Chapter 20: Hindi matukoy na damdamin

3.8K 144 50
                                    

July 30, CS262. Araw ng lunes at tulad ng normal na nangyayari sa buhay pag-aaral ni Jared ay balot pa rin ng panganib ang Olympus university, dahil kalat na sa buong campus ang relasyon niya kay Krysel. At kahit gustuhin man niyang tumakas o umiwas dito ay hindi niya ito magawa, dahil lagi siyang hinihintay ni Krysel sa labas ng gate. Ngunit salamat dito, dahil masisiguro niya ang kaniyang kaligtasan. Nung nakaraang dalawang linggo kasi ay may umatake sa kaniya at isa itong second year. Ngunit hindi na nito nagawang makalapit sa kaniya, dahil mabilis itong inatake ni Krysel gamit ang kaniyang kapangyarihan. At dahil sa insidenteng ito ay nakita nila ang isa pang katauhan sa likod ng maamong mukha ni Krysel at labis itong nakakatakot. Dahil din dito ay mas lalong nasakal si Jared, dahil wala siyang magawa upang pigilan o kontrahin man lang si Krysel. Pakiramdam niya tuloy ay itinuturing na siyang pagmamay-ari nito.

Nang makarating sila sa kanilang classroom ay nakahinga na ng maluwag si Jared, dahil dito ay maghihiwalay na sila ni Krysel. Magkalayo kasi ang kanilang upuan, kaya ng makaupo na siya ay nagpaalam na sa kaniya si Krysel at sinabing mamaya na lang ulit sila mag-usap. Nang tuluyang maalis si Krysel ay napabuntong hininga na lang siya.

"Mukhang malaki ang problema mo ah." Sambit ni Sapphire.

Agad napalingon si Jared kay Sapphire suot ang depressed na ekspresyon.

"Malaki talaga! Alam mo bang galit sa'kin ang halos lahat ng kalalakihan dito sa campus? Kahit sa pag-uwi ko nararamdam ko ang mga presensya nila." Tugon ni Jared.

"Ikaw ba naman kasi ang magkaroon ng sikat na girlfriend." Sambit ni Rynn.

Sandaling natahimik sina Jared at halos sabay silang napalingon kay Rynn.

"Girlfriend? Na..na..nagkakamali ka, dahil wala naman talaga kaming relasyon!" Sambit muli ni Jared.

"Bakit hindi mo sabihin kay Krysel ang bagay na 'yan?" Sambit muli ni Rynn.

Sa mga sandaling ito ay natahimik sina Jared, ngunit makikita sa kanilang mga mata ang labis na pagkagulat. Dahil dito ay naalala ni Jared na may nararamdaman para sa kaniya si Rynn at posibleng nagseselos ito ngayon.

"*Fufu.. I think I smell jelousy! *Hehe.." Sambit ng isang babae.

Agad napatingin si Rynn sa may pinto suot ang gulat na ekspresyon. Dito kasi niya narinig ang isang pamilyar na boses.

"Lai!" Sambit ni Rynn.

Bakas ang pagkainis sa tono ng pagkakasambit ni Rynn, subalit hindi ito pinansin ni Lai at nagpatuloy lang ito sa kaniyang paglalakad, hanggang sa makarating ito sa kaniyang upuan. Gusto sana itong lapitan ni Rynn upang kausapin, ngunit hindi na niya ito nagawa dahil dumating na ang kanilang guro, si Zinon.

Samantala, masusing kumakalap ng impormasyon si Raziel tungkol sa insedente ng pagkawala ng ilang mga mythical shaman. Labis na kasing nakakaalarma ang bagay na ito at halos kumalat na rin ang balitang ito sa buong Odin city. Ngunit hanggang sa ngayon ay mailap ang impormasyong patungkol sa mga nawawalang mythical shaman. Ayon kasi sa mga huling nakasama ng mga nawalang mythical shaman ay huli nila itong nakita nung maghiwa-hiwalay sila. At ang bagay na ito ay ang tinitingnang anggulo ni Raziel. Natitiyak kasi niyang may malaking organisasyong sa likod nito at malaki ang posibilidad na banta ito laban sa kanila.

"*Tsk! Ano ba ang nangyayari sa travincial? Sinasalakay na naman ba kami ng mga tao?" Sambit ni Raziel derekta sa kaniyang isipan.

Nagpatuloy lang sa kaniyang pangangalap ng impormasyon si Raziel at lahat ng posibleng lugar na pinuntahan ng ilan sa mga nawala ay pinuntahan niya. Nagbabakasakaling dito ay may makuhang palatandaan, kahit ito ay maliit lamang.

School of Myths: Ang ikatlong aklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon