June 18, CS262. Araw ng lunes at sa ngayon ay mabilis na tumatakbo sina Jared at Rynn patungo sa kanilang paaralan. Hindi kasi nila inaasahan ang nangyari kanina sa bahay.
*** Flashback! xD ***
Kanina sa loob ng bahay nina Jared. Halos kakatapos lang nilang kumain para sa kanilang almusal. Sa mga sandaling ito ay minabuti na ni Jared na paunahing maligo si Rynn, dahil batid niyang matagal mag-ayos ang mga babae. Sinang-ayunan naman ito ni Rynn at ilang sandali pa ay agad na siyang pumasok sa banyo.
Naubos ang halos kalahating oras ni Jared sa paghihintay, dahil mukhang hindi pa rin tapos si Rynn sa paliligo. Sa pagkakataong ito ay minabuti na niyang kausapin si Rynn, dahil mahuhuli na sila sa kanilang klase. Mabilis na nagtungo si Jared sa harapan ng banyo at dito ay malakas niyang tinawag si Rynn.
"Hoy Rynn! Bilisan mo at mahuhuli na tayo!" Sambit ni Jared.
Subalit walang nakuhang tugon si Jared, kaya kinatok na niya ang pinto.
"Hoy Rynn! Bilisan mo na dyan! Rynn!" Sambit muli ni Jared.
Ngunit wala pa ring nakukuhang tugon si Jared, kaya medyo kinabahan na siya. Hindi siya tumigil sa pagkatok at pagsigaw, hanggang sa pwersahin na niyang buksan ang pinto.
"Rynn!" Sambit ni Jared.
Bakas ang pag-aalala sa tono ng pagkakasambit ni Jared, matapos niyang makapasok sa loob. Ngunit agad itong nabura matapos niyang makita si Rynn na mahimbing na natutulog sa may bath tub. Sa pagkakataong ito ay labis siyang nakaramdam ng pagkainis, dahil mukhang walang balak pumasok si Rynn ngayong araw.
Dala ng kaniyang inis ay agad niyang kinuha ang isang timbang puno ng tubig at kalaunan ay agad niya itong ibinuhos kay Rynn. Agad namang nagising si Rynn at mabilis itong tumayo, dahil na rin sa labis na pagkagulat.
"*Kyaaaaaaa! *Huh? Jared?!" Sambit ni Rynn.
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Rynn, subalit ilang sandali pa ay agad siyang nakaramdaman ng galit matapos makitang hawak ni Jared ang timba.
"Ano bang problema mo?!" Tanong ni Rynn.
Galit na nagsalita si Rynn, ngunit mabilis itong napalitan ng pagkahiya, matapos makita ang reaksyon ni Jared. Agad kasi niyang naalala na wala siyang suot na damit.
"Ja..red..Eu..phem..ia.." Sambit muli ni Rynn.
"Mag papaliwanag ako.." Sambit ni Jared.
"*Raaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Sigaw ni Rynn.
*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOM! ***
Agad tumilapon papalabas ng banyo si Jared, matapos siyang sipain ng malakas ni Rynn. Agad din niyang isinara ang pinto at kalaunan ay muling galit na nagsalita.
"Ano na namang itong ginawa mo sa'kin?!" Tanong ni Rynn.
Hindi kaagad nakatugon si Jared, dahil kasalukuyan niyang hinihimas ang kaniyang ulo na malakas na tumama sa pader.
"Dapat ako ang nagtatanong sayo! Bakit ka natutulog sa banyo? At hindi ka man lang nagising, kahit paulit-ulit na akong sumisigaw, kaya inakala kong may masamang nangyari na sayo!" Sambit ni Jared.
"Dapat pala hindi na ako nagtataka.. Hindi rin siya nagising nung hindi ko sinasadyang ma-pisil yung boobs niya kaninang umaga. *Gulp! Pero nagpapasalamat ako na hindi siya nagising nung mga oras na yon." Sambit ni Jared derekta sa kaniyang isipan.
Sandaling natahimik si Rynn, dahil habang natutulog siya ay pakiramdam niyang may tumatawag sa kaniya.
"Kung ganon ay hindi pala kasama sa panaginip ko ang mga naririnig ko kanina?" Sambit ni Rynn derekta sa kaniyang isipan.
BINABASA MO ANG
School of Myths: Ang ikatlong aklat
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Eup...