Chapter 15: Pagsukat sa kanilang kakayahan

3.8K 131 15
                                    

June 19, CS262. Araw pa rin ng martes at sa ngayon ay mabilis na tumatakbo pauwi ng bahay si Rynn. Nagpasiya siyang lumiban muna sa kanilang club activities ngayon, upang makapaghanda para sa paghingi niya ng tawad kay Jared. At habang mabilis siyang tumatakbo ay inilabas niya ang kaniyang telepono at kalaunan ay tinawagan si Lai.

"Magkita tayo ngayon sa bahay nina Jared." Sambit ni Rynn.

"*Hah?! Ba..ba..bakit naman?" Sambibt ni Lai.

"Basta bilisan mo! Mas mabuti rin siguro kung isama mo si Krysel kung pwede siya." Sambit muli ni Rynn.

"*Hmm.. Mukhang alam ko na ang binabalak mo. Okay sige, pupunta ako pero hindi ko alam kung pwede si Krysel. Tawagan na lang kita kung pwede siya." Sambit muli ni Lai.

"*Uhm! Maraming salamat." Sambit muli ni Rynn.

"Sandali lang, tama ba yung address na sinabi mo sa'min?" Sambit muli ni Lai.

"*Uhm! Hindi naman siya malayo sa campus, kaya hindi kayo mahihirapang hanapin ang bahay niya." Sambit muli ni Rynn.

"Okay sige! Magkita na lang tayo mamaya. *Hehe.." Sambit muli ni Lai.

Matapos mag-usap ay agad ibinulsa ni Rynn ang kaniyang telepono. Sa pagkakataong ito ay bigla siyang napahinto, dahil may bigla siyang naalala. Ilang sandali pa ay mabilis na siyang tumakbo pabalik.

Samantala, halos pasimula na sina Jared sa kanilang magaganap na paglalaban sa pagitan nila at ng kanilang adviser. Ngunit gayumpaman ay pawang pagsasanay lang ito at isang aktibidad kung saan ipapakita nila ang kanilang mga kakayahan at kaalaman pagdating sa paggamit ng kanilang mga napiling sandata.

Sa mga sandaling ito ay nasa gitna na sila ng field, habang nasa gilid naman ang iba pa nilang myembro. Si Jared kasama sina: Summer, Sean, Enzo at Harry ang kasalukuyang haharap kay Tyki. At sa tingin ni Jared ay hindi ito patas, dahil lima lang silang haharap sa kanilang adviser.

"Kung handa na kayo ay malaya na kayong umatake at sana ay ibigay nyo ang buo nyong lakas sa bawat pag-atake na gagawin nyo." Sambit ni Tyki.

"Yes sir!" Tugon ng lima.

Ilang sandali pa ay biglang tumahimik ang buong kapaligiran, subalit batid ng lahat na tumataas ang tensyon. Tahimik ring nanunuod sina Aliza at pati na rin ang ilang mga estudyanteng nagkataong naglalakad papalabas.

"Ang sabi ni Summer ay mythical shaman ng Minotaur si sir Tyki, kaya pambihira talaga ang lakas niya. Siguro ito rin ang dahilan kung bakit wala pang sumugod, kahit may hudyat na." Sambit ni Jared derekta sa kaniyang isipan.

Ngunit ilang sandali pa ay mabilis na sumugod si Summer, habang kinakaladkad niya ang talim ng kaniyang malaking palakol sa lupa.

"** ENCHANT! BURNING AXE! **" Sambit ni Summer.

Matapos sumigaw ay mabilis nabalutan ng apoy ang sandata ni Summer at ng mga sandaling ito ay halos may ilang hakbang na lang ang layo niya kay Tyki. Sa pagkakataong ito ay mabilis niyang iwinasiwas ang kaniyang palakol patungo sa mga binti ni Tyki.

*** SFX: WOOOOOOOOOOOOOOOOOOSH! ***

Labis na nagulat si Jared dahil batid niyang itensyon ni Summer na putulin ang mga binti ng kanilang adviser. Subalit mabuti na lang at madali lang itong naiwasan ni Tyki sa pamamagitan ng pagtalon. Ngunit tila batid ni Summer na maiiwasan ito ni Tyki, kaya gamit ang bigat ng ginawa niyang pag-atake ay hinayaan niyang matangay siya nito. Kasabay nito ay mabilis niyang hinablot ang kanang binti ni Tyki na siyang ikinagulat nito. Ilang sandali pa ay buong lakas niyang itinapon si Tyki, patungo sa lupa.

School of Myths: Ang ikatlong aklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon