Palubog na ang araw ng magising si Jared at sa kaniyang pagdilat ay agad niyang napansin ang isang pag galaw, hindi kalayuan sa kaniyang tabi.
"*Oh! Gising ka na pala!" Sambit ni Zenon.
"Zenon? Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ni Jared.
"*Ahh! May gusto lang sana akong ibigay sayo. Pero mukhang hindi magandang gisingin ka, kaya naghintay na lang akong magising ang isa sa inyo." Sambit muli ni Zenon.
"Ganon ba? Salamat.." Sambit muli ni Jared.
Sa mga sandaling ito ay halos natutulog pa rin ang diwa ni Jared. At dahil dito ay hindi niya mapansin ang dahilan kung bakit parang ang bigat ng kaniyang katawan. Ngunit ilang sandali pa ay tuluyan na itong nagising matapos pumasok sa kaniyang isipan ang huling sinabi ni Zenon.
"Magising ang isa sa'min?" Tanong ni Jared derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay napansin na niya ang kakaiba sa kaniyang paligid. Ramdam din niya ang bigat sa kaniyang kaliwang balikat, na dahilan kung bakit hindi niya magawang gumalaw. Sa mga sandaling ito ay napalunok muna siya bago tuluyang mapalingon dito.
"Rynn?!" Sambit ni Jared.
Muli ay napalunok si Jared at matapos nito ay marahan na niyang inalalayahan si Rynn, hanggang sa tuluyan na itong makahiga sa sofa.
"Bakit naman kaya magkatabi kaming natulog?" Tanong ni Jared.
"*Fufufu.. Hindi ba dapat ako ang nagtatanong nyan sayo?" Sambit ni Zenon.
"Loko ka! Hindi mo nauunawaan ang lahat!" Sambit muli ni Jared.
"Nauunawaan ko! Sorry kung nakaistorbo ako!" Sambit muli ni Zenon.
"*Tsk! Papaano ko ba 'to ipapaliwanag." Sambit muli ni Jared.
"Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag.. Ang totoo nito ay nai-inggit ang unang Zenon sayo." Sambit muli ni Zenon.
Napa-facepalm na lang si Jared, kasabay ng kaniyang pag-iling.
"Ang mabuti pa ay dun na tayo sa may kusina mag-usap." Sambit muli ni Jared.
"Hindi na kailangan.. Napa rito lang naman ako para ibigay sayo ang bagay na 'to." Sambit muli ni Zenon.
Matapos magsalita ay agad inabot ni Zenon ang dala niyang ispada kay Jared.
"*Ahh! Salamat! Pero kaya ko naman bumili ng bagong ispada eh." Sambit muli ni Jared.
"*Fufu.. Wala kang mabibiling ispada na tulad nyan, dahil nag-iisa lang yan." Sambit muli ni Zenon.
"Talaga? Pero bakit mo naman ito ibinibigay sa'kin? Hindi ba mahalaga ang sword na 'to?" Sambit muli ni Jared.
"Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong ni Zenon.
"Bakit ko naman hindi magugustuhan 'to? Ang ibig ko lang sabihin ay bakit mo 'to ibibigay sa'kin kung nag-iisa lang pala ito." Sambit muli ni Jared.
"Para yan sa proteksyon mo. Gamit yan, maaari kang makatalo ng isang mythical shaman." Sambit muli ni Zenon.
"Talaga? Ang cool naman pala ng sword na 'to!" Sambit muli ni Jared.
"Sakto sayo ang sandatang yan, dahil magaan lang yan dalin." Sambit muli ni Zenon.
"*Uhm!" Sambit muli ni Jared.
BINABASA MO ANG
School of Myths: Ang ikatlong aklat
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Eup...