Gabi na nang marating nina Zenon at Draken ang mount Olympus. Sa pagkakataong ito ay hindi na sila nag-aksaya pa ng sandali at mabilis na silang nagtungo sa bahay nina Zenon na makikita sa pusod ng kagubatan. Tinatayang ilang minuto lang ang lumipas ay narating na nila ito at sa loob ng bahay ay saktong nakita nila sina Hades at Eclaire na nag-uusap. Agad naman silang napansin ng mga ito at kalaunan ay mabilis na nilapitan.
"May hindi magandang nangyayari ngayon sa Travincial, ama." Sambit ni Zenon.
"*Tch! Hindi ko inaakala na magiging ganito kabilis ang kanilang gagawing pagkilos." Sambit ni Eclaire.
Agad napalingon sina Zenon at Drake kay Eclaire, dahil hindi nila inaasahan na may nalalaman ang mga ito sa kasalukuyang nangyayari.
"Kung ganon ay alam nyo na ang nangyayari?" Tanong ni Zenon.
"Hindi, pero nung nakaraang araw ay nagpakita dito ang isa sa mga tauhan ni Erdie." Tugon ni Hades.
"Erdie? Isa ba siyang sorcerer?" Tanong ni Drake.
"*Uhm. At isa siyang malakas na sorcerer na kabilang sa mga elder. Sa totoo lang ay nagulat ako nang malaman kong buhay pa pala siya at gumawa ng sariling hukbo ng mga mythical shaman. At tinatayang ilang daang taon ang kaniyang inilaan para lang mapaghandaan niya ang kaniyang paghihiganti sa amin at pati na rin sa mga Isenhart." Tugon ni Eclaire.
"At kasama na sa kaniyang paghihiganti ang mga naging resulta sa matagumpay naming eksperimento." Sambit muli ni Hades.
"Kaming mga mythical shaman." Sambit muli ni Drake.
"*Uhm." Tugon ni Hades.
"Kung ganon po ay wala na tayong dapat pang sayanging oras." Sambit ni Zenon.
"Pero bago tayo kumilos ay gusto ko munang sabihin nyo sa'min ang mga nangyari sa travincial." Sambit muli ni Hades.
Agad napatango si Zenon at kasunod nito ay nagsimula na siya sa pagku-kwento sa mga nangyari at patungkol ito sa nangyaring pag-atake kina Jared at sa mga kaibigan nito.
Samantala, kasalukuyan ngayong magkasama sina Mark at ang ilan sa kaniyang mga kaibigan. Sa ngayon ay nasa loob sila ng basement ng bahay nina Zenon, at may ilang oras na silang naririto upang muling magsanay. Matagal na rin kasi silang hindi nakikipaglaban, dahil na rin sa mapayapa nilang pamumuhay. Subalit sandali silang nagpahinga, matapos ang ilang oras nilang paglalaban.
"*Tsk! Hinding-hindi ko mapapatawad ang gumawa non sa mga anak ko. Titiyakin kong magbabayad sila." Sambit ni Mark.
"Para kang sirang plaka, Mark! Kanina mo pa 'yan sinasabi, habang nagsasanay tayo." Sambit ni Aron.
"*Sigh... Mabuti siguro kung hindi mo muna iisipin ang bagay na ito, Mark. Hindi ka kasi makapag-focus sa pagsasanay nyo eh." Sambit ni Melisa.
"Tama si Melisa at alam ko din ang nararamdam mo. Alam ko ring hindi na sanay ang katawan mo sa pakikipaglaban, dahil busy ka sa trabaho mo." Sambit ni Carl.
"*Tsk! Kasalanan mo din ito Mark, kung bakit naging mahina ang anak mo. Hindi mo kasi siya sinasanay, kaya hindi tulad natin ang kanilang mga class level, nung mga kasing edad natin sila." Sambit muli ni Aron.
"Tumahik ka nga Aron! Parang hindi namin alam na hindi mo rin sinasanay ang anak mong si Sapphire!" Sambit ni Alex.
"Pe...pe...pero siya ang may ayaw na magsanay kami at mas gusto lang niyang mag-aral!" Sambit muli ni Aron.
BINABASA MO ANG
School of Myths: Ang ikatlong aklat
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Eup...