Chapter 6: Lesson 3 - Kung mapa-away man, dapat siguraduhin may tutulong sayo

4.8K 164 32
                                    

Sa paglalakad ni Jared pauwi ay may isang bagay siyang hindi inaasahan na makaharap. May apat na kalalahikan kasi ang kasalukuyang naharang sa kaniyang daanan. Batid naman niya kung sino ito at ito ang bagay na bumabagabag sa kaniya.

"Kamusta ka na, Jared Euphemia?!" Nakangiting pagkakasambit ng isang lalaki.

"*Tsk! Mukhang hindi maganda 'to!" Sambit ni Jared derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay pinalibutan na si Jared ng apat na lalaki at kalaunan ay nagsalita na ang isa sa mga ito.

"*Fufufu.. Ngayon makikilala mo kung sino ako." Sambit muli ng lalaki.

"Ano ba ang gusto nyong mangyari?" Tanong ni Jared.

"*Fufufu.. Matapang ka talaga para sa isang tao. Pero sisiguraduhin kong magmamakaawa ka sa'kin mamaya." Sambit muli ng lalaki.

Ilang sandali pa ay nagsimula ng maglakad ang mga lalaki at wala ng nagawa si Jared, dahil tulak-tulak na siya ng mga nasa likod niya. Samantala, nakita ni Rynn ang pangyayaring ito kaya palihim siyang sumunod hanggang sa makarating sina Jared sa isang bakanteng lote.

"Ano ba talaga ang gusto nyo?!" Tanong ni Jared.

Hindi na nagsalita pa ang lalaking kausap niya at mabilis siya nitong sinuntok. Labis itong ikinagulat ni Jared, ngunit salamat sa kaniyang pagsasanay sa kamay ni Zenon dahil nagawa niya itong ilagan.

"Whoa! Hindi ko inaasahan na maiilagan mo yon. *Fufufu.. Mukhang mag-eenjoy ako nito." Sambit ng isang lalaki.

Ikinagulat din ni Rynn ang kaniyang nakitang pag-iwas ni Jared. Hindi niya inaasahan na ang isang tao ay may kakayahang umiwas sa pag-atake ng isang mythical shaman.

"*Tsk! Masama ito! Imposibleng manalo ako nito ng walang gamit na sandata. Dapat pala sinunod ko na ang payo ni Zenon na magdala ng espada sa school." Sambit ni Jared derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay muling sumugod ang lalaki at sunod-sunod na ang ginagawa nitong pag-atake. Naiiwasan naman ni Jared ang ilan at ang iba naman ay kaniyang nasasalag, ngunit sadyang imposible sa kaniya ang manalo, dahil wala siyang gamit na sandata at mga mythical shaman ng dragon ang kaniyang kalaban.

Ilang minuto pa ang lumipas ay marami ng natamong pinsala sa katawan si Jared. Sinubukan naman niyang lumaban, ngunit hindi man lang niya nagawang mataaman ang kaniyang kalaban sa ngayon.

"*Tsk! Mabuti na lang at hindi tumutulong ang mga kasama niya, dahil kundi baka patay na ako ngayon." Sambit ni Jared derekta sa kaniyang isipan.

"Ano na Jared Euphemia?! Wag mong sabihin sa'king pagod ka na?! *Hahaha! Maglaro pa tayo! I-entertain mo pa kami!" Sambit ng lalaki.

"*Tsk!" Sambit ni Jared.

Sa ngayon ay patuloy pa rin sa kaniyang panood si Rynn, dahil wala din siyang dalang sandata upang makalaban. Hindi naman siya natatakot, ngunit batid na niya ang magiging resulta kung magpapakita siya at tutulong, kaya minabuti na lang niyang magtago at hintaying matapos ang lahat.

Ilang sandali pa ay ipinagpatuloy nang lalaki ang kaniyang pag-atake kay Jared. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi lang basta normal na pag-atake ang kaniyang ginagawa, dahil may halo na itong elemento ng apoy. Sa pagkakataong ito ay hindi na kayang salagin ni Jared ang mga pag-atake, kaya ang bawat pagtama nito sa kaniya ay labis na mapaminsala. Samantala, gusto ng lumabas ni Rynn upang tumulong, ngunit wala pa ring magbabago sa naiisip niyang resulta kaya pilit siyang nagtitimpi habang nagtatago. Ngunit ilang sandali pa ay may isang lalaki ang biglang nagpakita, agad napalingon dito ang lahat at kalaunan ay nagtanong.

School of Myths: Ang ikatlong aklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon