay naglalakad na sila papasok sa isang sirektong lagusan. Dito ay agad niyang natukoy na sa ilalim ng lupa nagtatago ang kanilang mga kalaban. At ito rin marahil ang dahilan, kung bakit hindi nila ito makita, kahit anong pilit ang gawin nila.
Sa loob ay kaswal lang silang naglalakad na tila isa siyang panauhin. Ang ipinagkaiba lang nito sa normal ay nakaposas ang kaniyang mga kamay. Subalit sa kaniyang pakiramdam ay anumang oras ay kaya niya itong sirain. Ngunit ang kaniyang ipinagtataka ay hindi ito pinapansin at tila binabaliwala lang ng dalawang kasama niya ngayon. Muli ay ginamit na lang niya ang pagkakataong ito, upang makagawa ng plano para sa kaniyang pagtakas.
"Kung ganon ay ito na ang inyong base?" Tanong ni Lina.
"Ganon na nga at kung iniisip mo na kaya mong tumakas, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa'yong imposibleng mangyari ang bagay na 'yon." Sambit ni Ella.
Napangiti na lang si Lina at dito niya natukoy na labis siyang minamaliit ng kaniyang mga kalaban.
"Mukhang tama ka nga." Sambit muli ni Lina.
"Tama na 'yan at sumunod ka na lang sa'min." Sambit ni Hierl.
Habang marahang naglalakad ay masusing sinusuri ni Lina ang buong paligid.
"Hindi ko alam kung papaano sila nakapagpatayo ng ganito kalaking pasilidad sa loob ng travincial ng hindi naming nalalaman." Sambit ni Lina derekta sa kaniyang isipan.
Higit sa inaasahan ni Lina ang kaniyang nakikita. Sobrang laki at sobrang daming pasilidad ang naririto at tila hindi ito nasa ilalim ng lupa. Batid naman niyang posibleng mangyari ito, dahil na rin ang mismong bahay nila ay may malaking basement.
"Saan nyo ba talaga ako balak dalin?" Tanong ni Lina.
"Tumahimik ka na lang at sumunod." Tugon ni Hierl.
Samantala, labis nang nag-aalala si Rein, dahil hindi na niya magawang matawagan ang kaniyang anak.
"*Tsk! Kasalanan mo ito! Dapat hindi mo pinayagan si Zenith na kunin ang ipinag-uutos sa'tin ni master Zilan." Sambit ni Rien.
"Wag kang mag-alala, malakas at matalino ang ating anak. At nakasisiguro akong nasundan na niya ang mga kalaban sa pinagtataguan ng mga ito." Sambit ni Melo.
*** Melo Serpenta. Siya ang napangasawa ni Rein at tulad niya ay isa din itong mythical shaman ng Serpent, at matagal nang naglilikod sa magkakapatid na Icarus. Bukod sa pagiging bihasa sa pang-eespiya ay magaling din siyang makipaglaban. At dahil dito ay siya na ngayon ay napipisil na hahalili upang pamunuan ang kanilang lahi.
Slim ang pangangatawan ni Melo, nasa 5'7" ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat, at tulad ng kanilang anak, kulay asul ang kulay ng kaniyang buhok. ***
"At pano ka naman nakakasiguro? Papaano kung nabihag na siya? O kaya ay..." Sambit ni Rein.
"*Tch! Bakit ka ba ganyan mag-isip? Wala ka bang tiwala sa'ting anak?" Sambit muli ni Melo.
BINABASA MO ANG
School of Myths: Ang ikatlong aklat
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Eup...