Kinabukasan, maagang pumasok ang magkakaibigan kahit wala silang klase. Ang buong linggo kasing ito ay ibinigay sa kanila upang makapaghanda sa kanilang school festival. Sa katunayan ay napagdisisyonan na ng bawat klase ang kani-kanilang mga gagawin para sa nasabing festival.
Sa silid ng class-wind 1, kasalukuyan ngayon nagpupulong ang buong klase para sa gagawin ng bawat isa. At dahil halos lahat ay may club ay kailangan nilang mahati ang kani-kanilang mga oras, upang matugunan nila ang kanilang mga tungkulin.
Naging mahirap para sa lahat ng mag-aaral ang yugto na ito, dahil kailangan din nilang makausap ang iba pang myembro ng kanilang mga clubs. Ngunit gayumpaman ay napagdisisyonan halos ng lahat ng mga section na ipaalam muna sa kani-kanilang mga clubs ang kani-kanilang mga schedules upang mas madali na para sa kanila ang makagawa ng plano.
Sa pagtatapos ng araw ay halos mapapansin sa bawat mag-aaral ang labis na pagod, kahit puro pagpu-pulong at pagpa-plano lang ang kanilang ginawa. Sa katunayan ay ito ang pinaka mahirap na parte sa kanilang school festival, ang paghahanda.
Sa mga sandaling ito ay sabay-sabay na naglalakad ang magkakaibigan patungo sa araw-araw nilang pinupuntahan, ang bahay nina Zenon. Subalit tulad ng ibang mga mag-aaral ay bakas ang pagod sa kani-kanilang mga mukha.
"Sa tingin ko ay hindi na natin magagawang magsanay sa susunod ng mga araw." Sambit ni Dave.
"*Uhm! Sobrang magiging busy na tayo sa school festival, kaya ako na ang magpapaalam kina lola mamaya." Sambit ni Sapphire.
Sandaling nahinto ang magkakaibigan sa kanilang paglalakad at kalaunan ay halos sabay-sabay silang napabuntong hininga.
"Kung ganon ay ako na lang ang magpupunta sa bahay at magkita-kita na lang tayo bukas." Sambit muli ni Sapphire.
Mabilis na sumang-ayon ang lahat hanggang sa ilang sandali pa ay nagsimula na silang maghiwa-hiwalay.
Samantala, kahit batid ni Rynn na wala silang pagsasanay sa buong linggo ay nais pa rin niyang magsanay. Ngunit hindi niya ito magagawa ng mag-isa, kaya nagdisisyon siyang magtungo sa kanilang club, ang weaponry club.
Sa pagpasok niya sa loob ay tila huminto ang oras, dahil halos lahat ay nakahinto at nakatitig lang sa kaniya. Subalit hindi naman ito nagtagal, hanggang sa ilang sandali pa ay mabilis na tumakbo sina Summer at Sean papalapit sa kaniya.
"Rynn!" Sambit ni Summer.
Matapos malapitan ay mabilis na niyakap ni Summer si Rynn na tila hindi ito nakita ng mahabang panahon.
"Sinabi ko na nga ba't babalik ka rin dito eh." Sambit muli ni Summer.
Balot man ng pagkahiya ay napangiti na lang si Rynn at kalaunan ay nagsalita.
"Sorry kung ngayon lang ako pumasok. Marami kasing nangyari sa'kin, kaya nagdisisyon akong magsanay muna." Sambit muli ni Rynn.
"*Hmm... Kung ganon ay gusto kong makita ang resulta sa pagliban mo sa'ting mga club activities." Sambit ni Aliza.
Mabilis na napalingon si Rynn sa kanilang president at kasunod nito ay ang kaniyang pag ngiti.
"Nauunawaan ko." Tugon ni Rynn.
Mabilis na natahimik ang lahat hanggang sa ilang sandali pa ay nagsimula nang maglakad papalabas si Aliza.
Ilang minuto pa ay narating na nila ang school field kung sa nila isinasagawa ang kanilang mga pagsasanay at activities.
"*Fufu... Mukhang malaki nga ang ipinagbago mo nung huli kitang makita. Ngayon, ipakita mo sa'kin ang resulta sa ipinagmamalaki mong pagsasanay." Sambit ni Aliza.
BINABASA MO ANG
School of Myths: Ang ikatlong aklat
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Eup...