Chapter 35: Sa pagsiklab ng alab II

2K 84 23
                                    

Balot ng takot ang mga kalalakihan, habang walang awa silang inaatake ng walang buhay nilang kalaban, isang Golem. At nasa ibabaw nito ay ang kaniyang lumikha, si Raziel.

Nagagawa namang atakehin ng mga lalaki si Raziel, gamit ang kanilang espesyal na sandata, ang kanilang anti-myth weapon. Subalit hindi nila mapagtagumpayan na ito ay patamaan, dahil na rin sa mga bato na umiikot sa buo nitong katawan na siyang sumasalag sa kanilang mga pag-atake.

"Ang akala ko ba ay alam nyo na ang aking kahinaan? Pero bakit hindi nyo magawang matalo ang mahinang golem na ito?" Tanong ni Raziel.

Nakangiti lang si Raziel na tila masaya habang pinanood ang marahas na pagpaslang ng kaniyang golem sa mga kalalakihan na nahuhuli nito.

"*Tch! Kung magagawa lang natin siyang mapatamaan ng ating mga sandata. Natitiyak kong agad siyang mahihina, pero wala sa intel na ibinigay sa'tin ang mga bato na 'yon!" Sambit ng isang lalaki.

"Ang mga batong 'yon ay parang may sariling isip, dahil kahit saang angolo natin siya atakehin ay nasasalag lang ito ng mga batong 'yon." Sambit ng isa pang lalaki.

"*Fufufu... Kung ganon ay ilabas ang mas malaki nating sandata." Sambit muli ng lalaki.

Mabilis na tumugon ang lalaki at kalaunan ay agad kinuha ang kaniyang radio. Samantala, napansin naman ni Raziel ang paghinto sa pag-atake sa kaniya, kaya saglit siyang nagmasid sa paligid.

"*Fufufu... Kung ganon ay gagamit na sila ng mas malakas na santada huh? *Fufufu... Kung ganon ay oras na para magsaya." Sambit ni Raziel.

Matapos magsalita ni Raziel ay ilang mga pagyanig ang nalikha at dahil dito ay sandaling nahinto ang paghahanda ng mga kalalakihan.

"A...a...a...ano ang nangyayari?!" Tanong ng isang lalaki.

Hindi na nagawang tumugon ng mga kasama nung lalaking nagsalita, dahil may bagay ang biglang kumuha dito. At dala ng labis na pagkabigla ay agad napatakbo papalayo ang mga lalaki, subalit saglit din silang napahinto matapos mapansin ang kanilang sitwasyon. Napapalibutan na sila ng mga golem at ang bawat isa sa mga ito ay walang awang pinapaslang ang kanilang mga kasama.

"*Fufufu... Matagal-tagal din ang huling maramdaman ko ang ganitong blood lust." Sambit ni Raziel.

Walang magawa ang mga kalalakihan, laban sa inakala nilang simpleng kalaban. At dahil bukod tanging makakagapi lang sa kanilang kaharap ngayon ay ang kanilang mga anti-myths weapon, ay wala na silang alam na ibang paraan upang makalaban. Lalo na ngayon ay balot na sila ng takot at kawalan ng pag-asa.

Samantala, labis na nagulat si Zenon sa kaniyang naabutan at batid niyang may hindi tama sa nangyayari ngayon kay Jared.

"Anong ginawa nyo kay Jared?" Tanong ni Zenon.

"Hindi na 'yon importante pa at dapat magpasalamat ka na lang dahil nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon." Tugon ni Ella.

Matapos magsalita ay isang pag-atake ang pinakawalan ni Ella, subalit sinalag lang ito ni Zenon gamit ang kaniyang kanang kamay. Hindi naman makapaniwala si Ella, dahil mabilis lang nag-evaporate o naglaho ang ginawa niyang pag-atake.

"Uulitin ko ang tanong ko sa'yo Ella, anong ginawa nyo kay Jared?" Sambit muli ni Zenon.

"Jared, mabuti pang umalis ka na dito." Sambit ni Ella.

Tila hindi nagustuhan ni Zenon ang kaniyang mga narinig at dahil dito ay mabilis na siyang sumugod. Hindi naman inaasahan ni Ella ang bagay na ito at dahil sa sobrang bilis ay imposible na para sa kaniya ang makaiwas pa o kahit ang makasalag.

School of Myths: Ang ikatlong aklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon