Chapter 31: Ang pagsilang ng panibagong Phoenix

2.6K 108 21
                                    

Kinagabihan, isang tawag mula sa telepono ang natanggap ni Summer at mula ito sa kay Rynn. Agad siyang natuwa, dahil matagal na silang walang komunikasyon. Matagal na rin kasing hindi pumapasok si Rynn sa kanilang club activities, magmula nang mawala si Jared.

"Kamusta Rynn?! Ano balita? Papasok ka na ba sa club?" Sambit ni Summer.

Subalit mabilis napalitan ang masaya niyang ekspresyon matapos marinig ang tugon nito. Ilang sandali pa ay mabilis na siyang lumabas sa kaniyang kwarto at dali-daling tumakbo patungo sa tanggapan ng kanilang leader.

Hindi naman nagtagal ay narating na niya ang pasilyo patungo dito, subalit hindi naman niya magawang dumiretso, dahil hindi basta-basta makakapasok ang kung sino lang dito, lalo na't kung wala silang appointment. Mabuti na lang at nakita niyang papalabas si Sapphire, kaya dali-dali na niya itong tinawag. Samantala, kahit labis na nagtataka ay mabilis na lumapit si Sapphire at kalaunan ay nagtanong.

"Bakit, Summer? May kailangan ka ba kay lolo?" Tanong ni Sapphire.

"Oo! May problema! Si Rynn! Tumawag si Rynn at ang sabi niya ay nawawala ang kaibigan niyang si Lai! At base sa tono nang pananalita niya ay may masamang nangyari dito." Tugon ni Summer.

Hindi inaasahan ni Sapphire ang kaniyang mga narinig, kaya sandali siyang natahimik. Ngunit hindi naman ito nagtagal at ilang sandali pa ay muli na siyang nagsalita.

"Maaari ko ba siyang makausap sa telepono?" Tanong ni Sapphire.

Mabilis na tumugon si Summer at ilang sandali pa ay agad niyang kinuha ang kaniyang telepono at kalaunan ay muling tinawagan ang numero ni Rynn. At nang mag-ring ito ay agad na niya itong inabot kay Sapphire. Agad naman itong sinagot ni Rynn at kalaunan ay nagsalita.

"Hello, Summer? Nakausap mo na ba ang clan leader nyo?" Tanong ni Rynn.

"Sorry Rynn, pero si Sapphire ito. Hindi pa nakakausap ni Summer ang lolo ko at gusto kong malaman ang dahilan kung bakit gusto nyong makausap si lolo." Tugon ni Sapphire.

"Sapphire?! Kung ganon makinig ka! Kasama ko kanina si tito Sai para hanapin si Lai sa pamamagitan nang pagsunod sa amoy nito. Hanggang sa makarating kami sa isang masukal na lugar at doon namin nalaman na may naganap na paglalaban. Ayon kay tito ay bukod sa amoy ni Lai ay may naamoy din siyang isang mythical shaman ng Serpent at dalawang hindi pamilyar na amoy. At sa ngayon ay sinusundan na niya ito, kaya bilisan mo na at ipaalam mo na ito sa iyong lolo! Nagsisimula na ding kumilos ang Papa Krysel, dahil nasabi ko na rin sa kaniya ang sitwasyon." Sambit muli ni Rynn.

Sa mga sandaling ito ay hindi na nagsalita pa si Sapphire at dali-dali na siyang tumakbo, pabalik sa silid ng kaniyang lolo.

Samantala, kasalukuyan na ngayong magkakasama ang magkakaibigan sa bahay nina Zenon. At hindi makapaniwala ang bawat isa sa kanilang mga narinig mula kina Zenon at Eclaire.

"Si Papa? I...i...imposible ang bagay na sinasabi mo! Hinding-hindi niya magagawa ang bagay na 'yon!" Sambit ni Annie.

"Alam kong mahirap itong tanggapin Annie, pero nagsasabi kami ng katotoohanan. Kaya mas makakabuti kung babantayan mo muna ang kilos ng iyong ama, dahil posibleng nasa ilalim lang siya ng kapangyarihan ng mga kalaban." Sambit ni Eclaire.

"*Tch! Sa sobrang payapa ng travincial ay naging mga kampante tayo. Hindi na natin naisip na may mangyayaring ganito." Sambit ni Carl.

"Hindi ko kayo masisisi, dahil kahit kami ay hindi rin inisip na mangyayari ang ganito. Sa ilang daang taong lumipas ay ngayon lang nagparamdam sina Erdie. *Tch! Kasalan kasi ito ni Zeus!" Sambit muli ni Eclaire.

School of Myths: Ang ikatlong aklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon