Chapter 19: Ang pagbabalik

3.8K 124 33
                                    

Kinabukasan, labis na nagulat ang buong class Wind-1, dahil sa isang lalaking pumasok sa kanilang classroom, si Jared. Ang alam kasi nila ay nag transfer na ito sa ibang school sa Ceto city, kaya nilapitan na siya ng iba pa niyang mga kaklase upang kausapin. Inasahan naman ni Jared na mangyayari ang ganito, kaya agad niyang tinugon ang mga tanong nito sa kaniya.

Hindi naman nagtagal ay naunawaan nang lahat ang kaniyang pagpapaliwanag at dahil dito ay bahagya na siyang nakahinga ng maluwag. Sa ngayon kasi ay halos wala pa ang iba pa nilang mga kaklase, ngunit inaasahan naman niyang maipapaliwanag na ito ng kanilang guro mamaya. Naabisuhan na kasi ng mga magulang niya ang paaralan na hindi niya siya lilipat pa.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na sina Lyra at Sapphire. Agad silang napangiti matapos makita si Jared, kaya hindi na sila nag-aksaya pa ng sandali at dali-dali na nila itong nilapitan at kalaunan ay sandali silang nagkwentuhan. Ilang sandali pa ay sabay-sabay pumasok sina Lai, Rynn at Krysel at tila may pinag-uusapan sila, dahil hindi agad nila napansin si Jared. Ngunit biglang nahinto ang kanilang pag-uusap ng biglang huminto sa paglalakad si Krysel. Labis naman itong ipinagtaka nina Rynn at Lai, dahil base sa ekspresyon ngayon nito.

"Bakit Krysel? May masakit ba sa'yo?" Tanong ni Lai.

Ngunit walang itinugon si Krysel at patuloy lang itong tahimik at tila pinipigilan ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. Sa pagkakataong ito ay mas lalong nag-aalala ang dalawa para sa kaibigan, ngunit ilang sandali pa ay natukoy na nila ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Krysel. Sa katunayan ay pati sila ay nagulat, dahil ang alam nila ay nagtransfer na ito sa ibang school.

"Ja..red.." Sambit ni Rynn.

Matapos magsalita ni Rynn ay dali-daling tumakbo si Krysel papalabas ng kwarto. Sinubukan naman siyang pigilan ni Lai, ngunit hindi niya ito nagawa. Dahil sa pangyayaring ito ay halos napukaw nila ang atensyon ng lahat at kasama na dito sina Jared.

Samantala, batid ni Jared na siya ang dahilan kung bakit tumakbo si Krysel. Naikwento kasi nina Lyra na sinisisi nito ang kaniyang sarili sa nangyari sa kaniya, na totoo namang nangyari. Ngunit gayumpaman ay hindi nagagalit si Jared para kay Krysel, bagkus ay nakaramdam pa siya ng awa para dito. Nakwento na din kasi sa kaniya ni Zenon ang ganitong pangyayari tungkol sa mga mythical shaman ng elf, kaya tanggap na niyang hindi sinasadya ni Krysel ang nangyari sa kaniya.

Walang pag-aaksaya ay agad nagpaalam si Jared kina Lyra at kalaunan ay mabilis na tumakbo papalabas ng classroom, upang subukang habulin si Krysel. Hindi naman siya nabigo at nagawa niya itong maabutan, bago pa ito tuluyang makalabas ng kanilang campus. Agad niyang hinila ang braso nito, dahilan upang mapahinto ito sa pagtakbo.

"Sandali lang Krysel. Nasabi na sa'kin nina Lyra na sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari sa'kin, pero wag kang mag-alala dahil hindi naman ganon ang iniisip ko." Sambit ni Jared.

Sa pagkakataong ito ay marahang humarap si Krysel kay Jared at dito niya nakita na umiiyak ito. Hindi niya ito inaasahan, kaya sandali siyang natahimik.

"Talaga? Hindi ka galit sa'kin?" Tanong ni Krysel.

Marahang pinupunasan ni Krysel ang kaniyang mga luha habang nagsasalita at dahil dito ay mas lalong tumigil sa pag-iisip ang utak ni Jared.

"A..a..ano ito? Bakit parang nag-iba ang pagkatao ni Krysel? Siya ba talaga 'to?" Tanong ni Jared derekta sa kaniyang isipan.

"Jared?" Sambit muli ni Krysel.

"*Ahh! O..oo! At ba..ba..bakit naman ako magagalit sa'yo?" Sambit muli ni Jared.

"Kasi dahil sa mga niluto ko kaya muntik ka nang mamatay." Sambit muli ni Krysel.

School of Myths: Ang ikatlong aklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon