Saglit na nahinto ang paglalaban at halos lahat ng kalahok ay nakatuon ang atensyon kay Ryna.
"Hoy Ryna! Itigil mo na kung ano man ang balak mong gawin!" Sigaw ni Cyrus.
Subalit tila walang naririning si Ryna at nakatuon lang ang kaniyang atensyon kay Arlone.
"Hoy... Hoy... Hoy... Alam mong labag sa rules 'yan gagawin mo diba?!" Sambit ni Arlone.
Subalit matapos magsalita ni Arlone ay mabilis na naglaho si Ryna at sa isang iglap ay napunta na ito sa kaniyang harapan, nakahanda upang pakawalan ang isang malakas na pag-atake.
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!" Sigaw ni Arlone.
*** SFX: THUUUUUUUGS! ***
Hindi na nagawa pang ituloy ni Ryna ang kaniyang pag-atake, dahil mabilis na tumilapon si Arlone at kalaunan ay tumama sa pader kung saan nanonood ang mga tao at mga mythical shaman.
Muli ay saglit na natahimik ang lahat at kalaunan ay natuon ang kanilang atensyon sa lalaking gumawa ng pag-atake.
"*Tch! Mukhang namana mo kay Annie ang pagiging bugnutin." Sambit ni Zenon.
Agad napabuntong hininga si Zenon matapos magsalita. Naiwan namang nagtataka si Ryna, hanggang sa ilang sandali pa ay nagbalik na siya sa kaniyang sarili.
"Whoa! A...a...anong 'tong hawak ko?!" Sambit ni Ryna.
Bakas ang labis na pagkagulat sa tono ng kaniyang pagsasalita. Habang si Zenon ay muling napabuntong hininga at kalaunan ay napa-iling.
"Ang mabuti pa ay bitiwan mo na ang bagay na 'yan, dahil sobrang delikado ng sandatang ginawa mo." Sambit muli ni Zenon.
Sa pagkakataong ito ay mabilis na binitiwan ni Ryna ang ginawa niyang sandata at mabilis itong naglaho matapos mahulog sa lapag.
"Ngayon, aware na ang mga tao sa taglay mong lakas, kaya posibleng iwasan ka na nila o kaya ay pagkaisan ka nila." Sambit muli ni Zenon.
"Kuya Zenon?" Tanong ni Ryna.
"Tawagin mo na lang akong Rain, dahil ayaw ni Zenon na makigulo dito." Sambit muli ni Zenon.
Hindi maunawaan ni Ryna kung bakit, subalit ramdam niyang ibang Zenon ang kaharap niya ngayon.
"Ngayon oras na para maglaro. Ngayon lang ulit ako makikipaglaban ng ganito. *Fufufu..." Sambit muli ni Zenon.
Mapunta naman tayo kina Jared, sa mga sandaling ito ay naghiwa-hiwalay sila ng kaniyang mga kasama, dahil sa kani-kanilang misyon. At patungo na siya sa kaniyang pakay, ang Forest Garden.
Subalit ng malapit na siya dito ay isang lalaki ang kaniyang nakita at kalaunan ay marahang naglakad papalapit sa kaniya.
"Hanggang dito ka na lang, bata." Sambit ni Warren.
Hindi nagsalita si Jared, subalit ilang sandali pa ay agad niyang inilabas ang kaniyang sandata, ang Myth Slayer.
Hindi naman nagulat si Warren, bagkus ay tila batid na niya ang kaniyang kaharap.
"Jared, tama ba? Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa'yo, pero alam kong hindi mo ito kagustuhan." Sambit muli ni Warren.
Muli ay hindi tumugon si Jared at kalaunan ay naghanda na para sa pakikipaglaban.
"** ENCHANT! INFINITE BURNING MYTH SLAYER! **" Sambit ni Jared.
Mabilis nabalutan ng apoy ang sandatang hawak ni Jared at kalaunan ay mabilis na sumugod.
BINABASA MO ANG
School of Myths: Ang ikatlong aklat
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Eup...