Chapter 33: Ang pagsilang ng panibagong Phoenix. Part 3

2.5K 104 25
                                    

Mabilis na naglakad si Zenith patungo sa malaking kapsula kung saan walang malay na nakalagay si Jared. Subalit tila naramdaman ang kaniyang pagkilos ng babaeng sinundan niya, kaya saglit siyang huminto at marahang kinontrol ang kaniyang paghinga. Ilang sandali pa ay nabura na ang pag-aalala sa mukha ng babae at itinuloy na muli nito ang kaniyang ginagawa sa harapan ng malaking monitor.

Agad namang inalam ni Zenith ang ginagawa nito at tila may kinalaman ito sa malaking kapsula kung saan nakalagay si Jared.

"Jared... Anong ginawa nila sa'yo?" Tanong ni Zenith derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay maingat na naglakad papalapit si Zenith, subalit agad siyang napahinto matapos magbukas ang malaking kapsula. Mabilis na tumapon ang tubig sa loob at mabilis na kumalat sa sahig.

Agad na bahala si Zenith, dahil batid niyang sa oras na matapakan niya ang tubig ay agad mapapansin ang kaniyang presensya, kaya marahan na siyang umatras at umiwas dito.

At nang makahanap ng tamang pwesto na hindi aabutin ng tubig ay muli niyang ibinalik ang kaniyang atensyon kay Jared at sa babae.

"Patawad Jared, pero kailangan na nating umalis kahit hindi ka pa lubusang magaling." Sambit ni Ella.

Matapos magsalita ay marahan nang inalis ni Ella si Jared sa kinalalagyan nito at kalaunan ay binuhat. Paalis na sana siya ngunit saglit siyang napahinto at kalaunan ay napalingon sa kaniyang likuran.

Sa mga sandaling ito ay labis na nabigla si Zenith at kalaunan ay napatingin sa kaniyang tinatapakan, ang nabasang sahig.

"Lagot." Sambit ni Zenith derekta sa kaniyang isipan.

Kasabay nito ay mabilis na umangat sa ere ang mga tubig at kalaunan ay mabilis na nagtungo, patungo sa derektsyon niya. Dala na rin sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na niya nagawang makaiwas at derekta siyang tinamaan ng mga pag-atake.

Mabilis na nasira ang pagtatago ni Zenith at kasunod nito ay ang kaniyang pagbagsak.

"Tama nga ang iniisip ko. Nasundan ako dito ng batang serpent. *Tch... Hindi ito maganda, mabuti pang umalis na kami dito." Sambit ni Ella.

Batid ni Ella ang kaniyang sitwasyon, kaya ang bawat segundo ay labis na mahalaga. Sa mga sandaling ito ay mabilis na siyang naglakad patungo sa dulo ng silid. Dito ay may parte siyang sinuntok at kasabay nito ay ang pagbubukas ng isang lagusan.

Samantala, patuloy pa rin sa kaniyang pag-iyak si Cleo, dahil huli na ang lahat para iligtas ang kaniyang kapatid at pinsan. Batid din nina Zenon na wala silang magagawa tungkol dito, kaya mas napahigpit na lang siya sa kaniyang pagkakadakot,

"Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nilang ito sa'yo Cleo." Sambit ni Zenon.

Ngunit ilang sandali pa ay mabilis na nalipat ang kanilang atensyon kay Zerine. Bigla kasing nagliyab ang buong katawan nito at ang kanilang labis na ipinagtataka ay kulay asul ito. Hindi nagtagal ay mabilis itong naging abo, ngunit kasunod nito ay ang pag-iyak ng isang sanggol.

"Imposible! Ang apoy na 'yon... Tulad ng kay Zeren." Sambit ni Eclaire.

Habang nagsasalita ay mabilis na nilapitan ni Eclaire ang sanggol at kalaunan ay marahan itong kinuha.

"Na-reincarnate ang phoenix na ito... Wag mong sabihing ito ang resulta sa ginawa nilang eksperimento sa kanila?" Sambit muli ni Eclaire.

Biglang nahinto sa kaniyang pag tangis si Cleo at kalaunan ay napatitig sa kaniyang kapatid na nananatili sa kaniyang mga bisig. Subalit hindi tulad ng kaniyang pinsan ay hindi nagliyab ang katawan nito.

School of Myths: Ang ikatlong aklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon