Kinabukasan, agad nagpulong ang mga clan leaders, kasama sina Eclaire, Lyrices at Azys, at para ito sa marahas na hakbang na ginagawa ni Raziel sa mundo ng mga mortal. At salamat sa kapangyarihan ni Eclaire ay nagawang makarating ni Drake, dahil tulad ng kaniyang kapatid ay nangangalap din siya ng impormasyon sa labas ng Travincial.
Sa mga sandaling ito ay balot ng katahimikan ang lahat, habang marahang naglalakad papasok sa loob si Raziel kasama si Zenon.
"Mabuti naman at nandito ka na, Raziel Draken." Sambit ni Ensigma.
Matapos marinig ni Raziel ang kaniyang pangalan ay mabilis siyang nagpakawala ng nakakatakot na presensya, sapat upang makaramdam ng panganib ang lahat. Subalit hindi naman nagpadaig si Ensigma at nagpakawala din ito ng nakakatakot na presensya.
"*Fufufu... Mukhang nagbalik na ang dating marahas na Raziel, ngunit mag-iingat ka sa ikinikilos mo dahil anumang oras ay kaya kitang paslangin." Sambit muli ni Ensigma.
"Wag mo akong patawanin, bloody Zebra! Isa ka na lang matandang ukluban, kaya ano pa ang kaya mong gawin?" Sambit ni Raziel.
Hindi nagustuhan ni Ensigma ang kaniyang mga narinig, kaya mabilis siyang tumayo. Agad naman siyang pinakalma ng iba pang clan leaders na kalaunan ay napagtagumpayan naman.
"Alam kong nais nyo akong litisin, dahil sa ginawa ko sa'ting mga kalaban, pero alam kong alam nyo na hindi nyo na ako mapipigilan sa mga nais kong gawin." Sambit ni Raziel.
Muli ay hindi nagustuhan ni Ensigma ang kaniyang mga narinig, kaya muli na siyang nagsalita. Subalit hindi na niya ito na ituloy pa, dahil agad nagsalita ang clan leader ng mga vampire.
"Tama na 'yan, Raziel.Kahit na anong klaseng galit pa ang iyong nararamdaman ay mali pa rin na labagin mo ang ating batas."Sambit ni Azys.
"Tama si Azys at alam kong matinding galit ang nadarama mo para sa ginawa nila kay Lina. Pero hindi tama ang iyong ginawa laban sa mga taong pinaslang mo." Sambit ni Drake.
"Kilala mo ako kuya at walang makakapigil sa'king pagkauhaw sa pagpaslang para sa gumagawa noon kay Lina. At wala akong paki-alam kahit mga tao, sorcerer, druid o mythical shaman pa sila. Dahil lahat ng haharang sa'king landas ay papaslangin ko." Sambit muli ni Raziel.
"Huminahon ka Raziel dahil sa tingin ko ay matatagalan bago sila muling magpakita."Sambit muli ni Azys.
Agad napalingon si Raziel kay Azys, dahil hindi niya inaasahan ang kaniyang mga narinig mula dito.
"Bakit Azys?" Tanong ni Raziel.
"Dahil tama ang hinala namin kung saan makikita sina Erdie, pero sa kasamaang palad ay nagawa pa rin nilang makatakas. Ngunit wala silang nai-salbang mga aparato o makina na gamit nila sa kanilang pasilidad, dahil wala na silang oras para gawin pa ang bagay na 'yon." Sambit ni Lyrices.
"*Tch! Kung ganon ay pagkakamali ko ang hindi pagsama sa inyo sa Tristram." Sambit muli ni Raziel.
"Kung ganon ay nais kong i-ulat mo sa'min ang inyong natuklasan, ginoong Azys." Sambit ng Re-armed clan leader.
Sa pagkakataong ito ay nagsimula ng magkwento si Azys patungkol sa mga nangyari kahapon.
Kahapon, hindi inaasahan ni Anor ang ilusyong ginawa ni Azys at sa ngayon ay wala na rin siyang oras upang balaan pa sina Erdie para sa paparating na kalaban. Dahil sa mga oras na ito ay imposible para sa kaniya ang tumakas.
"*Tch! Hindi ito maganda!" Sambit ni Anor derekta sa kaniyang isipan.
Ngunit ilang sandali pa ay isang panganib ang kaniyang naramdaman, kaya dali-dali siyang napatalon paatras upang umiwas.
BINABASA MO ANG
School of Myths: Ang ikatlong aklat
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Eup...