Tatlong taon ang lumipas, buhat ng mawala si Rain. Labis pa ring nangungulila ang magkakaibigan, dahil hanggang sa ngayon ay walang balita tungkol kay Rain. Wala na rin sa Travincial si Hades at ang mga anak nito, kasama si Zinon. Ngunit kahit papaano naman ay tila naka move-on na si Selina, dahil masaya na siya sa piling ng bago niyang pag-ibig, si Carl. May kani-kaniyang trabaho o pinagkakaabalahan na rin ang magkakaibigan, dahil may isang taon na rin silang nakatapos sa kanilang pag-aaral. Madalas pa rin naman silang magkita at kalagian silang nagkikita-kita sa bahay nina Rain. Sa katunayan ay kasalukuyan silang nagku-kwentuhan ngayon dito at tungkol ito sa pina-plano nina Selina at Carl.
"Talaga? Binabalak nyo na ring magpakasal? Mabuti naman kung ganon." Sambit ni Sophia.
"*Uhm! Nag-proposed na kasi sa'kin 'tong si Carl, kahapon." Sambit muli ni Selina.
"Whoa.. Papaano naman nag-proposed ang lokong ito sayo? Sige nga, ikwento mo sa'min." Sambit ni Mishia.
"*Hmm.. Sa totoo lang ay tinanong lang niya ako kung payag akong magpakasal sa kaniya. Omoo naman ako." Tugon ni Selina.
"*Tsk! Ang boring nyo talaga!" Sambit ni Eimi.
"Wag ka namang magsalita ng ganiyan, Eimi. Ang totoo kasi nyan ay humingi sa'kin ng tulong si kuya Carl. At ako ang nagsabi sa kaniya na tanungin na lang si ate Selina tungkol dito." Sambit ni Melisa.
"Ta..ta..tama si Melisa. At isa pa ay hindi naman mahalaga kung papaano ko inalok si Selina. Ang mahalaga naman ay tinanggap niya ang alok ko." Sambit ni Carl.
"At kailan nyo naman binabalak magpakasal?" Tanong ni Jigo.
"Siguro sa susunod na taon." Tugon ni Selina.
"Hindi ko inaasahan na susunod kayo kagad sa'min ni Jigo. Tama ako, diba Papa?" Sambit ni Alex.
Hindi na nagawang magsalita ni Jigo, bagkus ay napakamot na lang ito sa kaniyang ulo.
"*Hmm.. Sa tingin ko nga mas mabuti kung magpakasal na tayong lahat eh. Para maging magkaka-edad lang yung magiging mga anak na'tin." Sambit ni Sophia.
"Whoa! Hindi ko inaasahang marinig sayo ang mga yon, Sophia." Sambit muli ni Alex.
"Oo nga.." Sambit ni Melisa.
Sa mga sandaling ito ay napuno ng tawanan ang bahay nina Rain, subalit hindi naman ito nagtagal at ilang sandali pa ay nahinto ito, matapos nilang buksan muli ang kanilang pinag-uusapan.
"*Hmm.. Kung nasasabi ni Sophia ang bagay na ito, siguro naman may napupusuan ka na? Tama ba ako?" Sambit ni Mishia.
"*Hmm.. Napaisip tuloy akong bigla.. May nagugustuhan ka na bang lalaki, Sophia? Pero parang ang hirap isiping may nagugustuhan ka na." Sambit ni David.
"Oo nga no.. Anong klaseng lalaki ba ang nagustuhan mo? Kilala ba na'min siya?" Tanong ni Carl.
Sandaling natahimik ang lahat, dahil naghihintay sila ng tugon mula kay Sophia. Subalit hindi ito inaasahang mangyari ni Sophia, kaya napayuko na lang siya.
"Woho? How suspicious this reaction? Siguro nga kilala na'tin ang nagugustuhan ni Sophia." Sambit ni Selina.
"Tama na yan. Wag nyo ng i-tease pa si Sophia. Malalaman naman din naman na'tin ang tungkol don sa tamang panahon." Sambit ni Lina.
"Siguro may alam ka tungkol dito?" Sambit muli ni Selina.
"Oo may alam ako! Pero wala akong karapatang sabihin 'to sa inyo." Sambit muli ni Lina.
BINABASA MO ANG
School of Myths: Ang ikatlong aklat
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Eup...