Chapter 26: Cleo Maiandra

3.1K 116 25
                                    

Sa ngayon ay tahimik na nagmamatyag ang dalawang bumisita kay Cleo kanina, sina Zerine at Zane, sa isang gusali na ayon sa kanilang impormasyon ay pinagdalhan ng mga pinaniniwalaan nilang nawawalang mga mythical shaman.

"Sigurado ka bang ito ang gusaling sinabi nina Roi?" Tanong ni Zane.

*** Zane Maiandra. 25 years old din at siya ang nakatatandang kapatid ni Cleo. Hindi tukoy ang kaniyang personalidad, kaya bukod sa siya ay mayaman at magandang lalaki ay wala na akong masasabi pa tungkol sa kaniya.

Slim ang pangangatawan ni Zane, nasa 5'6" ang kaniya ng taas, maputi at ang kaniyang balat, blonde ang kulay ng kaniyang buhok na nasa katamtaman ang haba. ***

"*Uhm. Kaya maging alisto ka sa pagmamatyag." Tugon ni Zerine.

*** Zerine Maiandra. 25 years old at pinsan siya nina Cleo at Zane. Sa ngayon ay hindi pa rin tukoy ang kaniyang personalidad at hindi mo matutukoy ang tunay niyang pagkatao sa likod nang maamo niyang mukha.

Slim ang pangangatawan ni Zerine, nasa 5'5" ang kaniya ng taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, blonde din ang kulay nang mahaba niyang buhok at hindi tulad ni Cleo ay tila wala siyang pyutsur. (If you know what I mean! :3) ***

Sa pagkakataong ito ay hindi na muling nagsalita si Zane at tulad nang sinabi sa kaniya ni Zerine ay masusi niyang sinuri ang nasabing gusali. Ilang sandali pa ay naghiwalay sila, upang mas masuri nila ito sa harap at likod. Siniguro nilang maingat ang kanilang mga pagkilos, subalit ng may ilang mga hakbang na lang ang layo ni Zane sa mismong gusali ay isang kakaibang pakiramdam ang naramdaman niya, matapos may matapakan. Sa pagkakataong ito ay agad niyang inalam ang bagay na ito, ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Isang bomba ang sumabog at ito ay ang bagay na kaniyang natakapan. Dahil dito ay labis na na-alerto ang lahat ng nasa gusali at kalaunan ay agad lumabas, upang alamin ang nangyari. Samantala, agad namang nagtago si Zerine at tila hindi iniisip ang kalagayan ng kaniyang pinsan na batid niyang tinamaan nang malakas na pagsabog.

"*Tsk! Sinabi ko nang mag-ingat siya eh!" Sambit ni Zerine.

Mabilis na nakarating ang mga tao na nagmula sa nasabing gusali, sa lugar kung saan may naganap na pagsabog. At ang bawat isa sa kanila ay may tangan-tangan na sandata, mga Anti-myths weapon. Ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila natutukoy kung ano o sino ang dahilan nang pagsabog. Bagamat ang pagsabog ay sanhi nang itinanim nilang patibong, laban sa mga nagnanais na sila ay manmanan.

Sa ngayon ay balot pa rin ito nang makapal na usok, kaya hanggang sa ngayon ay hindi nila matuloy ang pangyayari.

"*Fufu... Mukhang may isang hangal ang nahuli ng isa sa ating mga patibong." Sambit ng isang lalaki.

"Pero hindi ba ito magdudulot nang pag-aalala para sa iba? Ang lakas kaya nung pagsabog." Sambit ng isa pang lalaki.

"Wag kang mag-alala, dahil normal lang sa lugar na ito ang mga malalakas na pagsabog. Pero dapat pa rin natin i-ulat ang dahilan ng pagsabog at 'yun ang gagawin natin mamaya sa oras na malinis na natin itong kalat." Sambit muli ng lalaki.

"O...o...okay po." Sambit muli ng lalaki.

"*Hahaha! Wag kang mag-alala, boy. Dahil bago ka lang dito ay magandang pagkakataon ito para malaman mo kung anong klaseng trabaho ang napasukan mo." Sambit ng isa pang lalaki.

Napatango na lang ang baguhang lalaki at kalaunan ay itinuon ang atensyon sa lugar kung saan naganap ang pagsabog. Sa ngayon kasi ay unti-unti nang nawawala ang usok at unti-unti na rin nilang natatanaw ang lugar.

School of Myths: Ang ikatlong aklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon